Chapter 34: Ang pagkabuo ng pagkakaibigan nila Atlas at Juan
Napapaisip na ang ilan sa mga manunuod kung matatapos na ba ang laban sa pagitan ng magkaibigang sina Atlas at Juan. Sa kalagayan kasi ni Juan ngayon ay parang hindi na siya makakalaban at sugat-sugatan pa ang ilang parti ng katawan.
Nanatiling nakaupo sa lupa at nakasandig sa dingding ng Battlefield si Juan habang nakatulala siyang nakatitig kay Atlas at tila wala na siyang balak pang umatake kay Atlas.
Habang tinitigan ni Juan si Atlas na nililingon ang mga manunuod sa itaas, ay may malalim namang inisip si Juan na halos may nagbabadya ng mga luha sa mga mata niya.
'Para sa akin, wala ng mas hihigit pa, kundi ang pagkakaibigan namin ni Atlas. Naging sandalan namin ang isa't isa, at sa tuwing kasama ko siya ay sumasaya ako. Sa kabila ng lungkot at sakit, mas pinipili pa rin namin ang maging masaya at positibo lang sa buhay. Dahil ang mamumuhay ng masaya ang pariho naming gusto. Si Atlas ang una kong naging malapit na kaibigan...' sa isip ni Juan.
Sa pananatiling pagtitig ni Juan kay Atlas ay hindi niya napigilan ang sarili na maalala ang napaka-espesyal na araw para sa kaniya, ang unang araw na nakilala niya si Atlas.
Sa loob ng isa sa mga malaking kagubatan ng Atlanian ay makikita ang isang batang lalaki na nakaupo sa gitna ng napakalawak na espasyo dito sa loob ng kagubatan, pikit ang kaniyang mga mata at napangiti siya sa labi sabay nilanghap ang malamig na simoy ng hangin dito.
Halatang-halata na gustong-gusto niya ang lugar na ito, at komportable siyang nakaupo sa lupang puno ng mga dahon na nalalagas mula sa mga kahoy na nakapalibot dito sa loob ng kagubatan.
Napakatahimik ng lugar na ito, walang ibang maririnig kundi mga huni ng mga ibong malayang lumilipad, at walang ibang makikita kundi puro mga kaaya-ayang kalikasan. Ang lugar na ito ay sakto para sa mga taong gusto munang mapag-isa, katulad ng tatlong taong gulang na batang ito.
Inimulat na ng batang ito ang kaniyang mga mata, kaya kitang-kita na ang mga mata niyang pares na mga itim. Kapansin-pansin ang napaka-itim niyang mga buhok at kulay kayumanggi niyang pangangatawan.
Ang kasuotan niya'y itim na salawal at sa likod ng damit niyang puting kamiseta ay kapansin-pansin ang isang symbolo ng elemento, ang Elementong Hangin, ibig sabihin nito ay isa siyang Air Gifted o nagtataglay ng mga kakayahan sa Elementong Hangin.
Ang tatlong taong gulang na batang ito ay si Juan Luna, bahagi ng angkang Luna na isa sa mga malalaking angkan ng Atlanian, at ang ama niya ang nagsilbing pinunu sa angkan nila.
Napabuntong hininga si Juan sabay ngiti "Kapag hapon talaga kay sarap maparito, mas nagiging malamig ang simoy ng mga hangin..." sambit niya at inilibot niya ang tingin sa paligid na tila tinatanaw niya kung may tao bang paparating o dadaan.
Nang wala naman siyang nakitang tao at nag-iisa lang talaga siya dito ay napangiti siya at agad na tumayo sabay dali-daling pumunta sa gilid at pumasok siya sa may mga mahahabang damuhan na parang may kukunin siyang nakatago sa loob.
Pagkalabas niya ay may hawak-hawak na siyang maliit na lamisa at isang kayumangging kahon na lagi-lagi niyang nilalaro dito sa loob ng kagubatan, ang dama.
Dali-dali ng bumalik si Juan sa kung saan siya nakaupo kanina, ipinuwesto na niya sa kaniyang harapan ang maliit na lamisa at inilapag na niya sa lamisa ang laroang kahon at binuksan niya ito ng nakangiti "Oras ng maglaro ng dama..." naka ngiti niyang sambit.
Kapansin-pansin na dama ang kaniyang lalaroin ngunit mag-isa lamang siya, ang larong dama pa naman ay kinakailangan ng dalawang manlalaro para magtunggali. Ang layunin ng isang manlalaro sa dama ay makuha ang lahat ng pamato sa kalaban para manalo, kaya paano ito lalaroin ni Juan kung wala siyang kalaban.
BINABASA MO ANG
Atlas Volume 2 [Warriors Battle]
FantasiNgayong mga Warrios na sila, mas lalong lumalalim ang kanilang mga tungkolin. Isa sa kanilang kaharaping pagsubok ay ang Warriors Battle, kung saan kakalabanin nila ang isa sa kanila. Sino ang mga mananalo, at sino ang mga bababa sa ranggo. Ito ang...