Kabanata 27

27 1 0
                                    

NAGISING ako, at ang unang bagay na aking napansin ay ang matinding sakit ng ulo at ang bigat ng aking pakiramdam. Hindi ko alam kung bakit, ngunit tila ba'y mayroong mabigat na pabigat na bumabalot sa aking katawan at isipan. Ang mga alaala ng aking mga panaginip ay mistulang natabunan ng kabuuang kalituhan at kalawakan, at hindi ko maalala kung ano ang mga ito.

Puro blurry at hindi maliwanag ang mga imahe na bumabalik sa akin, tila ba'y mga larawan na nanggaling sa malayo at humahalimuyak na parang mga alaala na naglalaho sa aking kamalayan. Ang bawat pagpilit ko na alalahanin ang mga ito ay nagdulot lamang ng mas matinding sakit ng ulo at pagkalito.

Nang maalala ko na nakatulog pala kami ni Cassandra habang gumagawa ng aming proyekto, agad ko siyang ginising.

"Hala nakatulog na pala us!"

"Aalis na ako, gabi na pala" saad ko, tumango naman siya at naglakad na ako palabas ng bahay nila.

Habang nasa daan ako, para umiikot ang paningin ko. Mabuti nalang may dumaang jeep at pumara na ako, nagbayad na din ako saka ko lang naramdaman ang sobrang pagod hindi ko alam pero para akong naglakbay.

KINABUKASAN ay pumasok din ako school dahil may exam kami akala ko malalate ako, mabuti nalang at hindi traffic.

"Oy, hindi mo kasama si Cassandra?" Lizelle ask me.
Umiling naman ako.

"Wala pa ba siya dito?"

"Isay!" Tawag ni Cassandra, dala dala niya ang project at tapos na ito. "My gad traffic kanina" nakapamewang pa ito.

"Ha? Traffic aga ko nga nakarating eh" giit ko.

"Edi ikaw na maswerte, tara na bala tuluyan talaga tayo malate" saad niya, pumasok na din kami sa classroom.

Pagkatapos ng klase namin ay ipinasa na din namin ang project sa science, nag pa assignment ang teacher namin sa history, i rereport kuno bukas kung ano ang mga kagamitan, kabuhayan at buhay nila noon sa panahon ng mga kastila.

"Oy tara punta tayo intramuros!" Narinig kong saad ni Cassa.

"Anong gagawin mo naman duon?" Tanong ko.

"W-wala lang...Diba may assignment tayo sa history may mga Lumang kagamitan duon edi madadalian tayo kung makikita natin"

Tama naman siya, wala din akong nagawa kundi pumayag, saglit lang ang byahe namin dahil medyo malapit lang ang intramuros.

Pagdating namin duon ay may kung ano akong naramdaman, kahit na medyo malapit lang ang school namin sa intramuros never pa akong nakapunta dito, sa luneta lang kami madalas pumapasyal at hindi kami nakakapunta dito.

Tinitingnan ko ang mga makasaysayang istraktura na bumabalot sa amin, mula sa matayog na mga pader hanggang sa mga matatandang kalye na puno ng alaala ng mga nakaraang panahon.

Para akong nakarating na dito. Pero hindi ko matandaan kung kelan.

Ang bawat sulok ng Intramuros ay tila ba'y isang yugto ng kasaysayan na bumabalik sa akin, na nagpapakilos sa aking imahinasyon at nagpapalakas sa aking pag-unawa sa aming kultura at kasaysayan bilang isang bansa.

Sa bawat hakbang, ang aking pagkabighani sa kagandahan at kasaysayan ng Intramuros ay lumalim pa, at ang aking pang-unawa sa kahalagahan ng pagpapahalaga sa ating mga makasaysayang lugar ay lumalawak. Ito ang unang pagkakataon na aking nadama ang itong pakiramdam ko na hindi ko maipaliwanag.

"Tara girl ganda duon oh!" Yaya niya saakin, nauna naman siya at nadaanan namin ang pamilyar na simbahan.

