Chapter 7:
(Kams' POV)
*Friday*
Nagdaan ang mga araw simula nung pangyayari nung Monday. Pagtapos nung pangyayari yun, naging usap usapan na kaming dalawa ni Jackie. Naging mainit sa mga mata ng mga estudyante pero syempre hindi nalang kami nagpapaapekto. Lagi na din naming nakikita si Darwin at Nate, sinusubuka naming takasan sila pero imposible. Tuwing makikita nya ako o si Jackie, lagi nilang pinapaalala na may "DOUBLE DATE" daw kami sa sabado lalo na si Darwin, ang kulit nya lang talaga.
At eto nga, bukas na ang payment turned date namin. Hindi man lang ako makaramdam ng excitement dahil inis yung nararamdaman ko. Samantalang si Jackie e kabaliktaran naman ang nararamdaman. Yung feeling na ayoko ng sumapit yung bukas kasi paniguradong kamumuhian nanaman kami sa school.
*Saturday*
(Darwin's POV)
Walang pasok ngayon pero may lakad kami ni Nate. Dito na nga ako sa bahay nila e at guess what kung ano nadatnan ko... as usual ... Ang walang kakupaskupas na pag aaral ni Nathan.
"Tsong naman! Mamaya na yan. Diba dapat naghahanda ka na para sa double date natin?" sermon ko sa kanya habang nakahiga sa kama nya at pinapanood sya sa study table nya
"How many times do I have to tell you that it's not a date?! And besides, sure ka bang sisiputin ka nun? Ewan ko ba bakit pa ako nadamay sa mga kalokohan mo" sinagot nya ako habang nakatingin parin sya sa libro nya
"Trust me pare! How can they resist our charms? Lalo ka na?! You're NATHANIEL EUSEBIO for Madam Auring's sake! Sa tingin mo tatanggi sila at iindyanin tayo.. I doubt."
"I don't think na parehas sila nung mga girls na patay na patay satin. Oh come on you can see how pissed they are nung Monday. I doubt kung sisipot sila" sabi nya sakin at this time, tinignan nya na ako
"Whatever. Alam mo ang dami mo pang sinasabi eh. Kung naliligo ka na at nagpapapogi edi sana makakaalis na tayo dito? Look on the brightest life and think positive"
"It's 'look on the brighter side', bro."
"Whatever! Just hurry up, as**ole!"
"Fine! Fine!" at dali dali na syang pumunta ng banyo
-- 3:30 pm, Summer Paradise Plaza --
"So anong balak mong gawin pag nandito na sila?" tanong sakin ni Nate pagkababa namin ng kotse nila at ngayon ay nakaupo sa isang bench para hintayin sila Kams
"Di ko alam pare. We'll figure that out later. Madami namang pwedeng gawin para di sila mabored. Trust me."
"Whatever you say"
-- 4:15 pm, Summer Paradise Plaza --
"Tol! They're 15 mins. late! Sa tingin mo ba sisiputin pa tayo nun? Haha! Umuwi nalang tayo"
"Ano ka ba naman. 15 mins. palang silang late. Malay mo traffic o kaya ... basta pupunta yan sila sigurado ako. Ang nega mo eh!"
"I'll wait for another 15 mins. If they're not here yet, I'm out ok?"
"Sure" kinakabahan kong sagot.
What if hndi nga nila kami siputin?! Lagot sila sakin.
(Kams' POV)
Umalis ako sa bahay ng 3:50 at pumunta kala Jackie. Pagirl look ako ngayon pero sobrang simple ko lang. Naabutan ko si Jackie sa harap ng salamin. Ang ganda nya talaga lalo na pag naaayusan.
"Hindi ka pa ba tapos te? Matagal pa ba yan?" inip kong tanong kay Jackie na kanina pa nagaayos ng mukha nya at ngayon naman ay nag boblower ng buhok nya
"Atat lang te? Wait nalang talaga. Napakaexcited mo e noh!"
"Hindi ako excited no! Gusto ko lang bilisan mo para maaga tayo makauwi"
"I'm done! Let's go!" sabay hawak nya sa braso ko.
Tinignan ko yung orasan ko. 4:20 na. Late na kami. No worries. Maghintay sila.
Wala pang 4:30 nang dumating kami sa SPP. Madaming tao pero kitang kita ko na sina Nate at Darwin na naghihintay at halatang inip na sila. si Darwin, kanina pa ang tingin sa relo nya. Huminga ako ng malalim at sabay na kaming pumunta ni Jackie sa direksyon kung nasaan sila.
"Uhm, hello! Pasensya na natagalan kami" bati ko sakanila
Halatang gulat sila. Di yata nila napansin ang pagdating namin.
"O-Okay lang." sagot naman ni Nate
"Kasama ko na nga pala si Jackie. Ang ganda nya noh? Pinaghandaan nya talaga to eh." pabiro kong sabi. I like the atmosphere. Natural ang paglabas ng kulit ko kaya parang ang close close na namin. Siniko ako ni Jackie nung narinig nya ang mga sinabi ko.
"Ikaw talaga! Nakakahiya tuloy." sabay tungo nahiya ata
"Ano ka ba, maganda ka friend. Trust me" bulong ko sakanya. Tumingin sya sakin at ngumiti
"Ang cute mo Kams!" gigil ni Darwin tapos ay pininch nya yung cheeks ko
"Pakilala mo naman ako sa kasama mo" pahabol pa nitong sabi
"Haha! Nakakatuwa ka pala talagang kasama Darwin."
"You look beautiful, Jackie" sweet na sweet na sabi ni Darwin kay Jackie. Di ko alam kung sanay lang ba syang sabihin yan sa mga nakikilala nyang babae o she really find her attractive
"Ah eh, Thankyou Darwin. You look good din" nagbublush nyang sagot
"Ahem!!!" sabay pa kaming nagparinig ni Nate. Nagkatinginan tuloy kami
"Let's go inside na. Nagugutom na talaga ako e." yaya samin ni Nate
Naunang pumasok sa loob sina Darwin at Jackie. Sunod kami ni Nate sa likod nila nang biglang may naramdaman ako sa bandang batok at tenga ko.
"Uhm Kams, you really look simple, yet gorgeous today. Sana lagi kitang makitang ganyan"

BINABASA MO ANG
Too little, Too much.
Teen FictionWhen you met "The One and Only"... kaya mo bang maging "Ready?" Gaano ka-ready mag handle ang relasyong wala ka pang alam kung ano ang kahihinatnan?