Happy Valentines Day Everyone! Let's always spread love!
Chapter 17: Sugatang Puso
Sa loob ng isa sa mga malalaking gusali rito sa Atlanian, ang Medicalania, ay sumulpot si Hazel habang naka-akbay pa rin siya kay Sinag upang alalayan ito lalo pa't hanggang ngayon wala pa itong malay.
Dinala ni Hazel si Sinag sa harap ng mga Healers na nandito sa loob ng malawak na kwarto, ang kwartong ito ay ilan lamang sa mga tinatawag na Patient Room ng Medicalania, kung saan dito ipinapagaling ng mga daang-daang Healers ang mga sugatan at may mga masasamang karamdaman.
Agad na nilapitan ng mga Healers si Hazel at pinagtulongan nilang buhatin si Sinag papunta sa kamang paghihigaan niya bilang pasyente. Pagkatapos maiayos sa paghiga si Sinag ay lumingon ang mga Healers kay Hazel "Isa ba kayo sa mga Warriors na lumaban ngayon sa Warriors Battle?" Tanong ng isang Healer.
"Oo, at kaming dalawa ang nagtunggali..." mababang tuno ng boses ni Hazel.
Hinaplos ng isa pang Healer ang braso ni Hazel "Sige maari ka ng umalis, kami ng bahala sa kaniya..." saad ng Healer.
Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Hazel "Gawin niyo po lahat ng inyong--" natigil si Hazel nang magsalita ang isa pang Healer.
"Magtiwala ka sa amin! Responsibilidad namin kayo! Hindi madali ang Warriors Battle, at inaasahan ng maaanghang ang bawat laban, kaya inatasan kami ni Protector Nayde na pagalingin ang sino man sa inyong nangangailangan. Matagal ng tungkolin namin tong mga Healers!"
Sa mga sinabi ng isang Healer ay nagkaroon ng tiwala si Hazel na mapapagaling nila si Sinag, tumango muna si Hazel bago tuloyang naglaho para bumalik na sa Atlanian's Park kung saan ginanap ang Warriors Battle.
Naiwan dito sa loob ng isa sa mga malalawak na Patient Room dito sa Medicalania ang walong mga Healers para sa misyon nilang pagalingin si Sinag na ngayon ay wala pa ring malay na nakahiga sa kama.
Sama-sama at sabay-sabay na inilahad ng walong Healers ang kanilang mga kamay sa iba't ibang parti ng katawan ni Sinag, pero mas nakatuon sila sa bahagi ng tiyan ni Sinag dahil ito ang nakikita nilang mas naapektohan o pinanggagalingan ng sakit, at hindi nga sila nagkamali dahil dito tila nakasakay ang dambohalang Air Ball ni Hazel at gumugulong pa.
Taimtim na nakatitig ang mga Healers kay Sinag at ang mga kamay nilang nakalahad sa mga parti ng katawan ni Sinag ay biglang naglalabas ng mga maasul na bagay na maihahantulad sa mga tubig at dumapo ang mga ito sa katawan ni Sinag.
Ang mga ito ay ang mga enerhiyang bumabalot sa loob ng katawan ng mga Healers, na ipinapalabas naman nila sa pamamagitan ng paglahad ng mga kamay sa mga bahaging may sugat o sakit, at mga enerhiya na nila ang nagpapagaling sa mga ito, ang dapat lang na gawin ng mga Healers ay kontrolin ang mga enerhiya; kung gaano karami ang ilalabas at kung paano ibubuhos ng todo ang lakas at enerhiya.
Healers ang tawag sa mga Gifted na may kakayahan manggamot at kadalasan sa may kakayahan ng Healing ay mga Water Gifted, Land Gifted, Air Gifted, Prime Gifted at Light Gifted. Pero hindi lang mga Gifted ang pwedeng magkaroon ng kakayahang Healing, sapagkat meron ding mga ordinaryong tao lamang, ito'y dahil ang Healing ay isa sa mga mabibilis na matutunan, ngunit gaya ng ibang mga kapangyarihan ay kinakailangan din ito ng matinding pagsasanay, sikap at tyaga.
Sa pitong pangunahing pangkat na isla sa bansang Paraiso ay nangunguna ang Atlanian sa may maraming bilang ng mga Healers. Ito'y sa kadahilanan na rin na talagang pinagtuonan ng pansin ng Ika-lawang Protector na si Nayde Alanta na siyang mismo namumuno sa Medicalania ang kaligtasan, maayos na kalagayan at malalayo sa sakit ang mga Atlans.

BINABASA MO ANG
Atlas Volume 2 [Warriors Battle]
خيال (فانتازيا)Ngayong mga Warrios na sila, mas lalong lumalalim ang kanilang mga tungkolin. Isa sa kanilang kaharaping pagsubok ay ang Warriors Battle, kung saan kakalabanin nila ang isa sa kanila. Sino ang mga mananalo, at sino ang mga bababa sa ranggo. Ito ang...