Chapter 22

13 2 0
                                    

How to be you again?

Paano ko sisimulan ang bagay na naumpisahan?
Paano ko tatapusin, kung sa mata ng lahat ay tapos na?
Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo, saakin napupunta lahat ng problemang ito?
Hindi paba sapat lahat ng pinagdadaanan ko?

Mula dito sa apat na sulok ng kwarto ay umiikot ang isip ko sa mga taong nasa labas. Mga taong bigla nalamang namaalam, mga taong minsan ay aking na demonyo.

Habang hawak ko ang puting rosas ay patuloy parin ako sa aking ginagawa, ang mag muni-muni. Gusto kunang umalis sa hospital na Ito, bukod sa hindi pa pwede ay wala na akong rason para bumalik kila ate lyric.

Gusto ko man pumunta kila mama ay imposible na, hindi na doon nakatira si mama. Sinunod daw ito ni tita at pumunta sa probinsya na hindi ko alam.

Malay ko ba na may probinsya pa sa isang probinsya.

"Ms.Faye, oras na po." Pagkasabi nuong nurse ay biglang tumunog ang ventilator ni Haye, dahilan upang mag panic ang utak ko. Tumigil ang oras sa paligid, mahihinang iyak ang aking narinig. Huni ng alitaptap ang namutawi saan mang sulok.

May huni ba ang alitaptap?

"Hindi nya na po kinaya." Malungkot na saad ng nurse at may kung anong binunot sa likod. Hindi ko maramdaman ang akin sarili, parang ulan na lumha ang aking Mata at walang tigil akong nagsasalita na miski ay hindi maintindihan.

"A-Ano pong nangyayari sainyo?!" Madaling tumakbo ang nurse palabas at iniwan akong mag isa, tinanaw ko si Haye at mahimbing parin na natutulog.

Ngayon ay lito parin ako sa sinabi ng nurse, Kung hindi si Haye ay maaring si ate lyric.

"H-Hindi!!!" Malakas na sigaw ang iginawa ko, dumating ang doctor na nuong nag aya saaking hawakan ang junibibs nya.

Dali-daling chineck nito ang aking heartbeat, tinignan ang paningin ko at kung ano-ano pa.

"Ano bang nangyari dito Minda?" Tanong ni doc sa nurse. Minda Pala ang pangalan nya, pang matanda. name shamer ako.

"K-Kasi Ford, yung bulaklak na pinalagay nya sa vase namatay. Kaya sabi ko hindi na kinaya." Gusto ko bigla manakal ng nurse, akala ko naman kung sinong namatay o kung sinong hindi kinaya.

Maiyak-iyak akong tumingin sakanya at dinuro sya.
"Hindi mo sinabi kung Tao o bagay!"Sigaw ko sakanya at umambang tatayo, ngunit pinigilan ako ng doctor.

"S-Sorry, bigla ka kasing umiyak." Nakayukong saad ng nurse at nanahimik muli sa gilid.
Minasahe naman nang doctor ang ulo nya at hinarap si Minda/Nurse.

"Alam mo naman na Mahal kita Minda, pero wag naman ganto na pati ako aatakihin sa puso!" Nakita ko kung paano mag hulmang puso ang mata ni Minda. Mga burikat na frog.

"S-Sorry Mahal." Saad ni Minda at mabilis na yumakap sa doctor, pakiramdam ko tuloy ako ang kontrabida sa kwento.

Nagyakapan sila at ninamnam ang isat-isa, bago tuluyang humiwalay ay humabol pa nang isang mahigpit na yakap si Minda/nurse.

"Sana all may kayakap."Mahinang usal ko at inihiga nalang ang sarili sa kama,hindi ko kayang tagalan ang mga gantong eksena. Naiingit ako.

"Kaiingit ba?" Bigla nalang may bumulong sa aking tenga, isang malalim na boses at batid ko kung kanino nanggaling.

Dahan-dahan akong humarap sa likod at inaasahan ang muka ng lalaki na aking sinisinta.

"Mas. Faye, bakit ka po nakangiti?" Takang tanong saakin ng nurse, inismidan ko Ito at binalik ang sarili sa pagkaka tulog.

Lagi nalang si brewster ang lumilipad sa isip ko, hindi ba sya napapagod? Ako kasi napapagod kakaisip sakanya, kaka imagine ng mga imposibleng mangyari.

Kailangan kaya nya iisipin ako, yung tipong mababaliw sya kasi hindi nya nakikita ang maganda kong muka.

Kamusta nadin kaya si Rambutski?, Grabe sana pala kay Rambutski nalang ako nagpa buntis, mas maaasahan pa iyon. Hindi iyong ganto na parang nangangapa ako sa dilim, yung tipong mulat mata ko pero nagbubulag-bulagan ako.

"Hay nako Faye." Pagkausap ko sa sarili ko, bakit ko nga ba kinakausap ang sarili ko?

Gusto ko sana na magpahinga, kaso ang mga burikat ay walang privacy at dito pa naghaharutan. Akala siguro nila tulog ako, porket nakahiga.

"Ehem!" Malakas akong umubo at nakakatawang naalarma sila, mga huli pero hindi kulong.
May nalaglag pa na kung ako sa sahig, balak pulutin nuon nurse kaso nagkasabay sila nuong doctor.

Sana lahat ganto kadali lang ang lovelife,hindi yung parang pinag dadamot sayo ng tadhana lahat. Kahit kaibigan hindi pinaawat ng tadhana,pinatay nya lahat.

Wala manlang paalam na kukunin nya si Almira like, 'kunin kuna ha?' kahit ganun manlang. Medyo nakaka bastos,pero atlis nagpaalam.

"Sabog kaba?" Mula sa sulok ay wala akong pakeelam sa nurse, pero pinapakeelaman nya ako. Kanina pa pala ito nakatingin saakin at tila gandang-ganda nanaman, alam ko na me is beautiful everytime.

Katabi kulang ang Operation Room, kaya narinig ko ang mga pangyayari dito, mukang May o-operahan at nagkakagulo nanaman.

On the count of three!

One! Tw—

Sir! After or before mag three?!

After!

Mabilis na count po ba?!

Three!

Omaygosh mabilis na count!

Sabi After, before yun sir eh!

Everything becomes a music into my ears, ganun pala talaga ang buhay parang life. Ang gulo-gulo.

Hindi ko alam, pero yung leader sa operation room May sapak. Hindi nililinaw mga bagay-bagay, bigla nalang nag desisyon buti buhay pasyente.

Perseus Brewster [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon