Third Person POV
Napayuko sila ng marinig ang putok ng baril, Agad tumakbo si Manuel ng makita si Isabel na bumagsak sa Sahig.
"Isabel gumising ka! Gumising ka!" Binuhat niya ito at Sinusubukan gisingin ang dalaga.
"Isabel! gumising ka ano kaba bumangon ka diyan!" Sigaw ni Cassandra.
"Tumakas na kayo—" hindi nanatapos ni Leo ang sasabihin niya ng makita si Isabel na naduguan ang balikat ang at ang gilid ng tenga nito.
"may mga guardian civil na nakapasok sa Kampo kailangan na ninyo makatakas baka madamay pa kayo! Bilisan ninyo! Dalhin mo si Isabel sa gubat hanapin mo si Manang Guana gagamutin niya si isabel msgmadali na kayo!" Sigaw nito at tuloy tuloy padin ang mga putukan sa labas.
Dumaan sila sa likod ng kubo at dali dali silang nag tago sa gilid ng mga puno, itinuro ni Leo ang daan sa likod ng kanilang kampo kaya madali silang nakaalis duon.
Habang sila ay tumatakbo ay bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan.
Naging mahamog ang paligid hanggang sa nagkahiwahiwalay sila, sinubukan isigaw ni Manuel ang kanilang mga pangalan ngunit sa lakas ng ulan ay walang nakarinig sakanya.
Pagod at nangangalay na ang braso ni Manuel dahil buhat niya si Isabel, habang tumatagal ay lalong nauubusan ng dugo ang dalaga.
"Tulong! Kung may nakakarinig man jan Tulungan mo kami!!" Sigaw niya, naaninag niya ang isang tao sa di kalayuan.
"K-kakampi kaba o kalaban?" Tanong nito.
Humakbang ang taong iyon Hanggang sa nakita niya isang matandang babae.
"Sumunod ka saakin, gagamutin ko si Isabel" mahinahong saad nito.
Nagulat si Manuel dahil kilala ng matandang babae si Isabel.
Sa tingin niya ito ay si Manang Guana ang sinasabi ni Leo.
"KAILANGAN lamang niya magpahinga upang mabawi niya ang lakas niya dahil sa daming dugo ang nawala sakanya....natanggal ko na din ang bala na tumama sa balikat niya at nagamot ko na ang sugat sa tenga niya" saad ng matanda.
"Hintayin mo nalang siyang gumising mamaya mag papakulo muna ako ng dahon para ipainom sakanya" dagdag ni manang guana. lumabas na siya sa silid at nagtungo sa kusina. Nakatulog ang binata habang binabantayan niya si Isabel na ngayon ay mahimbing na natutulog.
NAGISING ako ng marinig ang ingay sa labas ng bahay. Tumayo ako pero ramdam ko ang sakit ng balikat ko.
"A-anong nangyari? Nasaan ako?" Naguguluhang tanong ko sa sarili ko.
"Nandito ka sa aking tahanan" wika ng matandang babae na nakatayo sa pintuan.
"Sino ka po?"
"Ako si Guana, manang Guana ang tawag nila saakin" pagpapakilala niya.
"Kamusta ang iyong pakiramdam?" Tanong niya saakin.
"Bakit po ako nandito?" Pilit kong tumayo pero ramdam ko ang sakit ng buong katawan ko sa tuwing ikikilos ko.
"Ginamot kita hija, Mabuti nalang at dinala ka ni Manuel dito at nagamot kita dahil sa tama ng bala saiyong balikat" humakbang siya palapit saakin saka may ibinigay na isang baso.
YOU ARE READING
Somewhere In My Past
Historical FictionSi Isabel Dela Cruz ay ang bunsong anak ng Pinakamayamang angkan sa San Teodoro Habang si Cassandra Teodoro naman ay anak ng pinakamaimpluwensiya at makapangyarihan gobernadorcillo sa panahong 18th century. Makakasama niya ang kaniyang matalik na ka...