Chapter 17

21 2 0
                                    

"Good day ma'am!" Bati saakin ni manong guard, wala namang good sa araw ko.

Hindi ko sya tinapunan ni isang tingin at dere-deretsong tinungo ang elevator.

Sino magiging maganda ang araw, kung sa bar ka nakatulog?

Tapos nawalan kapa ng puri sa katawan, jusmeyo marimar sumasakit ulo ko!

Kring!

Biglang tumunog ang cellphone ko at nalaman na tawag ito kay ate Lyric, nakalimutan ko palang contactin sya.

"Bakit kaba kasi umalis? Nag over time ka nanaman sa trabaho?!" Hininaan ko ang volume dahil ang sakit sa tenga ni ate Lyric.

"Hindi ako nag OT." Deretsong saad ko, paano ko ba ipapaliwanag ito?

"Ganto kasi ate, kagabi kasi nakaligtaan ko pumara tapos may an—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sumigaw bigla si ate Lyric sa kabilang linya.

"Ninakawan ka?! Sino nag nakaw sayo?! Babanatan ko!" Walang tigil na pag he-hesterical ni ate Lyric.

Jusmeyo marimar, mali yata na nag kwento pa ko.

"Good morning,Ma'am Faye!" Kakapasok lang ni Grace sa elevator at mukang ganado sa buhay.

Sumasakit ang ulo ko, hindi ko maintindihan ang nangyayari saakin. Hang over siguro talaga ito.

"Okay lang po kayo?" Tanong ni Grace at hinawakan pa ang ulo ko. Cynthia is nowhere to be found at hindi ko alam kung bakit.

I love you, I'm sorry baby.

May bigla nalang salitang na bio sa utak ko, familiar saakin itong salita.

Kaka nood ko siguro ito ng Kdrama.

"Don't mind me, hang over lang ito." Saad ko, tumango-tango naman sya at hinayaan ko na.

Nagbukas ang elevator at pumasok si sir Brewster.

"Good morning sir Brewster!" Ganadong saad ni sir Brewster, hindi halatang masaya si Grace.

"Good morning, Sir Brewster." Deretsong saad ko. Nakita ko pa kung paano sya natigilan, false alarm nanaman pag nag assume ako.

"What—hays, nevermind." Saad ni sir Brewster at katahimikan nalang ang bumalot sa loob ng elevator. Wala ni isang humamak na magsalita.

Nakarating na kami sa 11th floor at nauna akong lumabas, hindi ako lumingon o kung ano kay sir Brewster.

Tumunog naman agad ang cellphone, kaya wala na akong nagawa kundi ang pumasok sa office at sagutin ang tawag.

"Hello?" Sagot ko, isang hikbi ang narinig ko mula sa kabilang linya. Kumabog bigla ang dibdib ko.

"F-Faye si Almira, P-patay na." Hindi ko alam kung anong nasaisip, kusang kumilos ang katawan ko at wala na talaga ako sa tamang pag-iisip.

"S-saglit lang ate Lyric ha? Kukunin kulang y-yung ano, duong sa ano ko." Saad ko at pinatay ang tawag, bumalik nalang ako sa wisyo ko at natagpuan ang sarili sa tulay.

Nandito ako ngayon sa tulay at nakatanaw sa kung saan, hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot akong puntahan si Almira, natatakot akong makita ang malamig na katawan ni Almira.

Pumunta nalang ako sa malapit na karinderya at uminom ng kape, pagkatapos ay inayos ko muna ang sarili ko bago tunguhin ang hospital.

"A-ate Lyric?" Kumatok ako sa pintuan at natagpuan ko si ate lyric na naka dukdok ang ulo sa lamesa.

Tahimik ang paligid at wala na akong naririnig na makinang tinutunog, bukod sa mahinang paghikbi ni Ate Lyric.

"Ate Lyric, si Almira?" Mahinang bigkas, sapat na para itaas ni ate Lyric ang ulo nya at humagulgol ulit.

Perseus Brewster [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon