Chapter 19. Tagaytay part 2. Stroll

11 3 0
                                    

Aurora's POV

Pagbalik ko sa cottage tanging si Vin at ang kasama niyang si Dhiena na lang ang naabutan ko.

Naririnig kong pilit niyang inaaya si Vin na mag stroll. Napansin kong walang gana si Vin at halata sa mukha nito na naiinis siya. Hindi ako sigurado kung dahil nakukulitan siya kay Dhiena o marahil may ibang dahilan.

Speaking of, nakasalubong ko si Dessy at ang Bryan na bago nga daw niyang kaibigan at nagpaalam na mag'i'stroll sila. Hindi ko naman na pinigilan dahil mukha namang kaya pa nung Bryang yun ang mag drive. At alam ko namang hindi basta'basta gagawa ng action ang kapatid ko kung hindi niya alam ang ginagawa niya. Malamang may mga pinaplano na naman yun. At speaking of plan, OMG! I knew it! Matalino talaga tong kapatid ko. Pinagseselos niya si Vin kaya ganito na lamang ang mood niya ngayon. Well, effective idea mo sis. Kung nakikita mo lang expression ng mukha ni Vin, for sure tuwang'tuwa ka. At ito namang inggiterang babae ay pinipilit ding ayain mag stroll si Vin. Ayaw patalo. I like her fighting spirit... Tss. Hindi rin naman ata papakabog sister ko sa babaeng to noh.

Shocks! Ano ba tong nangyayari sakin, ano ba tong mga naiisip ko. Parang hindi ako to. Gosh! Impluwensya ba to ng alak? Oh! No!

Sinampal-sampal ko sarili ko upang mahimasmasan ako. Mukhang tinamaan din ako ng beer na yun.

Brace yourself Keith!

Hindi ko nalang sila pinansin instead umupo na lang ako sa may diving/jumping area ng cottage. Medjo makulimlim naman kaya hindi masyadong mahapdi sa balat ang araw.

Maya-maya'y may narinig akong familiar voice na nanggagaling sa di kalayuan. It took me seconds to realized that it was Rain and Storm having fun in the middle of the sea while in a small boat. Nakakatuwa silang tingnan. Halatang in love na in love sila sa isa't-isa. I can't help kundi kiligin din sa ginagawa nilang harutan sa gitna ng mga alon.

While watching them, bigla nalang pumasok sa isip ko si Kenneth. Hindi ko alam pero namimiss ko siya ngayon. Siguro dahil madalas din kaming mag date sa mga beach resort dati. Nakaupo sa buhanginan at pinanonood ang paglubog ng araw. Nakasandal ako sa balikat niya habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin at naririnig ang bawat pintig ng kanyang puso na dati ay ako ang nilalaman.

"Hayst... Kainis ka Kenneth... Bakit ba kita naiisip? At bakit ba namimiss kita na dapat nga ay kinamumuhian kita."

"Dapat mo lang siyang kamuhian dahil niloko ka niya."

Nagulat ako ng bigla kong marinig ang boses ni Carl. Napalingon ako bigla at tumambad nga sa harap ko si Carl habang nakapamulsa at pinagmamasdan din sina Rain at Storm. Walang reaksyon ang kanyang mukha.

"Carl, kanina kapa ba dyan?" Kinakabahan kong tanong.

"Not really, I just saw you alone kaya nilapitan kita."

Ha? Ano daw? Alone? Eh nasa lamesa lang Sina Vin at Dhiena ah. Sumilip ako sa lamesa at wala na nga doon ang dalawa. Ako na nga lang mag isa. Tss... Malamang napilit ng bruhamg yun si Vin na mag stroll.

"Care to spare me your time?" Tanong niya at bigla naman akong natauhan. Parang natanggal ang pagkalasing ko dahil sa sinabi niya. Bat ang seryoso niya ngayon? Hindi ako sanay na ganun siya, epekto ba din yun ng beer? I think so.

"Teka, e diba dapat sinasamahan mo ngayon si Sunshine sa kwarto?" Tanging tugon ko nalang.

"Don't worry, pinatulog ko muna siya, besides andun din ngayon si Thunder sa room. May kasama siya kung sakaling may kailanganin siya." Pagpapaliwanag niya.

" Ah... Okay. " Sabi ko nalang. I'm so hesitant pa din na mag oo pero parang wala din akong takas.

"So, tara?" Sabi niyang ganun sabay abot ng kanyang kamay.

The Return of the Wimpy kids that turned into Hottest TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon