Chapter 29: Labanan ng magkaibigan
Marami sa mukha ng mga manunuod ngayon ay halatang dismiyado, sino ba naman kasi ang hindi madidismiya, eh ang inaabangan nilang ipinusta na si Atlas ay parang binibigo sila.
Kaya ilan sa mga manunuod ngayon ay padabong idinapo ang mga palad sa sariling mga noo dahil parang naghihinayang sila sa nakikita ngayon sa Battlefield. Ang iba naman sa mga manunuod ay napapatakip pa sa mga ilong dahil nalanghap nila ang mabahong pasabog o utot ni Atlas lalo pa't malapit ang pwesto nila sa Battlefield.
Hindi naman napigilang matawa ni Suijin Waluna, ang batang kaibigan ni Atlas at apo ng Sinaunang Shadow na si Andres Waluna. "Hahahaha...may pagkapariho talaga kami ni Atlas, hindi napipigilan ang pagsabog ng utot...hahaha..." tawanan niyang halos sumakit na tiyan niya.
Nang unti-unti ng nawawala ang baho ng masamang hangin ni Atlas ay nag-alisan na ng mga kamay na nakahawak sa mga ilong ang ibang mga manunuod, at inalis na rin ni Juan ang kamay niyang nakatakip sa ilong.
Napabuntong hininga si Juan at nilingon niya si Atlas na katabi niyang nakahiga sa gitna na lupa ng Battlefield. "Atlas, maglaban na tayo. Subukan natin muli..." sambit ni Juan.
Napalingon naman si Atlas "Sige ba..." naka ngiti niyang sagot at ilang saglit pa'y sabay na silang naglaho ni Juan.
Agad silang nakatayong sumulpot at kaharap ang isa't isa sa medyo may kalayoan. Napakuyom sila ng mga kamao at sabay silang tumakbo para lapitan ang isa't isa at maglaban na. "Atlaasss..." sigaw ni Juan "Juaannnn..." sigaw naman ni Atlas.
Napapanganga at nakangiti ang ibang mga manunuod nang makitang habang papalapit na sila Atlas at Juan ay dahan-dahan na nilang isusuntok ang tig-iisa nilang kamao. Pero nong nakalapit na sila sa isa't isa ay muling bumagsak ang mukha't balikat ng mga manunuod nang makitang nagbabaan ng mga kamao sila Atlas at Juan at nag-aatras-abanti na halos nag-iikotan lang sa gitna, habang nakakuyom pa rin ang mga kamao.
Napakamot sa ulo ang ibang mga manunuod "Ano ba yan, para silang mga boxengiro na naghihintay kung sino maunang sumuntok...pero sa kanilang dalawa, parang walang gustong manuntok..." pagrereklamo ng isang manunuod na halos maluha na.
Seryoso namang nakatitig sa kanila Atlas at Juan si Atom Dagathan na mismong guro ng Team Believe kung saan napabilang si Atlas. 'Bata pa lang sila ay hindi na nila kayang saktan o awayin ang isa't isa. Kaya ang Warriors Battle na ito ang susubok sa pagkakaibigan nila.' Sa isip ni Atom.
Napatayo na ang iba sa mga manunuod dahil inip na inip na sila sa nangyayari ngayon sa Battlefield "Maglaban na kayo! Baka abotan tayo ng umaga dito sa ginagawa niyo!" Sigaw ng isang manunuod at may ilan ang napapahiyaw dahil sumasang-ayon sila sa sinabi nito.
Humawak ng microphono ang tagapagsalitang si Ian at bumuntong hininga muna siya bago magsalita "Atlas at Juan, kinakailangan niyo ng maglaban. Dahil kung hindi, pariho kayong matatalo." Sambit niya.
Dahil sa sinabi ni Ian ay tila natigil ang mundo nila Atlas at Juan, sa subrang gulat ay halos nanlaki ang mga mata nila habang nagkatitigan. Maging ang ibang mga manunuod sa itaas ay napatakip pa sa bibig.
Napapikit ng mga mata si Juan at napalunok pa siya na tila ba napaisip siyang wala na siyang pagpipilian pa. Pagmulat ng mga mata ni Juan ay bumuntong hininga muna siya bago magsalita ng nahihirapang tuno ng boses "Patawarin mo ako Atlas..." pagkatapos niyang sabihin ito ay agad niyang sinuntok ng pagkalakas ang bandang tiyan ni Atlas.
Nanlaki ang mga mata ni Atlas habang tumilapon siya papunta sa dingding ng Battlefield. Pagkasandig ni Atlas sa dingding ay nanatili siyang nakanganga dahil hindi pa siya makapaniwala sa nagawa ni Juan.

BINABASA MO ANG
Atlas Volume 2 [Warriors Battle]
FantasyNgayong mga Warrios na sila, mas lalong lumalalim ang kanilang mga tungkolin. Isa sa kanilang kaharaping pagsubok ay ang Warriors Battle, kung saan kakalabanin nila ang isa sa kanila. Sino ang mga mananalo, at sino ang mga bababa sa ranggo. Ito ang...