Chapter 16

88 9 41
                                    




Chapter 16: Bagsik ng Air Balls

Pinagpawisan at hinihingal na si Sinag habang nakaupo sa lupa at nakasandig sa dingding ng Battlefield, halatang-hatala na nanghihina na siya na para bang ayaw na niyang lumaban pa.

Napabuntong hininga si Sinag 'Huling beses ko na itong lumaban...at kapag matalo pa rin ako, kusa na akong susuko...ngunit kapag gagamit pa ako ng Sonic Scream, baka matagalan pa bago ako maging maayos, lalo pa't mabilis ito makaubos ng enerhiya ko, at matagal makapag-ipon...pero susubukan ko pa rin...dahil ang huling laban kong ito, para kay Hamaro...' sa isip ni Sinag.

Unti-unti ng bumabangon si Sinag kaya maraming mga manunuod ang napapangiti dahil sa kabila ng nangyari ay bumabangon pa rin si Sinag. Nang matayod ng nakatayo si Sinag ay huminga muna siya ng malalim at mayamaya pa'y "Arrrggghhhh!!! Gumamit na siya ng Sonic Scream pero mapapansing hindi ito masyadong malakas kumpara sa mga sigaw niya kanina, kaya kunting bilang ng mga tao lang ang napapatakip sa tenga.

'Magsimula muna ako sa mahina at kapag sumang-ayon na ang oras, humanda ka sa akin Hazel...' sa isip ni Sinag.


Nang papalapit na kay Hazel ang Sonic Screan ni Sinag ay mabilis siyang tumalon patalikod para makaiwas. "Aaarrrghhh!!!" Muling pagsigaw ng Sonic Scream ni Sinag at nagtuloy-tuloy ito kaya muli ding tumatalon patalikod si Hazel at minsan pa'y patagilid siyang tumakbo para makaiwas.

Halos manlaki ang mga mata ni Hazel habang kumikilos pa rin siya para makaiwas 'Parang wala na siyang planong tumigil sa pagsisigaw...pero alam kong sinasadya niyang mahina muna ang gagamiting Sonic Scream dahil gagamitin niya mamaya ang malakas kapag alam niyang wala na akong takas...pero mali ka Sinag, dahil hindi ako sanay na umiiwas, wala akong inuurongan...' sa isip ni Hazel.



Agad nagkaroon ng pananggang nakapalibut kay Hazel, isang pananggang pabilog at tila pawang mga hangin, kakayahang tinatawag na Air Shield. Nagsalubong ang mga kilay ni Sinag at muli siyang huminga ng malalim 'Oras na...' sa isip niya at agad na siyang gumamit ng Sonic Scream.

"AAAAHHHHHHH!!!" Sa pagkakataong ito ay halos ibinuhos na ni Sinag ang buo niyang lakas at enerhiya para makabuo ng mas malakas na Sonic Scream at hindi nga siya nagkamali dahil labis itong malakas, maging ang mga lupa ay nagkaroon ng butas at pagyanig, umabot pa sa itaas ang matulis na tuno ng Sonic Scream kaya marami ang napatakip sa tenga.

Sa subrang lakas ng Sonic Scream ni Sinag ay hindi na nakayanan pang pigilan ng Air Shield ni Hazel na siya'y protektahan, kaya unti-unti itong nawala at halos manlaki ang mga mata ni Hazel nang malakas na tumama sa banda niyang tiyan ang mga Sonic Scream ni Sinag kaya tumilapon palayo si Hazel.

"Hazel..." napasigaw ang marami sa pag-aalala.

Seryosong nanunuod lamang ang mga guro ng mga batang Warriors "Mabuti nalang na hindi pa masyadong malakas ang Sonic Scream ni Sinag, dahil kapag nagkataon, mabubutas ang bahagi ng tiyan ni Hazel..." sambit ni Atom.



Ngunit marami ang nakapansin na labis ng nanghihina si Sinag, hinihingal na siya ng mabilis na para bang hinahabol na niya ang kaniyang paghinga at mas lalo siyang pinagpapawisan, kapansin-pansin din na unti-unti ng bumabagsak sa lupa ang katawan ni Sinag at ang mga mata niya'y dahan-dahan ng papikit.

"Nanghihina na siya dahil hindi na sapat ang mga enerhiyang meron siya, halos inubos na niya ang lahat ng mga enerhiya niya para lang makaatake ng mas malakas na Sonic Scream...ngunit sana'y alam ng batang yan na isa ang Sonic Scream sa mga kapangyarihang matatagalan pa bago makapag-ipon ng sapat na enerhiya, kaya hindi na niya magagamit ito..." bakas ang lungkot sa mga mata ni Sinaunang Shadow Andres Waluna.

Atlas Volume 2 [Warriors Battle] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon