Chapter 21

102 9 29
                                        






Chapter 21: Naipanalo niya

Dahil sa mga pangyayari sa buhay ni August lalo na ang pagmamaliit sa kaniya at kawalang tiwala ng kaniyang sariling pamilya ay mas naging determinado siyang gawin ang lahat ng makakaya para mapakita niyang may maibubuga din ang mga katulad niyang Ice Gifted.

Sa gitna ng malawak na Battlefield ay nanatiling nakaupo sa lupa si August, habang ang kaniyang kalaban na si Adhana ay nakalutang pa rin sa itaas at napapalibutan ng mga apoy.

"Ano ng gagawin mo ngayon August? Sumuko ka nalang..." sambit ni Adhana habang pinagmasdan si August.



Binaniwala lang ni August ang mga sinabi ni Adhana at ang ingay ng mga manunuod. Dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata at huminga ng malalim at iniipon niya ang iba niyang mga enerhiya sa loob ng katawan upang magamit niya sa gagawing atake.

Nararamdaman ni August ang lamig ng kaniyang katawan mula kamay, paa at maging sa ulo, ito'y dahil dumadaloy sa loob ng kaniyang katawan ang mga enerhiya niya. Ilang saglit pay marami ang napapanganga nang dahan-dahan na tumayo si August.

Samantala ang ama naman ni August na si Ferde at ang lolo't lola niya na sina Kiko at Sita ay napahinto sa paghakbang pababa sa hagdan, at tila umurong ang plano nilang umalis na dito dahil sa pagkadesmaya kay August.

Nanatili sila sa kinatatayong hagdan at halos manlaki ang mga mata nila nang matanaw sa Battlefield si August na pinapalibutan ng mga nagyeyelong usok.




Hanggang sa matayod ng nakatayo si August at nanatili pa ring nakapikit ang kaniyang mga mata. Marami sa mga manunuod ang napapanganga at iba'y napatayo nang makitang unti-unting binabalot si August ng mga nagyeyelong usok.

Hanggang sa mas lalong dumarami ang mga nagyeyelong usok na nagmula sa katawan ni August, at halos napapalibutan na nila ang buong Battlefield, kaya marami sa mga manunuod ang nanlalamig.

Mas lalong gumulat sa mga manunuod nang unti-unting nagyeyelo ang buong katawan ni August, halos kasing puti na ng yelo itong tignan. Nang biglang nagmulat ang asul na mga mata ni August ay halos manlaki naman ang mga mata ni Adhana nang malalim ang titig sa kaniya ni August.

'Ngayon, oras ng makita niyo ang lakas ng mga inaapi niyo!' Sa isip ni August.

Agad na naglalabas ng mga nagyeyelong usok ang mga palad ni August at sa mga paa niya'y dumarami ang mga yelong usok, at ilang saglit pa'y dahan-dahan siyang lumutang. Sa nakikita ngayon ni Adhana ay aatake sa kaniya si August, kaya naghanda rin siya at pinaparami niya ang mga apoy sa mga palad.



Agad na lumipad si August papunta kay Adhana, nagagawa niyang lumipad dahil sa tulong ng nakapalibot sa kaniyang mga nagyeyelong usok na tila dinadala siya nito paitaas.

Nang papalapit na si August ay naunang nag-atake ng mga apoy si Adhana, sumunod naman sa pag-atake ng mga nagyeyelong usok si August, at pawang malalakas ang mga inihagis nilang kapangyarihan na nagsasalpokan sa gitna nila.

Nanatiling nakalahad ang mga palad nila Augsut at Adhana kaya mas lalong lumalakas ang mga nailalabas nilang kapangyarihan. Napapangit-ngit pa ng mga ngipin si Adhana dahil gigil na gigil na siyang itodo ang mga apoy "Arrrrgghhhhh..."

Nangangalit si Adhana ngunit nanatiling kalmado lang si August pero malalakas naman ang mga nalalabas niyang nagyeyelong usok. Marami sa mga manunuod ang napapanganga dahil sa pagkahanga nila sa natuklasang laban sa pagitan ng init at lamig.

Hanggang sa gumulat sa lahat nang sa subrang lakas ng mga nagsasalpokang kapangyarihan nila August at Adhana ay sumabog ito ng pagkalakas sa gitna ng dalawa, kaya pariho silang tumilapon sa magkaibang dereksyon.




Atlas Volume 2 [Warriors Battle] Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon