Carl's POV
Well, matapos lumabas ni Keith sa Headquarters tumuloy na din ako sa location ng marriage booth namin. Nag chat na kasi si Sunshine na nag order na sila ng pagkain at ako nalang ang hinihintay nila.
As expected, while I'm on my way is halos lahat napapalingon sakin. Hindi ata sila nagsasawa na titigan ang kagwapuhan ko. Pero sa pagkakataong ito, pansin ko na parang kilig na kilig sila at may kung anong pinagbubulong bulongan.
Ilang saglit lang nakarating na nga ako sa location at wala pang mga estudyante dahil pansamantalang sinara kasi lunch time.
Nasa Pavilion ang location ng Marriage booth namin at denesign namin na parang small chapel dahil hindi rin naman kasi masyadong malaki yung pavilion at tama lang talaga para sa location ng Marriage booth.
Nilagyan namin ito ng red carpet to serve as aisle towards the altar. Saktong plastic chairs lang ang nilagay namin as design para mas magmukhang chapel. Nilagay din yun para kung sakaling may gustong maka witness o manood sa ikakasal ay may mauupuan sila, kaso nga lang may bayad.
50 pesos ang bayad sa pag request sa ikakasal at 30 pesos naman kung gusto mong manood. May additional fee rin kung gusto niyong mag take photos sa loob.
Ang mahal noh? pero para sa mga estudyante dito hindi pa yan mahal. Dahil halos ng mga estudyante dito ay mayayaman. Hindi ka naman makakapasok dito kung di ka matalino at mayaman kasi nga malaki ang tuition fee. Sulit lang din naman dahil mataas ang standard ng school namin at maganda rin ang quality of teaching.
By the way, Pano ka naman mag rerequest? kung may barkada kang torpe o barkadang gusto mong pag tripan. Pwede mo siyang i request sa kung sino man ang type niya o pwedeng kahit kanino, trip trip niyo lang.
Ang maganda pa dun ay di alam ng taong ni request mo na dadalhin siya sa marriage booth at di niya malalaman kung kanino siya ikinakasal hangga't dipa sinasabi ng mag a-act na pare na "you may now kiss the bride" Kasi naka blind fold sila pareho.
May mga tagahuli kaming in-assign na maghahanap sa magkapareho para dalhin sa marriage booth. At kapag pareho na silang andun, mag i-start na yung ceremony. May naka prepare namang belo at boquet sa bride para mas feel nila yung kasal. May taga alalay nga lang sa kanya. kasi nga naka blind fold sila pareho. at higit sa lahat, di mawawala yung singsing na gagamitin nila sa exchange of vows. Ha? may exchange of vows pa talaga eh di nga pala nila kilala kung sino nasa harap nila. ah basta, sila na bahala dun kung anong sasabihin nila.
Hehe...
kaya nga pala medjo mahal din yung bayad kasi pinampupuhunan sa mga singsing. Yung mga mabibili lang na tigsampung piso.
"What are we waiting for? let's eat!"
Sabi ni Dawn na halatang gutom na tulad ko.Ginawa muna naming lamesa yung nagsisilbing altar namin kasi yun lang naman yung available dun maliban sa maliit na lamesa na nasa front to serve as front desk.
"Wala pa naman si Sunshine ah." sabi ko ng mapansin kong wala nga si Sunshine
"Ay! Oo nga pala, nauna na siyang kumain kasi bigla siyang pinatawag ni Ma'am Chavez dahil may ipapagawang importante sa kanya. Ang tagal mo kasi kaya di kana niya nahintay." Pagpapaliwanag ni Dawn.
"Ganon ba?" nasabi ko na lang at lumungkot expression ko. nakakakonsensya naman na kaya pala kanina pa niya ako chinachat kasi nagmamadali nga talaga siya.
Matapos kaming kumain, nagsimula na nga ulit yung operation namin. Ilang saglit lang ay dumadami na yung lumalapit samin at nag rerequest. Halos naka pila na sila ngayon.
BINABASA MO ANG
The Return of the Wimpy kids that turned into Hottest Teens
RandomThis is a story of cousins who used to be wimpy kids and turned into hottest teens. They promised to their childhood friends that they won't leave Philippines but still they did. After 5 years studying High School in the US, They will now return to...