Chapter 9: May panalo at may talo
Bakas ang galit sa mukha ni Hamaro habang tinitignan si Izalem na nakahiga sa lupa. Habang nakasandig sa sumintong dingding si Hamaro ay palakas nang palakas ang mga apoy na lumalabas sa katawan niya.
Ilang sandali pa'y nanlaki ang mga mata niya at napailing-iling siya na parang may gumugulo sa isip niya kaya napahawak siya sa kaniyang ulo na sumasakit na.
Hindi 'to pwede, hindi pwedeng lalaban ako nang wala sa sarili...dapat kontrolado ko ang sarili at lalaban na buong ako lang, sa isip ni Hamaro.
Dahan-dahan niya ipinikit ang mga mata at huminga ng malalim kaya biglang pumasok sa isip niya ang mga sinabi ng kaniyang ina na si Silva Rizal nitong nakaraang araw lang.
Huminga ka ng malalim at subukan mong pakalmahin ang sarili, nang sa ganun ay kakalma ang mga enerhiya mo at hindi ka malalamon ng mga apoy na maaari kang sakopin kapag hindi mo napigilan.
Nang maalala ni Hamaro ang mga sinabi ng kaniyang ina ay unti-unti nga humihina ang mga apoy niya sa katawan, ito'y dahil sinunod niya ang mga sinabi nito na maging kalma.
Mayamaya'y inimulat niya ang mga mata at napangiti siya dahil kontrolado na niya ang sarili.
Dahan-dahan na siya at muling pinalibutan ang sarili ng mga apoy, pero sa pagkakataong ito ay hindi na 'to masyadong marami katulad ng kanina.
Muling bumalik si Hamaro sa pakipaglaban kay Izalem. Agad siya tumalon papunta kay Izalem na nanghihina pa rin nakahiga. Magagawang tumalon, lumipad o lumutang sa itaas ni Hamaro dahil sa tulong ng mga apoy na nakapaligid sa katawan niya.
Nang makalapit si Hamaro ay agad siya nag atake ng apoy sa ibaba kung sa'n nakahiga si Izalem. "I-Izalemmm!!!" Napasigaw si Haliya na nasa likod ni Izalem.
Dahil sa sigaw ni Haliya ay nagising si Izalem at pagkatingin niya sa itaas ay nanlaki ang mga mata niya nang makitang papalapit sa kaniya ang mga apoy ni Hamaro na nakalutang sa itaas, kaya agad siya umiwas pagilid at kahit masakit pa ang katawan niya ay tiniis pa rin niya para lang hindi matamaan ng apoy.
Dali-daling bumangon si Izalem at nakaisip siya ng paraan, mabilis niya inilahad ang isa niyang kamay kay Hamaro kaya agad nagkaroon ng Land Wall sa itaas nito, napalingon sa itaas si Hamaro at nanlaki ang mga mata niya nang matuklasang huli na siya at hindi nga siya nakaiwas sa Land Wall.
Ang kabila namang kamay ni Izalem ay nagmamanipula sa lupang malapit sa kaniya at naging mabilis ang kilos ng kamay niyang nakalahad para makahukay ng malalim na tila may paglilibingan siya.
Hinampas si Hamaro ng Land Wall ni Izalem kaya nahulog siya ngayon at wala siya ibang puntahan kundi ang malalim na hukay, pagkahulog niya dito ay mabilis itong tinakpan ni Izalem ng Land Wall mismo para walang kawala.
Marami ang nagulat sa ginawa ni Izalem kay Hamaro na tila inilibing niya ito ng buhay. Habang nasa ilalim ng lupa si Hamaro ay pinagpapawisan na siya't hinihingal dahil sa subrang sikap.
Kahit anong pilit niyang lumabas ay hindi niya nagagawa, naghahagis na siya ng mga apoy para lang maalis ang lupang nakatakip sa itaas at makalaya siya, pero sadyang mahigpit at malalakas ang mga lupa.

BINABASA MO ANG
Atlas Volume 2 [Warriors Battle]
FantasyNgayong mga Warrios na sila, mas lalong lumalalim ang kanilang mga tungkolin. Isa sa kanilang kaharaping pagsubok ay ang Warriors Battle, kung saan kakalabanin nila ang isa sa kanila. Sino ang mga mananalo, at sino ang mga bababa sa ranggo. Ito ang...