Kakaiba ang pakiramda mo ngayon at hindi ako natutuwa rito, si Grace kanina ko pa hinihintay kaso wala parin.
Ang dami namang tao na nagtatakbuhan at ang iba naman ay sobrang aligaga sa buhay, ako? Nakaupo lang dito at naghihintay ng mga gawain.
Napaka tagal ni Grace at naiirita na talaga ako, meron pa na pumunta ditong babae at sinabing pinapatawag daw ako office. Akala ko naman Kay sir Brewster na office, sa iba pala.
Pagkarating ko duon ay umupo ako at talagang kasali ako sa pagpupulonh, may mga matatanda na sumisigaw ang kinang ng mga dyamante sa katawan. Meron naman na kung makaubo pwede na sabihan na may virus o malalang sakit.
Halos dalawang oras ang ginugol sa pagpapaliwanag nang "No hay valor equivalente, solo se puede pagar el amor." Wala nga akong maintindihan sa pangalan, pero tiyak ko na isa itong laro na kung saan hindi espada o armas ang ginagamit. Isang laro na isip at pakiramdam ang nangingibabaw, gusto ko sana i download ang laro kaso hindi pa pala na re-released.
Mga ilang minuto na ang nakalipas ay dumating si Ate Lyric sa mismong office ko, pawisan Ito at halatang problemado sa bagay na hindi ko alam.
"F-F-Faye...si Amira sinugod sa hospital!" Ayoko s'yang intindihin at baka isa nanaman ito sa mga prank ni Amira.
"Hindi nya ako kailangan sa buhay nya Ate Lyric." Bahagya pa itong nanigas sa kinatatayuan at halatang nagulat sa mga salitang lumabas sa bunga-nga ko.
"Inatake sya ng Allergy, kritikal ang lagay nya!"Their, when I heard Ate Lyric's sobs ay hindi ako nagdalawang isip na lisanin ang aking opisina at tunguhin ang hospital, kung saan sya naroroon.
Mga ilang minuto din ang byahe na lalong nagpakaba saakin, hindi ko alam kung anong meron kay Amira na kahit anong galit ko ay hindi ko sya matiis.
Saktong Alas dose na at dumating kami sa Alonzo Hospital, maraming Tao at kaliwa't kanan ang umiiyak at nanghihingi nang tulong.
Nanghingi agad ako sa nurse na nasa counter nang room number ni Amira, but my world turn upside down nuong sinabi ng nurse na wala na daw sa room ang pasyente at kasalukuyang ni re-revive.
Pumunta kami sa isang mahabang pasilyo na kung saan nakapaloon si Almira na nag aagaw buhay.
May isang nurse na tumatakbo at aligaga na naghahanap nang Blood type. May lumabas din na doctor at lumapit saamin.
"Relatives?" Tumango-tango kami ni ate Lyric at bahagyang nagbuntong hininga ang doctor.
"Marami na ang naubos na dugo sakanya, kung hindi sya masasalinan ngayon ay possible n'yang ikamatay." Mabilis na inilapag ko ang papel na nakaligtaan kong bitawan.
Iniabot ko sakanya ang aking braso at sinabing kuhanan ako nang dugo.
"The patient have a rare blood type, she is Rh-null who could have an Rh-null a golden blood type here?" Mabilis akong sumama sa doctor at inuutos ko na kahit isang galon pa na dugo ang kuhain ay papayag ako. Kalaunan ay nakuhanan na din ako nang dugo at maya-maya ay pinatawag ako.
Nagtataka ako sa inasal ng doctor, bahagya kasi s'yang tumungo sa pinto at nilock Ito. Umupo na sya sa upuan at dumukdok sa lamesa nya parang na momoblema sa kung saan.
"This isn't normal to ask this to a patient or relatives, but..." Lalo akong kinabahan sa sasabihin nitong doctor nuong naghubad sya bigla sa coat nya at bumalik nang upo sa upuan.
Napalunok ako nang tatlong beses at pinaningkitan sya.
"Pwede bang...pag aralan ko ang dugo mo? Rare type kasi ang Rh-null at bihira lang ang mga taong na e-encounter ko na mayroon nito. Una kasi itong nakita sa Australia and their must be a possibility na you guys have a Australian relatives or your parents are Australian." Dere-deretsong pahayag nya, na nag alis ng kaba sa aking dibdib. Grabe muntik na ako himatayin duon.
BINABASA MO ANG
Perseus Brewster [Completed]
RomancePerseus Brewster are barely known as 'Breseus' as the Head Mafia Gang. His names is different from outside and inside at the Company because it's forbidden. He got this white silky skin and well build body that everyone desire, not just girls, but...