KINABUKASAN maagang nagising sina Doña remedios kaya naman tumulong ako sa paghahanda ng umagahan.
"Kamusta ang iyong tulog anak?" Tanong ni Doña remedios.
"Ayos naman.....po" ngumiti lang ako sakaniya.
"Señorita isabel may bisita po kayo" wika ni Theresa.
"Sino?" Tanong ko, "Si Señorita Cassandra po"
"sige na anak harapin mo na ang iyong panauhin" tugon ni Doña remedios, tumango naman ako saka tumingin muna sa salamin bago lumabas.
"Sissy! Halika sa hardin tayo ninyo" Cassa said.
"Omy gulay beh madami akong narinig at chicka kaya medyo lumayo muna tayo sa inyong mansion" Sabay tawa "ano ba iyon?" Curious kong tanong.
"Girl ano ba ginawa ninyo ni Manuel kagabi?"
"Wala ah! Wala kasing puno ng narra sa loob ng hacienda ninyo duh, kaya lumabas kami at pumunta duon sa labas ng hacienda aba malay ko bang makakasalubong namin ang pamilya natin" Paliwanag ko.
"Narinig ko kasi kagabi, balak ipakasal si Manuel hindi ko lang narinig kung kanino.......alam mo naman kung gaano ka conservative mga tao dito" maski siya nag aalala din.
"So ano balak mo?" She ask, "huh balak? Hindi ko alam" humingo nalang ako malalim.
"Binibining Isabel at Binibining Cassandra kayo po ay tinatawag na ng inyo pong ina. Kayo po ay kakain na" nakayuko lang si theresa at parang wala siyang balak na tumingin sa mga mata ko.
"Theresa diba? Si Cassandra ang aking matalik na kaibigan.....may mga kaibigan kaba?" Tanong ko sakanya, gusto ko siyang maging kaibigan. Hindi pwedeng lagi nalang ganito parang takot siya.
"W-wala po, hindi po kasi ako nakakauwi saamin po sa probinsya kaya wala po akong mga kaibigan" paliwanag niya, "ganon ba? Simula ngayon sa araw na ito kami na ang iyong kaibigan. Maaari mo akong tawagin sa pangalan ko nalamang sa tuwing tayo tayo lang naman tatlo" wika ni Cassa.
"Ngunit hindi po maaari kailangan ko padin po kayo galangin"
"Drop the po, 'wag kang mag-alaala hindi ka malalagot" tugon ko naman, "ano po yung sinabi ninyo? D-dorap? Da po?"
"Ah isang wikang ingles, 'wag ka nang mag po, basta simula ngayong araw kami na ang kaibigan mo walang secret ay– mga sekreto pala okay?" Ngiti ko.
"Opo" sagot niya " 'wag ka na nga mag po Theresa" ani ni cassa "ngunit mas sanay po kasi ako" sagot niya saamin.
"Sige, pero maaari mo kaming tawagin sa pangalan lamang"
"Hindi po ako sanay na tawagin kayo sa pangalan lamang" ngumiti ng kaunti.
"Oh sige na nga sige theresa, basta magkakaibigan na tayo?" Tumango naman silang dalawa.
Dito ko na din pinakain si Cassa hindi naman ganon kalayo ang kanilang hacienda, mga 30 minutos ang tinatagal pero kapag nag kakalesa ka mga 15 min lang ganern.
Wala din pala si Don Mariano nasa kabilang bayan may mga inaasikaso daw siyang mga papeles. Kasama ang gobernadorcillo.
"Kamusta, Cassandra masarap ba?" Tanong ni doña Remedios.
"Opo" ngumiti siya, " paano kayo naging mag kaibigan anak?" Tanong ni Doña remedios.
"Hindi ba ina noon ay ni isa wala siyang mga kaibigan sapagkat laging nasa kaniyang silid" Tugon ni Laura. Sinabi ba nilang lonely girl ako?
"Ah hindi ko po din alam basta po naging mag kaibigan nalamang kami" wika ni Cassa, huh?
"Mukhang matagal na din kaya naman hindi na ninyo maalaala.
