Kabanata 20

46 6 0
                                    

RAMDAM kong nanghihina na ako, kanina pa kami walang kain, dinala kami nila sa mataas na bundok kung saan walang makakapunta sinuman.

Madilim na at halos mga kuliglig nalang ang naririnig ko. Ikinulong nila kami sa gawa sa kawayan at Lubid, nakapalibot din dito ang matibay na may Bakal na patusok. Maliit at mabaho at may mga natuyong dugo, Hiniwalay hiwalay nila kaming lahat kaya naman ako lang mag isa sa kulongang ito.

Laking gulat ko ng makita si Theresa papalapit kung nasaan ako.

"P-paano ka n-nakatakas?" Nanghihina kong sabi, pinilit ko pang tumayo pero hindi ko kaya. May sugat din ako sa paanan ko dahil wala akong tsinelas kanina at tumatama sa mga punong kahoy sa braso ko.

"Binibini, pinakawalan nila ako kanina dahil narito si ama.....gumagawa na kami ng paraan kung paano kayo maitatakas dito, may dala akong kaunting tubig at pagkain. Kumain kana muna sigurado akong gutom kana" sabay ngiti niya, kinuha ko ang mga pagkain saka kinain yun.

Umalis na din siya pag katapos niya ibigay dahil bibigyan niya sina Cassa at ang iba pa naming kasama.

Kahit paano ay nakaroon ako ng lakas at nakatulog na din.

PAGKAGISING ko ay sakto namang binuksan nila ang Kulongan at hinila nila ako patayo.

"Saan ninyo ako dadalhin?!" Saad ko. Pero hindi sila sumagot, nag pupumiglas pa ako ng makita sina Manuel na nasa labas at nag puputol ng kahoy, kasama niya sima avelino at Samuel.

Tinanggal nila ang lubig na nakatali sa kamay ko saka ako tinulak dahilan para mapaluhod ako at mapa sigaw ako dahil tumama ang tuhod ko sa mga bato at dumugo ito.

"Napaka arte mo naman! Maliit na sugat napapa aray kana" wika ng babae nanakatayo sa harapan ko.

"Panibhasa hindi kasi kayo sanay sa hirap mg buhay, nais lamang ninyo magpakasarap" dagdag pa niya, hindi ko siya kilala pero sigurado ako na malaki ang galit nito sa pamilya Dela cruz.

Sinubukan kong tumayo pero nanghihina ang tuhod ko, napansin kong gusto akong tulungan ni Manuel pero pinigilan siya ni avelino dahil ayaw nila ng gulo.

Nang subukan ko ulit tumayo ay nagulat ako ng alalayan ako ng isang lalaki. Napatingin naman ako sakanya.

"Tulungan na kita" seryosong saad niya, agad kong tinanggal ang kamay niya saakin, "kaya ko ang sarili ko" matapang kong saad.

"Maglaba ka at tumulong ka rito, yan ang utos ng pinuno" wika muli ng babae.

Tinalikuran ko na siya saka nag tungo kung nasaan sina Cassa.

"Ayos ka lang?" Nag aalalang wika ni Cassa.
Tumango ako sakanya saka ngumiti.

"Pagkatapos ninyo diyan mag pakain na kayo ng mga alagang hayop, at ikaw naman mag huhugas ka ng plato" sabay turo niya saakin.

"Walang señorita-señorita dito! Kumilos nga kayo ng mabilis!" Sigaw niya saamin.

Tumayo na ako at nagpunta sa balunan para mag igib ng tubig, napatingin naman ako ng kunin saakin ulit ng lalaki ang lubid para kumuha sana ng tubig sa balunan.

"Ako na ang gagawa" saad niya, siya din yung lalaki kanina.

"Kaya ko na iyan" saad ko.

"Hindi mo kaya, gawain ito ng lalaki" wika niya.

"Pagpasensyahan mo na si Paulita, Ako nga pala si Leonardo. Leo nalang" sabay lahad ng kamay.

"B-bakit mo ako tinutulungan?" Seryoso kong saad.

