2 years had passed.
"Mommy!" Hilong-hilo na ako sa kwarto, bakit ba kasi dalawang sutil ang niluwal ko. Akala ko si Haye lang, tinago pala saakin ng hospital na may Kaye din. Nakakaloka, balak pa nakawin si Kaye.
"Mommy!!"Hindi naman ako singer, pero kung bumirit mga batang Ito akala mo wala ng bukas.
Hindi ko sila mabihisan nang maigi, balak ko sanang ipasyal sila. Kaso ang hirap damitan, ang Ganda pa naman nitong twin bunny na pinasadya kong palagyang ng pangalan nila.
"I'm mad now! I'm not kidding!" Malakas na sigaw ko, napipikon na ako sa mga batang Ito. Nakita ko naman silang huminto at dali-daling nag taas kamay para masuotan ng damit. Minsan kailangan mo talagang takutin ang bata, para sumunod.
"Saan ka pupunta?" Si Ate Lyric ngayon ay nakatayo sa pinto at namumutla, siguro nag puyat nanaman ito ka video call ang maling tao.
"Sinong maling tao nanaman iyan?" Pabirong tanong ko, bigla naman itong umirap at namula ang muka. Burikat 100% halatang proven and tested.
"Wala Ito, si Jasper lang!" Umalis na ito sa tapat ko at nag iwan ng isang maharot na ngiti. Kawawa naman si Ate lyric, manloloko pa naman daw pag 'J' hayst buhay.
Tumayo na ako at nakalimutan ko na may anak pala ako, kaya binuhat ko sila at lumabas na ng bahay. Mabuti nalang din at nagbalik loob na si Rambutski at umuwi na sa pinasok, nuong nakaraang buwan lang sya dumating at dito agad sya dumiretso bago sa bahay nila.
Nuong una nagulat sya na may anak na ako, katagalan gusto nya na din magka anak. May girlfriend na nga sya, Claire Deroso ang pangalan. Pareho silang tao.
"Tara na, ang bagal nyong mag iina!" Bigla nalang nagmamadali itong si Rambutski at nakakalokong nginitian ang mga bata. Ang sarap bigla manakit o kaya mag walk out.
"Sinabihan naman kasi kitang wag na, ikaw itong makulit kaya! Nasaan ba si Clair at magsusumbong ako. Sisiraan kita hanggang sa magkahiwalay at ma depressed ka!" Sigaw ko sakanya, nagmaktol pa Ito at sinisisi sila Haye at Kaye.
"Mga anak mo sisihin mo, niyakap nila ako kanina kaya nauto ako. Mana talaga sa magulang, magaling mang uto!" Umandar naman na ang kotse nya, pero andami paring sinasabi. Puro reklamo pero mas mukang ready pa saamin.
"No! Mommy mine!" Bigla nalang sumigaw itong si Haye at nakipag paluan naman kay Kaye, anlakas mga Tama ng mga batang ito.
"Stop!" Sigaw ko, pero ayaw makinig. Kasalanan Ito ni Rambutski, namigay candy isa lang binigyan. Talagang dimunyo at gusto asarin si Kaye.
"Ayan kasalanan mo, umiiyak na dalawang bata!" Sigaw ko sakanya, sa sobrang ingay nilang tatlo dahil pareho na silang tatlo magulo ay pinahinto ko ang kotse at bumaba ako. Tawa-tawa pa silang tatlo na nakatingin saakin.
"Bakit ka bumaba?" Tatawang tanong ni Rambutski, gusto ko s'yang sakalin at ingudngod sa sahig. Naglalakad nalang ako, dahil malapit narin naman ang park. Nakita ko naman na nilagpasan nalang ako ni Rambutski at pumarada sa paradigm, dahil wala daw pumaparada sa damuhan.
Si Rambutski ang taong walang sense ang bunganga, nakaka irita lang kausapin.
"Don't run, you too are clumsy pa naman." Paalala ko sakanila, hinawakan ko ang kamay nila dahil ayokong ipagkatiwala kay Rambutski dahil may sarili itong mundo. Also, pupuntahan nya na si Claire sa Airport. Nagpahatid lang talaga kami dito sa park na malapit sa mall, wala naman akong balak na gawin gusto kulang I pasyal mga bata.
"What's that?" Biglang turo ni Haye kay Jollibe. Nakangiti naman akong hinarap sya.
"That big bee will eat you, if you let go your mommy's hand." Bigla nalang may nagsalita sa likod ko at ang dimunyong Rambutski Pala.
BINABASA MO ANG
Perseus Brewster [Completed]
RomancePerseus Brewster are barely known as 'Breseus' as the Head Mafia Gang. His names is different from outside and inside at the Company because it's forbidden. He got this white silky skin and well build body that everyone desire, not just girls, but...