"ano yun? May pa mahal ang tawag sa'yo omy gad!" Tumawa si Cassa ng malakas, kaya agad kong tinakpan.
"Ang ingay mo babae" suway ko sakanya. Sinundan ako ng buang dito sa taas kaya naman naiwan sina Natasha, Fernando at Maria.
"Alam mo inaantok na ako matutulog na ako goodnight" agad ako nagtaklob ng kumot.
NAGISING ako sa tilaok ng manok, dali dali akong bumangon saka naman inayos ang higaan. Naunang nagising sina Elena at Natasha. Si Cassandra naman ay tulog pa kaya naman ginising ko siya baka tanghali na siya magising.Pagtapos ko siyang gisingin dumiretso na ako sa Banyo para maligo na at makapag ayos na. Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako- kulay puting baro't at itim na saya ang suot ko ngayon.
Pinusuod ko lang ng paikot ang buhok ko saka nag lagay ako ng pulbos sa mukha ko at nag lagay ako ng pampapula sa Labi at nag lagay din ako ng kaunti sa pisngi ko.
Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba na ako, busy ang lahat madaming ginagawa sila. Kaya wala naman nakakapansin saakin.
Nakansela ang klase namin ngayon dahil umalis ang mga maestra kaya ang mga madre lang ang narito.
Buong araw akong walang ginawa kaya naman nag kulong nalang ako sa kwarto. Pero ang boring kasi naman walang mga Gadget here omy gad.
Kaya naman pumunta nalang ako sa balkonahe para mag pahangin, nang may mapansin ako sa may gate na isang lalaki at kausap ang isang madre agad kong tinitigan kung sino iyon.
Si manuel....
Ginagawa nanaman niya dito.
Agad akong umalis sa balkonahe, "hoy saan ka pupunta?" Sigaw ni Cassa, "basta!" Dali dali akong bumaba, nag mamadali akong pumunta sa unang palapag para salubungin si manuel, nagulat ako nang mabangga ko si Maria.
Dahilan para matumba siya sa sahig, at nag tinginan ang ilang mga estudyante na naroon.
Naiinis na tumingin saakin si Maria, balak ko sana siyang tulungan pero iniwas niya ang kanyang kamay, "Pasensya na" saad ko.
Alam kong naiinis siya sa ginawa ko dahil ang sama ng tingin niya saakin, hindi nalang siya nag salita, nag lakad nalang siya papalayo.
Tinignan ko lang siya saglit, saka ako pumunta sa pinto. Nagulat ako nang si Madre Josefina ang bumungad saakin.
Maski siya nagulat nang makita ako, nasa likod niya si Manuel na gulat na gulat din.
"Ah- hello- ay este magandang hapon po madre Josefina" ngumiti ngiti ako. "Isabel may bisita ka si Manuel, Ginoong Manuel ang mga bilin ko. Maiwan ko na kayo" saad ng Madre Josefina. Saka siya naglakad patungo sa loob.
"Maganda hapon, Isabel" ngiti niya. Inilahad niya ang kanyang kamay nag aalinlangan pa akong hawakan iyon pero siya yan eh enebe.
Hinawakan ko na yung kamay niya saka kami naglakad nang naglakad, "Manuel saan ba tayo pupunta? Ang sabi sa'tin ay dito lamang tayo" wika ko.
"Basta" saad niya. Nakarating kami sa likod ng Dormitoryo at lumusot kami sa pader at paglabas namin ay bundok ang bumungad saamin.
Bundok pala ang likod nitong Dormitoryo masyadong mataas ang pader sa likod ng Dormitoryo kaya hindi ko nakikita ang likod ng Dormitoryo.
"Halika umakyat tayo" yaya niya sa'kin "saglit lang, ganito ang suot ko. Nag ayos pa naman ako nang bonggang bongga tapos paakyatin mo lang ako sa bundok na yan" reklamo ko. Nasayang lang yung Pagpapaganda ko girl.
Natawa lang siya, aba naman talaga.
"Gusto mo bang buhatin kita?"
"Ano ka ba naman tara na ano pa hinihintay mo let's go!" Nauna akong umakyat balak pa akong buhatin.
YOU ARE READING
Somewhere In My Past
Historical FictionSi Isabel Dela Cruz ay ang bunsong anak ng Pinakamayamang angkan sa San Teodoro Habang si Cassandra Teodoro naman ay anak ng pinakamaimpluwensiya at makapangyarihan gobernadorcillo sa panahong 18th century. Makakasama niya ang kaniyang matalik na ka...