"Bakit hindi?" Balik niyang tanong, "hindi ba masasama kaming mayayaman kunh kaya't hindi mo dapat ako tinutulungan" diretso kong sabi sakanya.

"Hindi lahat ng mayayaman ay masama, tulad ng iyong ama. Mabuting tao si Don Mariano" sabay tingin saakin.

"Alam mo ba kung nasaan sila?" Tanong ko.

"Naka takas sila, nasa Maynila na sila ngayon at nag papagaling hindi naman namin sila sinasaktan matitigas lang ang kanilang mga ulo hindi sila sumusunod sa aming pinuno" paliwanag niya.

"Lumipat kami ng kampo dahil paniguradong pupuntahan nila kami duon, ang nais lang namin ay maging maayos ang pilipinas ngunit ang mga nasa matataas na posisyon at makapangyarihan ay inaabuso nila ang kanilang mga mamamayan at ginagamit nila ang kanilang mga kapangyarihan sa sarili nilang mga kababayan" dagdag pa niya, ibinigay na niya ang timba na puno ng tubig at nag simula na akong mag hugas.

TANGHALI na at binigyan nila kami ng tigiisang kamote at kinain namin iyon.

"Gusto mo bang tulungan kitang balatan iyan?" Napatingala ako ng mag salita si leo, napatingin din si Manuel na nasa tabi ko.

"Hindi— hindi ko na kailangan" saad ko, sabay kinagatan ang kamote para ako na ang mag balat nun. Tumango naman siya saka umalis na.

"Kilala mo ang lalaking iyon?" Seryosong tanong ni Manuel. Umiling ako saka kumain na.

"Hoy, anong karapatan ninyo para magpahinga. Mag patuloy kayo sa ginagawa ninyo" utas ni Paulita saamin.

napatayo si Cassa at nag salita. "Hoy alam mo namumuro kana saakin kanina ka pa naiinis na ako sayo titirisin na talaga kita!" Nagulat kami ng sabihin iyon ni cassa, agad namin siyang pinigilan ng akmang manunugod din si Paulita mabuti nalang najaan si Leo para pigilan siya.

"Kanina ka pa hindi kita uurongan ano akala mo!" Sigaw ni Cassa.

"Walang hiya ka! Wala kang karapatan para sigawan ako!" Sigaw din ni Paulita.

"Anong kaguluhan ito!" Napatigil kaming lahat ng dumating ang pinuno nila.

"Ikaw paulita pumasok ka sa loob!" Utos niya sa anak anakan niya.

"Ngunit ama—"

"Sumunod ka na! Leo dalhin mo na iyan sa loob" hinila na siya ni leo papasok sa loob.

"Pagkatapos ninyo kumain, ituloy ninyo ang ginagawa ninyo" mahinahon niyang saad saamin saka siya umalis na.

KINAGABIHAN ay dinala nila kami sa isang kubo kung saan kasya kaming walo.

"Huwag na huwag kayong gagawa ng ikagagalit namin kung ayaw ninyong masaktan" banta ng kasamahan nila saka sila lumabas at sinarado ang pintuan.

"Kailangan nating umalis dito" walang emosyong saad ni Felicidad.

"Paano? Ni hindi nga tayo maka alis sakanila bantay sarado tayo" napasapo nalang sa ulo si elena.

"Magpahinga na muna kayo gagawa kami ng paraan kung paano tayo makakaalis dito" wika ni Manuel. Tumingin siya saakin halata sa mga mata niya na pagod na siya.

Nilapitan ko siya saka niyakap ng mahigpit, "Ipangako mo saakin na mabubuhay ka" mahinang sabi ko sakanya.

Ramdam ko ang paghinga niya sa leeg ko.
"Pangako para sa'yo" saad niya, kumalas na din ako sa pagkakayakap ko sakanya hindi naman ako nagulat ng halikan niya ang Noo ko.

"Kayo na ang natulog sa kwarto dito nalang kami sa Salas" wika ni Avelino, tumingin muli ako kay manuel saka pumasok sa loob.

***********************
:)

Somewhere In My PastWhere stories live. Discover now