Madami pa kaming napag kwentuhan, Inabot na din ng gabi si Cassa sa bahay namin kaya panay tawanan lang kaming dalawa nito, inikot ko din siya sa buong bahay para naman alam niya kapag balak niya mag akyat bahay chos.
Dumating na din sina Don Mariano at Don Garcia, sumabay na din umuwi si Cassa dahil Ama naman niya iyon.
"Bukas Isabel samahan mo ako sa mamalengke, maaga tayong aalis matulog kana ng maaga" ngiti ni doña Remedios.
"Anong meron?" Bulong ko kay Laura, kasi parang kanina ko pa naririnig na may bibisita saamin bukas.
"Matulog kana Isabel, umakyat kana" utos ni Laura.
Ay grabe siya, hindi man lang sinagot yung tanong ko. Umakyat na din ako at wala nang balak na Magtanong pa.
Agad kong isinara ang pinto saka pumunta sa secret room wala pa akong ng balak matulog kaya naman lalabas ako at mag gagala.
Nang hingi ako kaninang umaga kay Theresa ng Lumang baro't saya kaya medyo hindi ganoon ka bigat at nakakakilos ako ng maayos at hindi din ganoon ka garbo.
Kumuha ako ng takip sa mukha kulay itim itinali ko din ang aking buhok na mahaba saka kinuha ko ang pana. Balak ko sanang mamana mag practice kasi matagal tagal na din ako hindi nakakahawak ng pana.
Lumabas na ako, mabuti nalang hindi ko kailangan ng lampara sapagkat maliwanag na din ang buwan.
Bilog na bilog ang hugis ng buwan kaya talagang maliwanag.
Umakyat ako sa mataas na pader sa likod ng mansion na ito, pag kaakyat ko ay agad din akong tumalo pababa. Ang likod pala nito ay isang lawa.
Kumuha ako ng isang arrow, sinubukan kong patamain iyon sa puno na medyo malayo saakin, habang nag lalakad ako ay sunod sunod kong pinapatama iyon at tumatama naman sa puno mismo.
Napaupo ako nang biglang may nabunggo akong nilalang. Agad kong iniangat ang aking ulo.
"Si-sino ka?!" Halata sa kanyang mga mata ang gulat ng makita niya ako.
"I-ikaw? Anong ginagawa mo dito?!" Ibinalik ko ang tanong ko sakanya.
"Isa kang babae?"
"Ano naman?"
Aalis na sana ako nang biglang madulas ang paa ko dahil bangin na ang gilid nito. Napakapit ako sa braso niya maging siya ay muntik na din kaya parehas kaming na tumba dahil hinila niya ako pataas.
Biglang umihip ng malakas ang hangin dahilan para luparin ang takip sa mukha ko dahilan para makita niya ang kabuohan ng aking mukha at bumagsak ang mahaba kong buhok.
Parehas kaming natigilan.
Parehas kaming nagkatitigan ng matagal jusko ano ba itong nararamdaman ko bakit ako kinakabahan.
Nagulat siya nang makita niya ako, ngunit tahimik lang kami. Agad naman akong tumayo.
Napatikim ako bago nag salita. "Paumanhin" yun lamang ang sinabi ko saka ako tumakbo pabalik at umakyat mula sa hindi ka taasang pader.
Pagkabalik ko sa aking silid ay agad akong nag palit ng damit pantulog at itinago sa secret room yung lumang damit.
Hindi ako makatulog nang gabing iyon, kaya naman pagkagising ko ng umaga ay talagang puyat ako. Paano kung isumbong niya ako?
Tiyak na malalagot ako sa oras na isumbong niya ako kina Don Mariano at Doña remedios.
****************
Ang dami sigurong errors here please sabihin ninyo kung meron para maayos koo .
Vote and comment is highly recommend!!
Please:>
YOU ARE READING
Somewhere In My Past
Ficción históricaSi Isabel Dela Cruz ay ang bunsong anak ng Pinakamayamang angkan sa San Teodoro Habang si Cassandra Teodoro naman ay anak ng pinakamaimpluwensiya at makapangyarihan gobernadorcillo sa panahong 18th century. Makakasama niya ang kaniyang matalik na ka...