Chapter 11: Simulan na ang pangalawang laban
Nang makita ni Suijin na ang kaibigan niyang si Sahara na ang sasabak sa laban ay bigay todo siyang sumuporta "Go Sahara...kaya mo yan...bogbogin mo ang lalaking yan..." sigaw niya habang tumatalon-talon siya para lang mapansin ni Sahara.
Pero bigla nalang muling tumunog ang tiyan ni Suijin at sumakit na naman ito "Na naman...pwes, hindi ko na hahayaang hindi mapanood ang labang ito, lalo pa't si Mylabs Sahara na ang lalaban...dapat makita niya akong sumusuporta sa kaniya para sa akin na siya magkagusto hehehe..." nagawa pa niyang tumawa kahit sumasakit na ang kaniyang tiyan.
Mamaya ay may naisip siyang paraan, agad siyang naglaho at sumulpot sa gitna ng dalawang mahalagang taga-hukom sa Warriors Battle na ito, sina Protector Nayde Alanta at mismong lolo niya na si Sinaunang Shadow Andres Waluna.
"Lo tulongan niyo naman ako..." pagmamakaawang tuno ng boses ni Suijin habang hinahaplos ang sariling tiyan.
Napalingon naman si Andres "O bakit Apo? Anong problema?" Tanong niya.
"Ang sakit ng tiyan ko...may mga mababahong hangin na lumalabas..." sirang-sira na ang mukha ni Suijin dahil sa kakatiis ng sakit sa tiyan.
"Naku kang bata ka...ginawa mo rin yan sa akin dati...kaya ayan tuloy naranasan mo rin..." sabay tawa ni Andres.
Bumusangot naman ang mukha ni Suijin "Sige na po tulongan niyo naman ako...Protector Nayde baka matulongan mo ako..." lumipat siya ng pagmamakaawan kay Nayde.
Ilang saglit pa'y bigla nalang lumiwanag ang nakamarkang asul na kros sa noo ni Nayde at kumunot ang noo ni Suijin nang biglang nawala ang sakit niya siya tiyan at wala na siyang nararamdaman na kakaiba.
"Anong nangyari? Bakit biglang nawala ang sakit sa tiyan ko?" Pagtataka ni Suijn.
Pero agad din siyang napakamot sa ulo at naging abot tenga ang ngiti "Nakalimutan ko...ang pinaka-magaling na Healer pala ang kinakausap ko...maraming salamat po Protector Nayde..." pagkatapos magpasalamat ni Suijin ay naglaho na siya at bumalik na sa upuan.
"Simulan na ang pangalawang laban! Sahara Hatala laban kay Hebreo Rio!" Hudyat ng tagapagsalitang si Ian Chow.
Ngumiti ng nakakaasar si Hebreo "Sisiguradohin kong ako ang matitirang nakatayo sa labang ito!" Taas boses niya.
Nagsalubong ang mga kilay ni Sahara habang nakipagtitigan kay Hebreo "At gagawin ko rin ang lahat para hindi yan mangyari!" Sagot ni Sahara.
Si Sahara ang agad na gumawa ng atake, inilahad niya ang kaniyang mga kamay sa lupang kinatatayoan niya at minanipula niya ang mga tubig na nakuha niya sa ilalim ng lupa.
Umuulan kagabi kaya maswerte si Sahara dahil magagamit niya ang mga ito sa pakipaglaban, lalo pa't wala siyang elementong bumabalot sa kaniyang katawan kaya hindi siya nakakapaglabas ng mga enerhiya.
Agad na inihagis ni Sahara ang mga nakuha niyang tubig papunta kay Hebreo. Agad ding ikinilos ni Hebreo ang kaniyang mga kamay at naghagis siya ng mga hangin papunta kay Sahara at nagkasalpokan ang mga tubig at hangin nila sa gitna.
Nakita ni Sahara na dahil sa mas maraming bilang ang mga hangin ni Hebreo ay natalo ang mga tubig niya at tatama papunta ang lahat ng ito sa kaniya, kaya agad na siyang naglaho para makaiwas.
Sumulpot si Sahara sa bandang gilid ni Hebreo at balak sana niyang suntokin ang ulo ni Hebreo, pero nanlaki ang mga mata niya nang mahawakan ni Hebreo ang kaniyang kamao na malapit ng tatama sa ulo nito, at sinuntok ni Hebreo ang tiyan ni Sahara kaya tumilapon ito sa malayo.

BINABASA MO ANG
Atlas Volume 2 [Warriors Battle]
FantasíaNgayong mga Warrios na sila, mas lalong lumalalim ang kanilang mga tungkolin. Isa sa kanilang kaharaping pagsubok ay ang Warriors Battle, kung saan kakalabanin nila ang isa sa kanila. Sino ang mga mananalo, at sino ang mga bababa sa ranggo. Ito ang...