Kabanata 6

81 9 0
                                    

Madami kaming napamalengke, kasama namin si theresa kaya kahit papaano ay may kausap ako at may mga napatatanungan ako.

Tanghali na nang makauwi kami dahil sa mahabang pila sa pagsakay sa bangka at madami din kasing tao ang namimili ngayon.

Tumulong ako sa pagluluto at hapon na ng matapos kaming magluto ng mga iba't ibang mga putahe.

Kanina ko pa gustong itanong kung sino ang may birthday pero baka sabihin kasi makahalata sila na hindi ko alam ang birthday nila.

Kaya tahimik nalang ako.

Pagtapos namin mag luto ay inutusan akong maligo at mag ayos ng mukha dahil may mahalagang panauhin na dadating.

Sinuot ko ang maganda at eleganteng baro't saya sa aparador, kakaiba din yung mga make up nila dito pero ang tawag daw is kolorete ganern.

Dami kong nadidiscover na mga salita and bagay bagay.

Tinirintas ko ang buhok ko saka iniikot sa buo kong ulo para magmukhang elegante pa rin tignan. Naglagay din ako ng bulaklak na puti sa ulo ko at nag pabango din ako ng kaunti.

Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba na din ako, lumiwanag ang kanilang mga mukha ng makita nila ako.

"Napakaganda mo anak" niyakap naman ako ni Doña remedios. Hindi na ako sumagot at ngumiti nalang ako.

Pero grabe naman kasi may panauhin lang kailangan talaga maayos kaming lahat at ang malala hindi ko kilala yung panauhin na sinasabi nila.

"ina sino po ba ang mga pangunahing?" tanong ni Natasha pero hindi umimik si ina at ngumiti lamang.

Ngek sila din pala?!

"Don Mariano, Narito na po ang panauhin" medyo hinihingal pa siya layo siguro tinakbo nito, Tinignan naman ako ni ina at inayos ang buhok ko at ang suot kong damit at ngumiti.

"Anak,Kahit anong mangyari ngumiti ka lamang"  ngumiti naman ako. Kailangan ba ganito ako buong gabi?

Nagulat ako dahil ang panauhin ang pamilya Teodoro as in lahat sila Anong ginagawa nila rito? sila ang mahalagang panauhin? sila ang bisita?.

"Magandang gabi, Don Alejandro at Doña Clara Teodoro at sainyo rin ginoong Manuel at ginoong Samuel at Binibining Cassandra at Binibining Alice" bati ni ina sakanila.

"Magandang gabi rin sainyo" maikling sabi ni Don Garcia "magandang gabi amiga, napakaganda ng iyong mga anak" puri ni donya clara.

Pumasok na silang lahat at nagpahuli lang ako. Maglalakad na sana ako kaso biglang humarap si Manuel, "Magandang gabi binibining Isabel" medyo naiilang akong sumagot dahil kagabi.

Nakalimutan na kaya niya iyon?

Ngumiti lang ako sakanya at tumango.

"Maupo na tayong lahat upang mapag usapan nanatin ang Kasal"sabi ni Don Mariano, Whut sino ikakasal?

Nagulat ako nang biglang umupo ko sa tapat si Manuel. Tumingin muna siya saakin bago nag simulang kumain, habang kumakain kami ay may mga pinag uusapan pa sila.

Hanggang sa napunta na sa kasalan.

Nagulat naman ako dahil tumayo si Don Mariano at pumunta saakin at inakbayan ako, "Marahil ay nakilala na ninyo ang aking anak na si Isabel sapagkat siya ang tumugtog sa kaarawan ng aking kaibigan." Pagpapakilala niya saakin, Ngumiti naman silang lahat.

"Kung kaya't aming pinag isipang mabuti ang desisyon na ito. Aking ipinauubaya ang bunsong dalaga na si Isabel Dela Cruz sa panganay na binata anak ng pamilya ninyo, Manuel hijo ikaw na bahala saaking anak" dahilan para manigas ako sa kinatatayuan ko.

Somewhere In My PastWhere stories live. Discover now