kabanata 2

135 11 0
                                    


NASA kalesa kaming tatlo na ikwento din saamin ni Felecidad na magkaibigan pala ang mga magulang namin at magulang niya- si Cassandra naman daw ay anak ng isang gobernador.

"Oy bigatin kapala sissy"sabi ko

"Ang inyong pananalita ay ayusin ninyo gumamit kayo ng po at opo kung ayaw ninyong mapagalitan, ang kilos ninyo ay mahinhin at hindi galaw-gaw kumilos ang mga babae dito, Bawal din makita ang mga talampakan ninyo" bilin niya saamin, ang dami naman bawal sa panahong to.

"Napaka conservative namin ng mga tao dito, ang hirap naman mabuhay dito" pag angal ni Cassandra.

" wala namang madali sa buhay natin " tugon ni Felicidad.

"Ayusin ninyo ang inyong kilos huwag galawgaw at nang hindi kayo mapaghalataang hindi kayo taga rito" dagdag pa niya.

"Ang inyong abaniko ay gamitin upang hindi makita nang kabuuhan ang inyong mukha at hindi kayo matitigan ng mga kalalakihan" paalala pa niya.

"Nga pala tatlo kaming magkakapatid ako ang sunod sa panganay at si Kuya Avelino ang panganay at si elena naman ang bunso si ama ang ngalan niya ay Alejandro kung tatawagin siya ay Don Alejandro at si Ina naman ay Doña Aurora ang aming apilyedo ay De leon." Pagpapakilala niya sa kaniyang pamilya.

"Ang iyong ina, Isabel ay si Doña Remedios Dela Cruz at ang iyong Ama naman ay si Don Mariano Dela Cruz. May mga kapatid din ikaw binibining Isabel tatlo Kayong babae si Laura ang panganay isa siyang madre at si Natasha naman ay ang sunod sa panganay at ikaw ang bunso" pagpapakilala niya, eh sa tunay na mundo ako talaga ang panganay ano kaya ang buhay kapag bunso ka?

"Sayo naman Cassandra Teodoro ang iyong apilyedo dahil isang gobernadorcillo ang iyong ama. Ang ngalan ng iyong ama ay Don Garcia Teodoro at ang iyong ina ay si Doña Clara Teodoro. Mayroon kadin mga kapatid binibining Cassandra, apat kayong mag kakapatid si Manuel Teodoro ang panganay nag aaral siya ng abogado si Samuel naman ang Pangalawa nag aaral ng medisina at ikaw ang pangatlo at si Alice naman ang bunso mong kapatid kilalanin ninyo sila" pagpapakilala naman niya, binibilinan niya kami na kilalanin din namin sila pero sa ibang paraan para hindi nila mahalata.

Ilang sandali ay nakarating nakami sa Daungan ng barko. Nagulat ako dahil akala ko ay nasa bahay na kami sasakay pa pala ng barko.

"Malayo pa pala ang bahay natin?" Pagtataka ko

"Tatlong araw tayong mag lalayag" sabi niya, naikinagulat ko. Muntik pa matangay ng hangin ang suot kong belo na nakatakip sa mukha ko sa sobrang hangin ay konti nalang liliparin na.

"What? Hala hindi ako sanay bumyahe ng ganon ka tagal" reklamo ko, pero totoo siguradong mag susuka lang ako buong araw.

"Hinaan mo ang iyong pananalita at baka marinig ka isipin pa nilang baliw ka" bulong sakin ni Felicidad, Nakita ko namang tumawa si Cassandra.

"Cassandra? " Napatigil kami ng marinig ang boses ng isang lalaki sa bandang likuran namin.

"S-sino—"

"Ginoong Manuel! Narito ka? Uuwi ka din sa San Teodoro?" Nakangiting wika ni Felicidad, sinenyasan namin si Cassandra, siya yung kapatid ni Cassandra?

Ah kaya pala parang hawig sila. Manuel pala name niya. Infairness gwapo din.

Nagpaalam na din kami dahil ibang silid pala yung kapatid niya at pinili ni Cassandra na sumama saamin kesa sa lalaking yun, well hindi din naman kasi niya kilala.

***

LUMIPAS ang tatlong araw naka kulong lang din kami sa Kwarto dahil Ayaw rin naming lumabas ni Cassa, bilin din saamin upang wala kaming masydaong maging kausap lalo na kilala si Cassa dahil anak siya ng gobernadorcillo.

Nang makarating kami sa San Teodoro ay nakita ko ang lawak ng Lugar naiyon. Madaming mga nakabantay na Guardian Civil sabi ni Ate Felecidad, Nag-kahiwalay na kami ni Cassandra dahil Ipinasundo na sila ng kanyang kuya na si manuel ng kanilang mga magulang sa Daungan.

Habang patungo kami sa tahanan ng mga pamilya Dela cruz ay pinagmasdan ko ang buong paligid napakalawak at sobrang maaliwalas ang buong paligid.

Di tulad ngayon ay halos puro kabahayan na at matataas na gusali ang nakikita ko sa tuwing nasa sasakyan. Mas maganda padin pagmasdan ang paligid na kulay berde at asul.

Pagdating namin ay agad bumungad ang malaking sign sa taas ng gate nakalagay duon ang Hacienda dela cruz.
Kasama ko padin si ate Felicidad dahil naroon daw sa tahanan ang kaniyang pamilya.

Pagkababa ko palamang ng kalesa ay agad akong niyakap ng isang babae. Matangkad siya at sa tingin ko siya si Laura ang panganay dahil naka suot siya ng pangmadre

"Sa wakas! Nagkita tayong muli at mabubuo muli ang ating pamilya" masayang sabi ni Laura saakin. Kumalas na din ako sa pagkakayakap.

"ngunit tila yata 'di ka yata masaya na makita kami?" Nakakahalata ba siya? Napatingin ako kay Felicidad, sinenyasan niya ako na ngumiti nalang.

"Ahh...masaya naman ako, nagulat lamang ako dahil bigla ninyo akong niyakap" paliwanag ko.

" Hindi ka ba sanay?" Tanong niya, hindi ko na nasagot dahil niyakap nila muli ako, nakita ko naman sina Don Mariano at Doña Remedios at si Natasha. medyo matangkad siya ng kaunti saakin pero mas matangkad si Laura kumpara saamin.

Kasunod ng pamilya dela cruz ang pamilya ni Felicidad.

Niyakap ako nila don Mariano at doña Remedios.

"Estoy tan feliz de que estés aquí ahora mi hija"(I'm so happy you here now my daughter) sabi ni don Mariano at niyakap na nila ako ganon din si doña Remedios.

Buti nalang ay naiintindihan ko ang mga sinasabi nila dahil Half Spanish at half Filipina ako Dahil ang daddy ko ay pure Spanish at ang nanay ko naman ay pure Filipina

"Masaya din.....po akong makita kayong muli" saad ko at kumalas na sila ng pag kakayakap.

"ven, vamos adentro"(come,let's go inside) sabi ni Don Mariaño.

**************

Another one kabanata 2 ang saya ayusin yung mga kabanata HAHAHA may pagka jeje kasi eh eme.

Somewhere In My PastWhere stories live. Discover now