Chapter 13

127 9 54
                                        





Chapter 13: Invisibility

Napahaplos si Sahara sa kaniyang leeg dahil dama pa niya ang sakit ng pagkasakal sa kaniya ng mga hangin. Napaangat ng tingin si Sahara at nanlaki ang mga mata niya nang makitang binalikan siya ng mga Air Birds at sa pagkakataong ito ay bumubuka na ang mga bibig nila at nakanganga na para bang natatakam na.

Nang makalapit kay Sahara ang mga Air Birds ay agat siyang pinagkakagat ng mga ito "Arrghhhhhhh!!!" Sigaw ni Sahara dahil sa sakit ng kagat ng mga Air Birds at mabibilis kumagat ang mga ito kaya natatanggal nila ang ilang mga balat sa katawan ni Sahara dahil sa tulis ng kanilang mga ngipin.

"Saharaaa..." napasigaw sila Atlas, Izalem at Suijin nang makita ang ginagawa ng mga Air Birds kay Sahara.

Marami ang napangiwi at naaawang tumingin kay Sahara na halos binalot na ng mga dugo sa katawan at sugat-sugatan, dahil sa kagat ng mga Air Birds na para bang masarap na pagkain ang tingin sa kaniya kaya mabilis nilang tinutuka ang mga balat ng katawan niya.


Napaluha na si Sahara dahil sa sakit na kaniyang naramdaman, mayamaya ay nakaisip siyang maglaho at nagawa nga niya ito. Sumulpot siya sa ibang pwesto ng Battlefield at pagkasulpot niya ay agad siyang bumagsak sa lupa dahil nanghihina na siya.

Hinihingal na si Sahara habang nakadapa siya't nakayuko ang ulo at nakatitig siya sa lupa habang tila may malalim na bagay ang pumapasok sa kaniyang isip 'Hindi ako nandito para maliitin lang! Meron pa akong isang laban! At gagamitin ko na ito ngayon!' Sa isip ni Sahara at napakuyom siya ng mga kamao habang inaalala ang mahalagang bagay na makakatulong sa kaniya ngayon.




Ilang araw ng nakalipas nang naganap ang pagsasanay ni Sahara sa kaniyang guro na si Atom. Hapon magsisimula ang kanilang pagsasanay dito sa labas ng kagubatan kung saan may malawak na espasyong medyo madamo at basa pa dahil nagkaroon ng ulan kagabi, kaya tamang-tama ito para sa pagsasanay ni Sahara.

"Sasanayin mo ngayon ang isang kakayahan na makakatulong sayo para sa nalalapit na Warriors Battle, at sa mga pang-araw-araw..." sambit ni Atom kay Sahara na nasa kaniyang harapan.

"Hindi niyo na po siguro to kailangan pang gawin...alam ko pong marami kayong dapat na gawin bilang nasa ranggo ng Guardian, kaya baka naabala ko na po kayo...pwede naman po ako nalang magsasanay sa sarili at tsaka nandiyan naman pamilya ko..." sagot ni Sahara.

Maingat na hinaplos ni Atom ang balikat ni Sahara "Studyante kita, kaya may responsibilidad ako sayo." Sabay ngiti niya sa labi.


Mayamaya ay nagsimula na ang pagsasanay nila para sa kakayahang Water Invisibility. Kakayahan na hindi makikita ang mga tubig sa mga mata ng mga tao o kalaban. Merong ganitong kakayahan ang lahat ng mga elemento; Fire Invisibility, Air Invisibility, Land Invisibility at iba pa.

"Para magawa ang Water Invisibility ay nangangailangan ito ng Water Element." Sambit ni Atom habang humahakbang siya sa likod ni Sahara.

Napakunot naman ng noo si Sahara "Sir Atom, baka nakalimutan niyo po, wala po akong elemento..." sagot niya habang pinipigilan niyang matawa.

Dahan-dahan hinarap ni Atom si Sahara "Pwede ring Air Element, at kapag meron kang Air Element ay magagawa mong i-invisible ang mga tubig, apoy, lupa, yelo at iba pang mga elemento...dahil isa sa mga pangunahing kakayahan ng elementong hangin ay ang Invisible o Invisibility..." muling saad ni Atom.

Pero napakamot lang sa ulo si Sahara at pinipigilan niyang matawa "Nakakamangha naman yang elementong hangin na yan...pero Sir Atom...wala nga po akong elemento..." muling kamot sa ulo ni Sahara.

Atlas Volume 2 [Warriors Battle] Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon