Kabanata 18

52 7 0
                                    

HALOS Apat na araw din ang itinagal ng byahe namin papuntang iloilo. Buong byahe namin ay nahilo lang ako panay tulog lang din ako. Si Manuel ay naka upo kapag natutulog dahil naka sandal ako sakanya. Tinatanong ko siya kung okay lang siya okay lang daw.

NANG makarating na kami sa iloilo nakahanap agad kami ng matutuluyan Dahil may kakilala si Gerbasyo nasabi din saamin na dito pala sila Tumira nung hindi pa nagtra trabaho sila kina Don Mariano at Doña Remedios.

Kubo ang kanilang bahay, sakto lang hindi ganon kalaki.

Pagpasok mo sa kubo nila ay salas na maliit ang bubungad sayo, sa likod daw ng bahay ang kusina na maliit. Sa labas nila ang banyo nila. Ang kwarto naman nila ay malaki. Dalawang kwarto iyon.

"Sa isang kwarto kayo po mga binibini, at kaming mga lalaki sa kabilang kwarto" wika ni Gerbasyo.

"Tawagin ninyo nalang po ako kapag may mga kailangan kayo" saka siya umalis.

Hindi kami masyadong lumalabas dahil baka may mga rebelde na nag hahanap saamin at nag kalat na sila sa buong lugar.

Naiwan naman kami ni cassa sa salas dahil nagpahinga na sila sa silid.

"Cassa natanong mo naba si Felicidad?"

"Dipa bakit?"

"Ano na gagawin natin paano kung mamatay sila Don Mariano at Doña Remedios paano kung Mamatay sila?!
Paano kung may mangyaring masama sakanila paano kung ganon din sina Don Alejandro at Doña Clara paano kung-"

"Kumalma ka nga! Ako din nag aalala Pero manalig tayo walang mangyayaring masama sa kanila"

KINABUKASAN maaga akong gumising para makapagluto ng almusal dahil ako ang pinaka maagang nagising at wala din naman akong gagawin kundi mag luto nalang.

Paglapag ko ng Pagkain nagulat ako dahil Biglang hinawakan ni Manuel ang kamay ko

"A-anong ginagawa mo maayos na ba pakiramdam mo?" seryosong tanong niya

"Oo naman"

"Ako na jan, umupo kana dun" sabay kuha sa pagkain na hawak ko at umupo na ako sakto nalamang bumaba na sina laura at ganon din sina Cassandra, Samuel at alice, Felicidad,Elena at Avelino.

Pagkatapos namin kumain si Elena na ang nag prisintang mag hugas ng plato at si laura naman ang nag ligpit.

Habang wala kaming gawa ay Nag uusap usap sila kung paano maililigtas ang mga magulang namin

"Ano na gagawin natin hindi pwedeng dito lang tayo at walang gagawin " wika ni Avelino.

"Masyadong delikado, hindi tayo maaaring basta basta sugurin at iligtas may panahon pa tayo para makapag isip isip ng hakbang na ating gagawin " seryosong saad ni Manuel.

"Siguro mas maganda kung-" hindi nanatapos ni Felicidad ang sasabihin Dahil bilang dumating si Gerbasyo.

"MGA REBELDE!" hingal na sabi niya.

"A-ANO?!" Gulat naming sagot hindi namin alam ang gagawin ngayon at Nandito pa ang mga Rebelde.

"Saan na tayo ngayon pupunta!?" maski ako di mapakali, Gusto ko lang naman taposin ang misyon ko hindi ako ang matatapos huhuhu.....

"Magtago tayo" sabi ni Cassandra.

"Saan?!"ani ni Elena

"Sa likod!...may daanan dun....dun muna kayo mag tago sa Mga palayan" turo naman ni Gerbasyo kaya Tumakbo na kami sa Likod at nag tago sa palayan.

Medyo naaninag ko ang mga rebeldeng napapunta na sa bahay.

Kinalabog nila ang pintuan ng malakas kulang nalang ay gumiba ang kubo dahil sa bara barang pag bukas nila.

Somewhere In My PastWhere stories live. Discover now