Chapter 1

82 9 8
                                    

"Oh ano? Saan, sino bakit sa paanong paraan mins—"

"Magpatulog kayo!!!" Ay, hindi ako na inform na duet kami ni Ate Josefa. Madaling araw na kasi, actually hindi pa talaga 12:36 palang. Wala akong magawang matino at talagang nabuburyong ako. Salamat sa mais na binigay ni Rambutski at nagbonding kami ng banyo.

Sabi ba naman, "Hitong aking mais ang aking tanging maiaalay sa'yo. Sana ay tanggapin mo aking sinta." Nagwala buong bulate sa katawan ko.

Bukod sa panis ang mais, bakit si Rambutski pa ang bubungad sa gate?

Naalala ko tuloy yung Papi sa kabilang baryo. Okay naman siya kaso badboy kuno na... Basta, hindi siya bagay maging badboy.

Pumunta din dito yun, kaso si ate Lyric nilingkisan.

Balik nalang kaya ako sa cotabato? Atlis do'n kasama ko sila Mama. Hindi tulad dito, para akong nakikipag patintero sa dilim. 5 months na yung utang ko sa renta. Pumayag si ate Lyric, kaso basta kaniya na daw yung Papi. As if naman na pagaari ko 'yon.

But pwede rin.

Lagi ako naghahanap ng trabaho, kaso mukang tinataguan ako ng trabaho.

Bwakanang shit.

"Oh?! Gising ka pa? Jusme." Maka reklamo itong si Amira, akala mo naman may pake ako. Bahagya pa s'yang umupo sa tabi ko at ininom ang tubig sa baso.

"Dinuraan ko yan eh" kita ko kung paano ibuga ni Amira ang tubig at hindi nakakatuwa, dahil nagkalat sa sahig. "Kadiri ka Faye!" Kumuha sya ng basahan at sinimulang lampasuhin ang sahig.

"Dsurb beng" Nanlilisik na tingin ang iginawad ni Amira ng marinig nya ang wonderful word ko. Padabog pa s'yang lumabas sa kwatro ko at ibinagsak nang sara ang pinto.

I feel satisfied. Oo. Nakakabuhay ng dugo ang bwisitin si Amira. Muhka kasi s'yang mad monkey.

Bumulong na sa akin ang antok at sinabing," Di ka na naman tatanggapin sa trabaho mo." Personalan, sarap bigla manakit.

Nasabi ko na ba na gusto kong bigwasan lahat nang gamit?

Saktong pagkatayo ko kasi sa upuan, tumama ang noo ko sa nakaawang na pako at hindi iyon nakakatuwa.

"Dsurb beng, hihihi" nakita ko si Amira sa pintuan at satisfied sa nakikita. Gusto ko tuloy siya sakalin, kahit gamit paa, basta madiin.

Muka talaga siyang 'Mad Monkey'. Kahit kyuti ang mga monkey, I still call Amira as Mad Monkey. Yung ugliest version ng monkey.

Humiga ako sa kama and started creating fake scenarios, maladaptive daydream again.

I look at the ceiling and scenarios flashes into my mind.

"You're hired miss Tamadako"

"Miss Tamadako! You're the new ceo—"

"Ay! erase, erase! Hindi pwede ang 'Ceo' ang high naman no'n."

"Miss Tamadako, Mr, *** is looking for you.

Miss Tamadako you may kiss the groom!-"

"Ginoo ko! Anu na naman itong mga naiisip ko, mukang naghalo-halo na."

"Bakit may groom? Naging CEO?"

Gusto ko lang naman matulog. Pinikit ko nalang ang aking mata at inuntog ang ulo sa pader.

"Akala ko makakatulong, makaka sakit lang pala. Sakit tuloy ng ulo ko. Siguro maglilista nalang muna ako nang mga hiring na nakita ko kanina."

1.Wuhanico Enter..
2.Ricardo Build...
3.Brews Corpo...
4.Khasicko Comp...

