A/N: here you go! Im soooo sorry guys. 2 weeks din akong nanahimik. Btw. Here's the next chapter. Enjoyyyy <3
Thanks Savaro1016 for the likesss :"> I dedicate this chapter to youuuu <3 Keep reading guys!
Chapter 10:
"Hoy babae! San kayo pumunta ni Dar kagabi. Bigla bigla nyo nalang kaming iiniiwan ni Nate"
"Sus. Nagenjoy ka naman eh! Kunwari ka pa!"
"Hoy! hindi no! Nakakahiya lang kasi sakanya. Hinatid nya pa tuloy ako."
"Ang ambisyosa nyo talaga eh noh? Grabe din naman pala imagination nyo e noh!"
Kausap ko si Jackie sa mga oras na 'to nang may biglang sumingit. Mga bullies talaga.
"Hoy! Ikaw ang ambisyosa! Atleast kami, friends kami nila Nate." sigaw ni Jackie
"Friends? Kelan pa?! Grabe. Gold digger!"
"Sumosobra ka n--"
"Tama na yan, Jackie." mahinahon kong awat ng akmang susugurin nya si Apple.
"Oo nga, tama na yan Apple"
Di ko napansin na nasa likod pala namin sila Nate at Darwin kasama ang mga tropa nila.
"Ah eh! Kasi sila e. Sabi ba naman, ka-date daw nila kayo. Mga die hard fans na mga ilusyonada!"
"Actually tama naman yung narinig at sinabi nila e." Pagdedepensa ni Darwin.
"Si Jackie ang date ko, Si Kams ang date ni Nate" pagpapatuloy nya pa.
"S-so t-totoo --"
"Oo, totoo yun. Kaya yaan mo nalang sila. Nangyari na din naman e. Friends na namin sila kaya dapat friends nyo din sila" ngingisi ngising sabi nya
"I cannot believe this is happening!!" nagmamaktol na nag walk out si Apple.
.
.
.
.
.
"Ba't andito pa kayo? Tapos na dapat ang klase nyo ah" tanong ko sa dalawang asungot sa harap namin ni Jackie at pinapanood kaming kumain ng miryenda
"Mas masarap pa kasi kayong panooring kumain kesa umuwi. Wala din naman kaming gagawin sa bahay. Diba Nate?" tanong nito kay Nate
Kapansin pansing may bumabagabag kay Nate kaya tinanong ko sya kung anong problema.
"Nate, Uh... ayos ka lang ba?"
"Finally tinanong mo din sya. Ngayon mo lang napansin na parang timang tong tropa ko ngayon?" --Darwin
"Huh? Di ko maintindihan."
"May gusto kasi yang --" di na nya natuloy yung sasabihin nya dahil sinikmuraan sya ni Nate
"Sabi ko nga, tatahimik na ako. Tara na muna Jackie. Alis muna tayo bago mag umpisa ang class nyo" at umalis na silang dalawa at naiwan nanaman kami ni Nate na magkasama.
Grabe. Kinakabahan ako. Ano nanaman kaya yung dapat sasabihin ni Darwin sakin. At yung mga matang nanlilisik sa inggit at galit na alam kong pinapanood ang bawat galaw namin, nakakabother masyado.
"So?" pagputol ko ng awkwardness namin
"Kamusta pag uwi mo?" mailap ang mga mata nya habang tinatanong ako
"Di ba dapat ikaw ang tinatanong ko? Onga pala, salamat. Okay naman ako. Masaya kasi dumalaw din si Axle. Natulog na din ako agad pagkaalis nya" explain ko
"Ilang minuto sya sainyo?"
"Minuto? 3 oras syang nasa bahay. Syempre pinilit ni Mama na kumain sya sa bahay ng dinner"
"Close ba sila ni Tita?"
Wow. Tita?!
"Oo. Diba nga sabi ko naman sayo, lagi yun sila ni Jackie sa bahay."
"Bakit ako di mo ako niyayang mag dinner sainyo?"
"Teka teka... anong patutunguhan ng usapang to? Nakakatawa ka"
"Walang nakakatawa kasi nagseselos ako."
A/N: Cliff hanger! Ha! Sorry. Watch out for the next chapter. Hirap din gumawa ng kasunod neto eh :)) Hope you guys like it. Selos selos selos. Kiligin naman kayoooo! :">

BINABASA MO ANG
Too little, Too much.
Teen FictionWhen you met "The One and Only"... kaya mo bang maging "Ready?" Gaano ka-ready mag handle ang relasyong wala ka pang alam kung ano ang kahihinatnan?