Madami pa kaming pinag usapan saka kami bumalik, madilim na din nang bumalik kami sa Kalesa. Hinintay kami ng kutsero nila manuel.
Nang aalis na kami ay may napansin akong parang may tao sa puno o san man para bang may nag mamatyag saamin.
"Saglit..." Pigil ko nang balak paandarin ng kutsero ang kalesa.
"May tao akong nararamdaman sa paligid" wika ko.
Magsasalita sana si Manuel pero, tinakpan ko ang bibig niya. Bumaba ako mula sa kalesa
Nanlaki ang mata ko nang biglang may tumalon mula sa puno at tinutukan ako nang patalim. Napataas ang kamay ko.
"Isabel!" Napatakbo si Manuel maging siya ay nagulat nang may isa pang tumalon mula sa puno at tinutukan ng patalim. Napalingon ako sa likod nang Makitang pati ang kutsero ay tinutukan din ng patalim.
"Anong kailangan ninyo?" Mahinahong tanong ko, tatlo lang sila kayang kaya.
"Anak kayo ng Dela Cruz at ng pamilya Teodoro—" hindi na natapos ng isang lalaki ang sinasabi niya nang mag salita si Manuel.
"Anong kailangan ninyo?!" Matapang niyang tanong.
"Itong binibining ito ang nais namin" wika ng isang lalaki sa harapan ko, napataas ang kilay ko saka umirap.
"Kung makukuha ninyo ako" bulong ko sa sarili ko.
"Ang tapang mo naman" natatawang sabi ng lalaki, hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalungkob sila.
Balak pa niya akong hawakan nang sumigaw si manuel " 'wag ninyo siyang hawakan!"
Napataas ang kamay ng lalaking nasa harapan ko, talagang sinusubukan ang pasensya ko nang panget na to.
"Isa pang hawak mo sinasabi ko sayo makikita mo hinahanap mo" banta ko, nag tawanan lang sila.
Talagang inubos ang pasensya ko.
Nang hahawakn niya ako agad kong hinawakan ang isang kamay niyang may hawak ng kutsilyo saka ko hinawakan ng mabilis ang braso niya at inikot maging ang kamay niyang may hawak ng kutsilyo. Nabitiwan niya iyon.
Sinuntok naman ni Manuel ang lalaking nakatutok din ng patalim sakanya, dahilan para tumilapon ang patalim na hawak niya. Napaupo naman yung lalaki na iyon.
Dinampot ko naman ang patalim na nahulog, "pakawalan ninyo kami kung hindi, hindi ako mag dadalawang isip laslasin ang leeg nitong kasama mo" naiinis na sabi ko. Nakatutok sa lalaking kaninang balak akong hawakan.
"Sige na po, pakawalan na po ninyo kami" pagmamakaawa ng isa.
"Bibilangan ko kayo, kapag hindi pa kayo umalis—"
"Isa—"
"Dalawa—"
"Tat—" tumakbo na silang tatlo at nawala sa paningin namin.
Napatingin ako kay manuel "ayos kalang?" Tanong ko.
"Ako ang dapat mag tanong niyan sayo" nag-aalalang sabi niya, "ayos lang ako ano ka ba, tara na at umuwi na tayo" saad ko.
Bumungad saamin sina Laura Doña remedios at don Mariano sa salas.
"Magandang gabi po, Paumanhin kung gabi ko na po naiuwi ang inyong anak" paghingi ng tawad ni manuel.
Tumayo si Don Mariano saka tinapik ang balikat ni Manuel "Tila yata naging masaya ang inyong pamamasyal" natatawang sabi ni Don Mariano.
"Hayaan mo na sila Mahal mukha nag saya naman sila" Saad naman ni Doña remedios.
YOU ARE READING
Somewhere In My Past
Fiksi SejarahSi Isabel Dela Cruz ay ang bunsong anak ng Pinakamayamang angkan sa San Teodoro Habang si Cassandra Teodoro naman ay anak ng pinakamaimpluwensiya at makapangyarihan gobernadorcillo sa panahong 18th century. Makakasama niya ang kaniyang matalik na ka...