Chapter 33: Tataposin na niya ang laban
Sa gitna ng malawak na espasyo ng Battlefield ay nanatiling nakatayo si Atlas at nong una'y pangiti-ngiti pa siyang lumilingon sa paligid dahil sa tuwa niya nang makagawa siya ng napakalakas na Shield Attack, ngunit nang makita niyang ang ilan sa mga manunuod sa itaas ay nagkagulo dahil may yanig na nagaganap, kaya nag bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
Samantala, naalala naman ni Atlas na hindi pa pala tapos ang laban nila ni Juan, kaya napalingon siya sa gilid na dingding ng Battlefield kung saan nanghihinang nakasandig ang dalawang higanteng Juan dahil natamaan sila sa mga enerhiyang tubig mula sa Water Shield ni Atlas nong sumabog ito, kaya tumilapon sila sa dingding.
Mayamaya pa'y bigla nalang pumutok na parang bula ang isang higanteng Juan, ito'y dahil isa lang itong impostor ni Juan, o mas kilala sa tawag na Bubble. Ang totoong si Juan nama'y unti-unting nawawala ang pagiging higante at bumabalik ang dati niyang sukat na kasing laki't tangkad lang ni Atlas, o pangkaraniwang katawan talaga ng mga bata.
Nakahinga na ng maluwag ang mga manunuod at tumitigil na rin ang pagyanig sa itaas kung saan sila nanunuod. Ilang saglit pa'y dahan-dahan na ngumi-ngiti ang ibang mga manunuod at nagpalakpakan.
"Wooahh napakagaling niyo!!" Hiyawan ng mga manunuod na parang wala lang sa kanila ang nangyaring pagyanig at mas nangingibabaw pa ang tuwa.
Napapangiti naman si Atlas kasi talagang dama pa niya ang suporta ng mga manunuod sa kanila ni Juan. Si Juan nama'y kahit medyo nanghihina pa rin na nakaupo sa lupa ay pinipilit pa rin niyang tumayo.
Nang makatayo na ng matayod si Juan ay malalim ang titig niya kay Atlas na napalingon sa kaniya. "Hindi pa tapos ang laban. Dahil ako mismo ang tatapos sa labang ito." Buong tapang na sambit ni Juan at agad siyang napapalibutan ng mga hangin.
Muli ng tumakbo si Juan para sumugod kay Atlas, si Atlas nama'y agad naglabas ng Water Shield, isang pabilog na pananggang pawang mga tubig. Mabilis ang takbo ni Juan na para bang pikon na pikon na siya dahil napapakagat-labi pa siya at humihigpit ang kuyom ng mga kamao.
Nanlaki ang mga mata ni Atlas nang bigla nalang naglaho si Juan at mabilis itong nakasulpot sa harap niya, at pinagsusuntok nito ng pagkalakas ang Water Shield na nakaprotekta sa kaniya sa labas, halos mahulog ang panga ni Atlas sa labis niyang pagkahanga sa pinapakitang subrang bilis na pagkilos ni Juan.
Walang tigil at mabilis ang pagsusuntok ni Juan sa Water Shield ni Atlas na parang gusto niya itong basagin o sirain, mabilis din ang pagpalit-palit ng mga kamao ni Juan mula sa dalawa niyang kamay na napapalibutan ng mga hangin, kaya ganun nalang siya kalakas sumuntok.
Hanggang sa naglaho si Juan at agad siyang sumulpot sa likod na parti ng Water Shield, at ang likod naman ang pinagsusuntok niya. Hindi pa tapos si Juan dahil muli siyang naglaho at sumulpot naman sa gilid ng Water Shield at dito naman ang pinagsusuntok niya.
Hanggang sa tuloy-tuloy na ang mabilisang paglalaho ni Juan sa iba't ibang parti ng Water Shield mula sa gilid, sa harap at sa likod, at mabilis niyang pinagsusuntok ang buong parti ng Water Shield, kaya napapanganga na nga ng lubos si Atlas na nasa loob ng Water Shield dahil sa nakikita niyang mabilisang paglipat-lipat ng pwesto ni Juan at pinagsusuntok nito ang labas ng Water Shield.
Ilang saglit pa'y bigla nalang tumigil si Juan sa pagsusuntok at agad siyang naglaho, bagay na ikinagulat ni Atlas dahil akala niya'y hindi na siya titigalan ni Juan.
Ngunit ang labis na ikinataka ni Atlas ay kanina lang naglaho si Juan pero hindi pa rin nakikita ang imahe nito sa paligid, kahit saan lumingon si Atlas ay hindi niya nakikitang sumulpot si Juan.

BINABASA MO ANG
Atlas Volume 2 [Warriors Battle]
FantasyNgayong mga Warrios na sila, mas lalong lumalalim ang kanilang mga tungkolin. Isa sa kanilang kaharaping pagsubok ay ang Warriors Battle, kung saan kakalabanin nila ang isa sa kanila. Sino ang mga mananalo, at sino ang mga bababa sa ranggo. Ito ang...