Chapter 6

108 12 42
                                    




Chapter 6: Tubig laban sa Apoy

Dahil sa lakas ng pagkasuntok ni Hamaro kay Haliya ay malayong tumilapon si Haliya at napasigaw pa siya dahil sa sakit lalo na sa likod niya nang bumagsak siya sa lupa.

Nang makita ni Haliya na papalapit pa rin sa kaniya si Hamaro ay dahan-dahan na siya bumabangon. Ang lahat ay nag-aalalang nakatingin sa kaniya na nakaupong umaatras dahil hindi siya tinitigilan ni Hamaro.

Hindi na napigilan ni Haliya ang mapaluha. "Hamaro tama na...pakiusap..." pagmamakaawa niya habang umaatras pa rin.

Tinatawanan lang siya ni Hamaro. "Hoy Haliya, gumising ka! Nandito tayo sa Warriors Battle, kung sa'n isa lang sa 'tin ang dapat na manalo! At ako 'yon! Dahil may mga pangarap ako at para sa aking ina! Hindi katulad mo, basura! Pabigat ka lang!" Muling pang-iinsulto ni Hamaro.

Ang umiyak nalang ang nagagawa ni Haliya dahil pakiramdam niya tinatapak-pakan na ni Hamaro ang kaniyang pagkatao, dahil sa mga sinabi ni Hamaro mas lalo siyang nanghihina.

Napakuyom ng kamao ang ilan sa mga Warriors dahil sa inis nila nang matuklasan ang panglalait ni Hamaro kay Haliya. Marami sa mga manunuod ang tila hindi ginaganahan sa laban ng dalawa na halos napapahikab pa ang iba.

"Hamaro madali lang 'yan taposin mo na 'yan, nang sa ganun iba na ang maglalaban..." sigawan ng ilang manunuod.




Napailing si Hamaro. "Gusto ko sanang taposin ka na, pero parang mas masaya kung makita muna kitang nahihirapan. Mukhang nanggigigil na naman ang aking mga apoy." Pagkatapos niyang sabihin ito ay agad siya naghagis ng mga apoy kay Haliya.

Mabuti nalang ay nailigtas si Haliya ng isang hugis bilog na panangga na pawang mga tubig o kakayahang tinatawag na Water Shield, kaya hindi siya natamaan ng mga apoy ni Hamaro.

Dahil sa inis ni Hamaro ay tila wala na siyang balak na taposin ang paghahagis ng apoy kay Haliya na napoprotektahan pa rin ng Water Shield.

Nang makita ni Haliya na gigil na gigil si Hamaro na mabasag ang kanyang Water Shield ay pinili nalang niya ang maglaho at lumipat ng ibang pwesto.

Ilang sandali pa'y nakatayong sumulpot si Haliya malapit sa likod ni Hamaro, pero naramdaman 'yon ni Hamaro kaya agad siya lumingon sabay tapon ng apoy, pero muling lumabas ang Water Shield ni Haliya.

Napangit-ngit ng ngipin si Hamaro. "Arrrgghhh...pikon na pikon na ako sa 'yo..." itinudo na niya ang paglabas ng mas maraming bilang ng apoy sa kaniyang katawan, sa dami ng apoy na nakapalibot sa kanya mula sa kamay at paa ay lumutang siya at lumipad ng mabilis papunta kay Haliya.

Nanlaki ang mga mata ni Haliya lalo pa't ngayon lang siya nakakita ng ganitong klaseng Fire Gifted na lumulutang dahil sa mga apoy na nakapalibot, kaya mas lalo siyang kinabahan at natakot.

Napasigaw si Haliya nang makalapit sa kanya si Hamaro at pinagsusuntok nito ang kanyang Water Shield gamit ang mga kamao nitong napapalibutan ng apoy.

Dahil sa takot ay napapaatras si Haliya pero hindi pa rin siya tinitigilan ni Hamaro, sugod nang sugod si Hamaro habang pinagsasabay ang pagsuntok sa Water Shield ni Haliya.




Mas lalong napikon si Hamaro kaya tumigil siya at inangat niya ang kanyang braso at ang nakabuka niyang palad ay nagkaroon ng mas maraming bilang ng apoy.

Atlas Volume 2 [Warriors Battle] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon