NGAYONG araw ay babalik na kami papuntang laguna, nakapag desisyon na ako at kailangan na naming bumalik sa panahon kung saan kami dapat.
"Salamat sa diyos at naka uwi na din kayo ng ligtas....handa na ba kayo?" saad ni manang guana, ngumiti lang ako ng bahagya. Kahit papaano ay naging parte na din siya ng buhay ko, buhay namin. Hindi man ganoon katagal ang pagsasama namin ngunit naramdaman naman namin ang pagmamahal mula sakanya at kilala niya kami kung ano nga ba kami.
"Batid kong hindi naging mahirap ang takbo ng inyong mga buhay sa panahong ito.....ngunit binabati ko kayo dahil nagawa ninyo ang misyon ninyo" sinasabi niya iyon habang nakatingin ng diretso saamin. "Hija, sa pagkakataong ito nais kong sabihin na ang pag ibig ay walang pinipil edad, panahon o anu pa man ngunit lagi mong tatandaan na mahahanap mo din ang para sayo" wika niya para kay Cassandra.
"At sayo naman, batid kong ginawa mo ang lahat ngunit may mga bagay talagang hindi para sayo.....hayaan mo hija lahat ng sakit at hinagpis mo ay malilimutan mo"
Sana ganon lang kadali makalimut, sana.....sana ganon nalang kadali sabihin ang salitang makakalimutan, hindi ko namalayan na bumuhos na ng tuluyan ang aking mga luha na gustong gusto na ibuhos ito, nanghina ang buong katawan ko dahilan para magulat sila.
Agad akong niyakap ni manang guana, at duon ko iniiyak ang sakit ng nararamdaman ko, naramdaman ko tuloy ang kalinga ng isang ina.
Ang sakit, sobrang sakit na makita ang taong mahal mo na ikinasal sa iba.
Minahal natin ang isa't isa
Ikaw at ako
Pinagtagpo, nagsumpaan na magsasama
Habang buhay
Ngunit mapaglaro ang
Tadhana hindi ka para saakin
At hindi ako para sayo.
***
"Kumain lang kayo ng kumain" ngiti ni manang guana.
"Mukhang mabubusog po nito kami"
"Naku mas mabuti na iyon, dahil babalik na kayo" nang sabihin niya iyon ay nakaramdam ako ng lungkot.
Iiwan na namin itong mapait na yugto ng aking buhay, hindi ko akalaing kakayanin ko ang lahat ng mga pagsubok, madami akong natutuhan sa habang nabubuhay ako dito.
Bukas ng gabi ay gagawin na namin ang dapat gawin, babalik na kami.
Nakahiga na kami ni cassa sa sahig, "oy tulog ka na?" Narinig kong tanong ni cassa, sumagot naman ako ng 'hindi pa' agad siyang humarap saakin.
"Alam mo ang galing no? Nakapag time travel tayo dito" narinig kong wika ni cassa. Hindi naman ako nagsalita at Hinayaan ko lang kung anong sunod niyang sasabihin.
"Sana pag naka alis tayo, maalala ko ang lahat ng mga nangyari dito at saka sana mabalikan natin 'tong mga lugar dito" saad niya.
"Sa tingin mo maalala pa kaya natin sila?" hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko.
Nang bigla niyang sabihin na sana maalala pa namin ang lahat pag-alis namin at mabalikan ang mga lugar dito, hindi ko mapigilang mapaluha. Gusto ko sanang sumang-ayon at mangako na gagawin ko ang lahat para maalala namin, ngunit sa loob-loob ko, alam ko na hindi ko kaya. Hindi ko kaya na balikan ang mga alaala na magdudulot lamang ng masakit na alaala at hinanakit.
YOU ARE READING
Somewhere In My Past
Historical FictionSi Isabel Dela Cruz ay ang bunsong anak ng Pinakamayamang angkan sa San Teodoro Habang si Cassandra Teodoro naman ay anak ng pinakamaimpluwensiya at makapangyarihan gobernadorcillo sa panahong 18th century. Makakasama niya ang kaniyang matalik na ka...