May kung anong kirot ang biglang sumalubong sa akin, isang pangamba na tila ba'y bumulaga sa aking kalooban nang hindi inaasahan. Habang ako'y nasa Intramuros, ang dating ngayon ng makasaysayang lugar na ito ay tila ba'y bumabalot sa akin ng isang napakalalim na emosyon na hindi ko maipaliwanag. Naramdaman ko ang biglang pagluha ng aking puso, ang tila ba'y pag-agos ng mga alaala at damdamin mula sa nakaraan na bumabalot sa akin ng kakaibang kirot at lungkot.

Napayakap ako sa sarili ko, hindi ko maiwasang damdamin ang bigat ng mga emosyon na bumabalot sa aking puso at isipan. Ang malamig na hangin na umaagos sa paligid ay tila ba'y nagpapalakas pa sa aking pakiramdam ng pangungulila at pangamba. Sa bawat bugso ng hangin, tila ba'y nadaramdaman ko ang haplos ng nakaraan na tila ba'y sumisigaw sa akin mula sa ibabaw ng mga matatandang pader at gusali ng Intramuros.

Ang bawat pintuan at bintana ng makasaysayang mga istraktura ay tila ba'y nagpapakilos sa akin sa isang kakaibang paraan, na nagbibigay-daan sa aking imahinasyon na maglakbay pabalik sa mga panahong nagdaan. Ang aking puso ay puno ng mga tanong at agam-agam habang ako'y naglalakad, ang bawat hakbang ay para akong nakarating na dito.

Hindi ko maipaliwanag kung ano ang tunay na dahilan ng aking lungkot at kirot.

***

AFTER nun ay nagyaya na rin ako umuwi dahil hindi ko talaga maintindihan yung nararamdaman ko sa lugar na iyon.

Pagdating ko sa bahay ay naka tulog na din ako.

"Mahal..... Mahal na mahal kita isabel"

"Hindi ako papayagan na ganito matatapos ang kwento natin....... Hahanapin kita"

May lalaki akong nakikita sa panaginip ko ngunit hindi ko maaninag ang kaniyang mukha, ngunit sa tingin ko ay labis ang lungkot at pagluha ng taong iyon.

Pero bakit kilala niya ako?

Bakit Tinatawag niya ako sa pangalan ko?

At bakit Mahal?

"ATE! gumising kana! Kanina pa alarm ng alarm yang cellphone mo malalate kana!" Napatayo ako ng marinig ang kapatid ko.

Naramdaman ko ang basa ng mukha ko, hindi ko alam kung bakit ako umiiyak at ano ba iyong panaginip ko.

PUMASOK na din ako sa school, at nag report kami ni cassa sa history subject namin.

"Baro't saya at barong Tagalog, Ito ang mga tradisyunal na kasuotan ng mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila. Ang mga babae ay karaniwang nagsusuot ng baro't saya, samantalang ang mga lalaki ay nagsusuot ng barong Tagalog" saad ko. Napatango-tango naman ang guro namin.

"Pagsasaka, Ang pagsasaka ay isa sa pangunahing kabuhayan ng mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila. Ang mga Pilipino ay nagtatanim ng palay, mais, at iba pang mga prutas at gulay." Si Cassandra naman ang nagpapaliwanag.

"Sa kabuuan, ang panahon ng mga Kastila ay nagdulot ng malaking impluwensya at pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino, pati na rin sa kanilang kultura, kabuhayan, at lipunan" pagtapos ko sa pagpapaliwanag, nagpalakpakan naman silang lahat.

"Mahusay! Napakagaling, para yatang nakarating na kayong dalawa sa nakaraan" wika ng guro at nagkatinginan kami ni Cassandra.

"Sige na maupo na kayo mga binibini" patuloy ng guro namin, naupo naman kami parehas.

Bigla nalang ako napaisip sa sinabi ng guro namin, nakarating? Masyado yatang bigdeal para sakin kaya napapaisip ako ng ganito.

********************
Oy kapit lang HAHAHA

Featured song: Pangako ko by Zephanie Dimaraanan.

Somewhere In My PastWhere stories live. Discover now