Kabanata 24

26 0 0
                                    


"Ina?! Ano't nangyari sa'yo?" Nag aalalang tono ni Manuel, maging ako ay nagulat din.

"Ayos lang ako, anak. Ang bilis kasi ng kalesa na iyon."

" Doña Clara , halika't upo muna. Baka may masakit sa inyo po." Maging ako ay di na mapakali.

"Pasensya na po. Hindi ko napansin ang pagliko ng kalesa. Nais ko lamang magmadali dahil sa oras." Paghingi niya ng tawad.

"Kahit oras pa ng kaharian, ang buhay ni...buhay ng tao  ay mas mahalaga. Sana'y maging maingat ka na sa pagpapatakbo mo." Buwelta ko. Nang ilang sandali ay umalis na din siya. Tumayo na kami para pumunta sa pansamantalang tinitirhan ni doña clara.

"i-ina? Ayos ka lang ba? "

"Oo anak..."

"n-nasaan po si ama?" Tanong ni manuel maging ako kay gustong malaman kung nasaan sila.

"ang iyong ama at ang iyong ama Isabel ay nahiwalay nung nagkaroon ng gulo sa bayan ng tumakas kami." Biglang humawak sa kamay ko ang doña, bigla nalang ako kinabahan " Ang iyong ina......ay wala na.... Dahil tumama ang bala ng baril sakaniya"

Bigla nalang nang hina ang tuhod ko at napabagsak sa lupa. Tulala akong bumagsak.

"h-hindi po yan totoo? Hindi yan totoo! Hindi! Inaaaaa!" sigaw ko, halos mawalan na ako ng malay dahil sa pagkabigla ko, nang hindi ko maintindihan at bigla nalang nanghina ang pandinig ko at dumilim ang paningin ko.

NANG magising ako. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Matapos kong matanggap ang masamang balita, nararamdaman ko pa rin ang bigat ng pagkawala ni doña aurora, ang taong matagal ko nang itinuring na ina. Hindi niya man ako tunay na anak, sa puso ko, siya ang nagbigay ng pagmamahal at gabay sa buhay.

Ang mundo'y tila biglang tumigil. Ang mga tunog ng paligid ay mistulang naglalaho. Hindi ko matanggap na wala na siya. Gusto kong maniwala na bukas, pag-gising ko, makikita ko siyang nagluluto sa kusina o nag-aalaga ng mga halaman.

Naiiyak ako, subalit parang hindi ko kayang itangis. Ang sakit na nararamdaman ko'y nauukit sa aking puso, at ang lungkot ay humahampas sa bawat bahagi ng aking pagkatao. Hindi ko lubos maisip na hindi ko na siya makakasama.

Ang pagluha ko'y tila naipon sa aking mga mata, nag-aalala kung paano ko maaaring ilabas ang lungkot na ito.

Tulala ako. Ang aking isipan ay puno ng mga alaala namin ni doña Aurora – ang mga tawanan, mga payo niya, at ang init ng kanyang yakap. Maaalala ko ang kanyang mga mata na puno ng pagmamahal at pang-unawa.

Sa paglisan niya, parang nawala ang kulay ng mundo. Ngunit alam ko, kahit wala na siya sa pisikal na anyo, ang kanyang pagmamahal ay mananatili. Kailangan kong magsikap, hindi lang para sa sarili ko kundi pati na rin sa alaala niya.

Naupo naman sa tabi ko si Manuel, diretso niya akong tinignan sa mga mata.

"Batid ko ang lungkot na iyong nararamdaman mahal ko. Halika, sa balikat ko nais kong ilabas mo iyan, hindi mo kailangan itago narito kami para sayo" agad ko siyang niyakap, bumuhos ang napakaraming luha mula sa mga mata ko.

Ang tanging gusto ko lang sabihin, maraming salamat doña aurora kahit sa maikling panahon na nakasama kita nariyan ka upang gabayan kaming mga tinuturing mong mahal na anak. Mahal na mahal kita ina.

Nakatulog na kami nina Manuel at doña clara nang bigla kaming magising dahil sa putok ng baril.

"Manuel, anong nangyayari?" Gulat akong napatayo.

Agad siyang tumayo at tinignan ang mga nangyayari sa labas. " Parang may kaguluhan sa labas. Baka mga rebelde ulit."

Biglang nagdagsaan ang mga tao sa kalsada, may bitbit na mga bag na puno ng gamit, naguguluhan, at may takot sa kanilang mga mata.

"Kailangan nating lumabas at alamin kung ano ang nangyayari." Wika ko.

Lumabas kami at nakita ang isang grupo ng mga tao, kasama ang ilang rebeldeng may armas.

"Lumisan na kayo! Hindi na ligtas dito!" Saad niya samin.

" Ano bang nangyayari? Bakit kami aalis?" Tanong ni manuel.

" May parating na sundalo. Bago pa makarating, kailangan ninyong umalis dito!"

" Sundalo? Pero hindi kami kasali sa gulo. Pamilya lang kami na gusto lamang mabuhay nang tahimik." Saad ko.

" Hindi namin kayo gustong masaktan, pero kailangan ninyong umalis. Maari kayong maging biktima."

Hindi na nag-atubiling kumuha ng mga kakaunting gamit at umalis kaming tatlo sa kanilang tahanan, sumunod sa mga tao na nagmamadali.

At sa gitna ng gulo at takot, naglakbay kaming tatlo, hindi alam kung kailan kami makakabalik sa kanilang tahanan o kung paano magtatapos ang gulo na nagdudulot ng panganib saaming buhay.

INABOT na kami ng hating gabi. Nakarating na din kami sa bayan ng laguna.

"Saan na tayo ngayon?" Tanong ko, akay-akay ko ang doña pagkat nahihirapan na ito dahil sa sobrang layo na nang narating namin.

Nagpahinga lang muna kami saglit dahil sobrang pagod namin nang biglang may narinig kami ng putok ng bala  at ang mga tao ay nag kagulo.

"Ina!" Napalingon ako nang marinig ang sigaw ni Manuel, biglang natumba ang doña sa lupa agad din akong lumapit.

"Doña clara! Lumaban ka!" Sigaw ko.

Nakaramdam ako ng bigat sa aking dibdib, tila ba nahihirapan na ang aking puso.

Ang aking mga hakbang ay naging mabagal, at ang mga tunog ng putok ng baril ay parang malayo na.

Manuel, sa kabila ng lahat ng nararamdaman ko, ay patuloy na lumalaban. Nakita ko ang kanyang mukha, naglalakbay sa madilim na gabi, puno ng tapang ngunit may patak ng pangamba sa kanyang mga mata.

Hanggang sa isang iglap, parang biglang bumagal ang oras. Ang katawan ko ay hindi na kayang itulak pa, at sa huling pagtingin ko kay Manuel, nakita kong higit na lumalim ang kanyang pakikipaglaban.

Sa pagpikit ng aking mga mata, naramdaman ko ang kahinaan na sumakop sa akin.

Dahan-dahan akong bumagsak sa lupa, ipinikit ang mga mata at iniwan ang madilim na gabi na puno ng kaba at pangamba.

**********

Omy hwhgsheahaha medyo matagal pero keri na din lapit naaaaaa.... Goodnight

Somewhere In My PastWhere stories live. Discover now