"Geez, ang dami pero lahat yata mukang rejected ako."

Kanina pa ako nababaliw dito sa upuan, kung lahat pupuntahan ko and mag sa-submit ako ng form, ilan kaya ang tatanggap sa akin?

Siguro naman meron kahit isa... Sana. Jusme.

"Faye! Faye! Fayetangina! Gising na may naghahanap sa'yo! Papi!!" Siguro salamat sa tenga at puso... Sa tenga na nakakarinig at sa puso na humaharot. Automatic na nagising buong maharot na cells ko sa katawan.

Papi nga daw kasi.

"Wait! Ano gagawin ko?!" Natataranta ako at sana ikaw din.

Nabigla ako ng kumalampag ang pinto at sumigaw si Amira. "Wala kang gagawin kung hindi manahimik at ipagkaloob sa akin ang gwapong lalake! Salamat Faye!"

Nasabi ko na ba na sana madulas si Amira sa banyo at mamatay dahil dumugo ang ulo? Pwes, sinasabi ko na.

Bumukas ang pinto at inilabas ang isang magandang ako. Akala ko kung sino at nagawa ko pa na ipaligo ang cologne sa katawan ko. Si Rambutski lang pala. Fish tea!

Kita ko kung paano malaglag ang baso na hawak ni Rambutski at punasan ang laway nya.

"Magandang umaga Binibini." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Ate Lyric.

Bahagya pa akong napatingin sa lalaking katabi nito. Napaka sarap— este, napakaganda ng pananamit nya at hindi ko alam kung bakit ang weird ng pakiramdam ko sa kaniya.

"So this is Sir Breseus, the Owner of Brew Corporation." Masyadong pormal ang pagpapakilala nung lalaki na mukang body guard.

Wait! Hala bakit?? Nag apply na ako sa kaniya?!

"Please enlighten me sir, I'm still in panic." Nakita ko kung paano ngumiti yung 'breseus' kuno. Gaga sya. Hindi ako natutuwa sa kaniya.

Akala ko magsasalita Yung mukang body guard, pero hindi. Nagbigay ito sa akin ng papel at pirmahan ko daw. Sige, aminado na uto-uto kaya pumirma agad ako.

Later ko na na-realize na kontrata iyon. Jusme! Gusto ko bawiin, kaso bawal daw. Sabi nga ni Amira, "Dead mother, dead all." Walang konek at wala talagang kwenta kausap si Amira.

Si Ate Lyric pala ang nag rekomenda sa kanila na naghahanap ako ng trabaho, kaya daw personal na pumunta, kasi hindi nya daw alam. Nagulat lang din daw sya.

Minsan hindi mo talaga naiintindihan ang mga tao. May mga sariling desisyon sa buhay. Tinanong ko kung bakit nila pinapasok, gay'ong 'di naman nila kilala. Papi daw kasi, sayang.

Sumasakit ang ulo ko 'pag ganito ang kasama ko sa bahay.

"Lord, ngayon pa lang, Amen." Sabi ni Juliet, nung biglang luwagan ni Breseus yung necktie nya. Nakita ko yung pagbaba't pagtaas nung Adams apple niya.

Bahagya pang nagtagpo ang mata namin, kaya bigla akong nahiya. 'Di naman makabasag pinggan itong mga kasama ko, kala mo mga angel na hinampas sa lupa.

Marami silang pinaliwanag sa
akin at panay lang ang tango ko, kahit wala akong maintindihan. Pinaliwanag nila yung mga dapat gawin sa loob at labas ng opisina.

So Bali, secretary ako at hindi janitress. I am not saying na ayaw ko ang pagiging janitress, pero ayon kasi inaasahan nilang magiging trabaho ko.

Thanks at mabait si Lord sa akin, kaso mukang mahirap ang gampanin ko, dahil one of the biggest company pala ang 'Brews Corporation." Jusme... Amen."

Perseus Brewster [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon