Chapter 28

63 10 65
                                    






Chapter 28: Maglalaban ba?


Marami sa mga manunuod ngayon ang natahimik at ang iba pa'y napanganga, hindi kasi sila makapaniwala sa narinig nila ngayon sa isang batang Warrior na nakipaglaban sa isa pang Warrior sa gitna ng napakalawak na Battlefield.

"Ano raw? Sumusuko na siya? Ano mangyayari niyan...?" Saad ng babaeng manunuod sa kasama niya.

Nilingon siya ng kasama niya "Hindi ko rin alam. Pero siya ang pinaka-unang sumuko sa Warriors Battle ngayon..." sagot naman nito.

Natahimik din ang iba pang mga batang Warriors na nanunuod dito sa itaas. Napakamot sa ulo si Adhana Makadatu na mismong kasamahan ng Warrior na sumuko sa labang ito. "Hays...ba't ka naman sumuko Lynn...? Pariho tayong talo ngayon...si August lang ang panalo sa atin..." tila paghihinayang ni Adhana.




Maging ang dalawang naglalaban ngayon sa Battlefield na sina Mariecris at Lynn ay tahimik na nagkatitigan habang parihong nakatayong nakasakay sa isang dambuhalang Deadly Root.

Nanatiling nakataas ang kamay ni Lynn at hawak-hawak pa rin ni Mariecris ang tela ng kaniyang damit sa banda niyang dibdib dahil nais sana nitong ihulog siya sa nakangangang baba ng isa pang Deadly Root.

Ngunit dahil sumigaw si Lynn na sumusuko na siya ay nahinto si Mariecris sa binabalak sanang ihulog siya. Dahil sa narinig ni Mariecris na sumusuko na si Lynn ay dahan-dahan na gumagaan ang hawak niya sa damit ni Lynn, at para bang saglit siyang natulala at hindi makapaniwala.



"Sumusuko ka? Akala ko ba matapang ka?!" Tila galit na nagtanong si Mariecris at inalis na niya ang kamay niyang nakahawak sa damit ni Lynn.

Bakas man ang naluluhang mukha ni Lynn ngunit halatang pinipigilan niya ito "Sumusuko ako, dahil alam kong hindi para sa akin ang bagay na ito. At tsaka, hindi pa naman tayo malapit sa isa't isa, kaya wala akong dapat patunayan sayo." Sagot niya.

Natahimik si Mariecris sa isinagot ni Lynn at tila naging malalim naman ang iniisip ni Lynn. 'Sumuko ako, dahil hindi para sa akin ang labang ito. Hindi pa lang nagsisimula ang Warriors Battle, sinabi ko na sa sarili ko, na tanging sina Sahara at Haliya lamang ang nais kong makalaban, dahil silang dalawa lamang ang kapantay ko, ang iba sa mga kasamahan namin ay kakaiba ang mga kapangyarihan, lalo na si Mariecris. Sumuko ako dahil kinakailangan.' Sa isip ni Lynn.




Dahil kusang sumuko si Lynn ay walang mangyayaring bilangan ng sampung-segondong oras; dahil may nanalo na sa labang ito, at yon ay ang hindi sumuko.

Humawak na ng microphono ang tagapagsalitang si Ian Chow na nasa pinaka-dulong pwesto kung saan makikita ang mga manunuod. "Dahil sumuko si Lynn Yarra, ang panalo sa labang ito, ay si Mariecris Polledo!" Anonsyo ni Ian.

Napapangiti si Mariecris nang makitang marami sa mga manunuod ang naghiyawan na may kasamang palakpakan at naka ngiti siyang tinitigan marahil ay binabati siya ng mga ito.




Lumipas ang ilang oras. Kasama na nila Mariecris at Lynn dito sa itaas ang iba pang mga Warriors. Nagkaabotan ng mga kamay sila Mariecris at Lynn at nagkamayan. "Binabati kita..." pagbati ni Lynn kay Mariecris.

Ngumiti naman sa labi si Mariecris "Salamat. Alam mo, para sa akin, ang totoong matapang ay hindi nag-aalangang lumaban. Kahit matalo ka pa, ang mahalaga sumubok ka, at lumaban ka. Kaya binabati din kita sa ipinapakita mong katapangan." Naka ngiting sagot ni Mariecris.






Lumipas ang ilang oras. Naayos na ang mga lupa sa Battlefield, bumalik na ito sa dati na walang bukas na mga lupa, ito'y dahil sa Land Gifted na si Bea Barlom, isang ranggong Guardian at guro ng Team Justice na kinabibilangan nila Jericho, Sinag at Hamaro.

Atlas Volume 2 [Warriors Battle] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon