Chapter 13.2:
(Kams POV)
"Walang pero Kams. Please. I really like you so dont make this hard for me" seryosong pag amin ni Nate.
Hindi ko alam anong irereact ko. Babae ako at sa mga panahong to gustong gusto kong magtititili sa kilig dahil gusto nya ako. Gusto ko din naman sya kaso. . . masyadong mabilis ang mga pangyayari.
"Like me? Hard for you? Di ko maintidihan Nate. Sure ka ba?"
"Im not kidding Kams. I like you like ... hell. And its so hard for me to hear you mention other guy's name."
"Hindi others si Axle. In fact mas matagal kaming magkakilala kesa satin. Di ka ba nabibilisan sa mga pangyayari?"
"So dinedefend mo sya?"
"Nate, friend ko si Axle."
"Friend lang ba talaga?"
"Nate! friend ko sya at friends lang din tayo." nagumpisa na akong mag ayos ng sarili at handa na akong umalis
"Kams, Kams saglit." pagpigil nya sakin. Tumigil ako pero di ko sya tinitignan.
"Kams, pakinggan mo ako. sorry. mabilis ba? Sorry talaga. Iba kasi talaga e. Alam mo yung pag naramdaman mo na, di ka na mag dadalawang isip pa, kasi feeling mo 'eto na e! sasabog na' ..Yung parang bawat sandaling palalagpasin mo, alam mong may mga bagay na pwedeng mangyari na baka pagsisihan mo" paliwanag nya habang hinahawwakan ang mga kamay ko
"Kams, di ko kailangan ng sagot ngayon. Di kita minamadali. Gusto ko lang malaman mo agad yung nararamdaman ko sayo... na ang lakas ng tama ko sayo!" pagpapatuloy nya.
Graaaaaabe! Nabibilisan talaga ako sa mga pangyayari e. Di pa nagsisink in sakin yung mga pagtatapat nya. Pero handa syang maghintay... pano ko ngayon sya sasagutin....
Tinignan ko sya sa mata... yung kamay ko na hawak nya, hinigpitan ko at sinabing. . .
"Hindi magiging madali ang panliligaw mo ah" sabay nginitian ko sya.
"Teka... ano?" ngingiti ngiti si Nate na parang nalilito sa mga binitawan kong salita.
"Anong ano? Wala naman akong sinabi ah"
"Ulitin mo nga!! "
"Ayoko nga!"
"Wohooo!" sabay kinarga nya ako... (Parang "I-Dawn Zulueta mo ako!!" na style)
"Hoy! Di pa kita sinasagot noh! Ibaba mo ako" pero hindi nya ata ako narinig, sa halip inikot ikot nya pa ako. Pinagtitinginan na kami ng tao nang ibaba nya ako at wala kaming ginawa kundi tumawa ng tumawa.
"Kams, ako na ang pinakamasayang tao ngayong Sept 15, 2011!!" sabay pinisil nya ang magkabilang pisngi ko
Feeling ko sobrang pula ko na lalo na ngayong magkalapit ang mga mukha namin.
"Tara breakfast na tayo?" hinila ko ang kamay nya at dun naumpisa ang napakagandang araw ko. Haba ng hair ko noh?! :D
BINABASA MO ANG
Too little, Too much.
Teen FictionWhen you met "The One and Only"... kaya mo bang maging "Ready?" Gaano ka-ready mag handle ang relasyong wala ka pang alam kung ano ang kahihinatnan?