Aurora's POV
Kararating ko lang sa school at saktong narito na din ang mga bus na sasakyan namin. Kung hindi ako nagkakamali, may sampung school bus akong nakikita ngayon.
Narito na din ang ibang estudyante at tulad ko, lahat sila excited.
And by the way, may bahay kami sa Samley. Ang totoo niyan, doon nag elementary si Dawn. Kaso nga lang never pa akong napunta dun dahil mas pinili kong mag-aral dito sa Manila. That's why I'm so excited to get there for the first time.
Naikwekwento lang ito dati sakin ni Dawn. And I can't believe finally makakapunta na ako dun. Madami ding kwento si Dawn tungkol sa Hacienda de Caspe dahil doon daw sila madalas maglaro nung mga bata pa sila. Mga panahong lampa pa si Vin at Carl.
Speaking of Carl, narito na din sila. Kararating lang. As usual, kasama niya mga tropa nila.
Bakit parang patagal ng patagal papogi ng papogi tong damuhag na to. Samantalang ako, palapit ng palapit ang graduation parang nagiging manang na ako dahil sa mga school works and activities.
"Hi Keith!"
Bigla akong natauhan ng batiin niya ako. Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala sila. Ganon ba ako katagal napatulala sakanya kaya diko namalayan ang paglapit nila? Gosh!
"Oh! Hi---Carl." Awkward kong tugon.
"Hi, Sunshine, Rain, Storm, Thunder." Lahat ko na lang sila binati para maalis ang awkwardness. Mabuti nalang at nagresponse sila kundi mapapahiya ko pa sarili ko.
"Attention everyone!" Napalingon kami lahat sa pinanggalingan ng boses na iyon. And it was sir Rex. Narito na din pala siya.
Agad kaming nagsilapit sa kanya at pinalibutan siya.
"Timecheck, it's already 6:30 am. Tell your classmates who's not here yet to be here before 7 because at exactly 7 aalis tayo." Pag-aanunsyo ni sir. Napatingin ako sa aking watch and it's 6:31 already.
"Okay, since you're already here, pwede na kayong sumakay sa mga respective bus ninyo. Class prefects, monitor the attendance please." Biglang nagsipagtakbuhan at nag-unahang sumakay sa mga bus ibang mga estudyante.
Naku naman. Nasobrahan ata sila sa excitement. Ako nga chill lang ket ang totoo sobrang excited na din ako. Hahaha
"Tara na Aurora." Nagulat ako ng hilahin ang kamay ko ni...
Sunshine?
"Nasa unahan daw ang bus natin." Dagdag niya pa habang hinihila pa din ako.
Excited din yarn? 😆
Wala na akong choice kundi sumunod na lang sa kanya kahit bigat na bigat ako sa dala kong sling bag. Dalawang bag dala ko, isang backpack at isang malaking sling bag—na bitbit ko ngayon.
Pagdating namin sa bus, napansin naming nasa labas pa din ang aming mga kaklase.
Ano kaya nakakadelay? Anong oras na.
Nakita kong nasa loob pala ang class prefect namin at may hawak na papel.
Ngayon tinatawag na niya dala-dalawa ang mga kaklase namin.
So, it must be the sitting arrangements.
I wonder kung sino magiging katabi ko.
"Aurora Keith and Eugene Carl."
What? Tama ba narinig ko?
Shocks!
Bigla akong napatingin kay Sunshine na katabi ko pa din ngayon and as expected, nakanganga din siya ngayon.
BINABASA MO ANG
The Return of the Wimpy kids that turned into Hottest Teens
RandomThis is a story of cousins who used to be wimpy kids and turned into hottest teens. They promised to their childhood friends that they won't leave Philippines but still they did. After 5 years studying High School in the US, They will now return to...