Chapter 12: Ang tinatagong kapangyarihan
Dahan-dahan ng tumatayo si Hebreo at seryoso siyang nakipagtitigan kay Sahara habang tila may malalim siyang pinag-isipan 'Matagal na panahon na ring tinatago ko sa kanila ang kapangyarihan ko...sa tingin ko, mukhang panahon na para ipakita sa kanila ang kapangyarihan ko...' sa isip ni Hebreo.
Marami ang napakunot-noo at nag-aabang sa gagawin ni Hebreo. Huminga muna ng malalim si Hebreo at ipinikit ang mga mata, ilang saglit pa'y minulat niya ang kaniyang mga mata at maluwag na ibinuka ang mga kamay.
Marami ang napanganga habang nanlaki ang mga mata at may ilan pang napatayo dahil sa subrang gulat nang makitang napapalibutan ng mga puting ibon si Hebreo na para bang mga alagad niya ang mga ito.
Maging ang ibang mga batang Warriors sa itaas ay halos manlaki ang mga mata "Pambihira...totoo ba talaga ang nakikita ko...?" Tila hindi makapaniwalang saad ni Mara.
"Hindi ako makapaniwala...paano niya natatago ang kapangyarihan niya...sigurado akong may malalim siyang sekreto kaya pati kapangyarihan niya tinatago niya sa atin..." pagdududa ni Joseph.
Napabutong hininga si Juan "Mukhang hindi pa nga natin masyadong kilala ang isa't isa..." sambit niya.
Marami man ang nagulat, ngunit meron ding hindi, lalo na ang mga guro ng mga batang Warriors. Nanatili lamang silang seryoso at kalmado, samantalang ang mga manunuod ay may iba't ibang klaseng reakyons ang makikita.
"Hindi na kagulat-gulat pa...dahil ang mga Rio ay isa sa mga kilalang angkan, na ang pangunahing kapangyarihan ay Air Birds..." sambit ni Eddie Miranda, mismong guro ng Team Adventure kung saan napapabilang si Hebreo. At napatango naman ng ulo ang iba pang mga guro.
Samantala, sa gitna ng malawak na espasyo ng Battlefield ay makikitang nagkaharap pa rin sa may kalayoan sina Sahara at Hebreo. Napapalibutan si Hebreo ng mga hindi masyadong kalakihan at pari-parihong klase ng mga ibon na kulay puti ang lahat, mula sa mga pakpak at balahibo, maliban lang sa mga mata nilang kulay itim.
Napapanganga si Sahara at hindi pa niya magawang kumilos dahil sa hindi siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon kay Hebreo. Dahan-dahan ng ikinikilos ni Hebreo ang kaniyang mga kamay kaya ang mga ibon o kilala din sa tawag na mga Air Birds ay kumikilos din na para bang nagkakahanda sa maging utos ni Hebreo.
Ilang saglit pa'y simpling inilahad lang ni Hebreo ang kaniyang kamay kay Sahara ay agad ng umatake ang mga Air Birds papunta kay Sahara.
Dahil sa kaba at takot ay pakunti lang ang hakbang na nagagawa ni Sahara patalikod para umatras, nanginginig pa ang ilan sa katawan niya habang lumalaki ang mga mata niyang nakatitig sa mga Air Birds na papalapit na sa kaniya.
Hanggang sa sinakop na nga ng buong mga Air Birds si Sahara at iniikot-ikotan siya ng mga ito sa gilid at sa bandang itaas ng kaniyang ulo, hanggang sa tila hindi na nakikita ng mga tao si Sahara dahil maraming mga Air Birds ang nakapalibot sa kaniya at natatakpan siya.
"Saharaaa..." sabay na sigaw nila Atlas at Izalem dahil sa pag-aalala.
Habang nasa loob ng lumilipad paikot na mga Air Birds si Sahara ay gumagawa din siya ng paraan para mapaalis ang mga ito sa pamamagitan ng pagbubugaw niya gamit ang kaniyang mga kamay.
"Lubayan niyo akooo..." sigaw niya, pero laking gulat niya nang makitang ang mga ibon na natatamaan sa kaniyang kamay ay naglalaho at lumilipat sa ibang pwesto at nagpatuloy pa rin sa pag-iikot sa kaniya.
Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Sahara nang biglang bumuka ang mga pakpak ng mga Air Birds at ilang saglit pa'y may mga hangin ang lumalabas mula sa kanilang mga pakpak.
![](https://img.wattpad.com/cover/287659517-288-k510241.jpg)
BINABASA MO ANG
Atlas Volume 2 [Warriors Battle]
FantasyNgayong mga Warrios na sila, mas lalong lumalalim ang kanilang mga tungkolin. Isa sa kanilang kaharaping pagsubok ay ang Warriors Battle, kung saan kakalabanin nila ang isa sa kanila. Sino ang mga mananalo, at sino ang mga bababa sa ranggo. Ito ang...