Chapter 23. All about the truth.

8 2 0
                                    

Thunder's POV

"Kuya! Sama daw ako sayo sa academy."

Kalalabas ko lang ng bathroom at bumungad sa harapan ko ang grade 6 kong kapatid na si Mavie. Dalawa lang kaming magkapatid at pareho pa lalaki kaya sobra kaming malapit sa isa't isa.

"Wala kang pasok ngayon?" Tanong ko sa kanya na ngayon ay nakaupo na sa couch na nasa gilid ng kwarto ko. Agad siyang nagbuklat ng libro at nagbasa. Simula atang matuto siyang magbasa ay naging hobby na niya ang pagbabasa ng mga fictional novels and manga.

"Wala atang narinig a." Maang kong sambit.

"What, what was that again, kuya?" Pagpapaulit niya sa sinabi ko at kunwareng nagkamot ng kanyang ulo.

"Kako kung wala ba kayong pasok ngayon."

"A! Wala. May meeting at activities daw mga teachers namin." Tugon niya at muling bumaling sa kanyang pagbabasa.

"Bakit hindi ka nalang kay mama sumabay?"

"Nagmamadali siya e." Tipid niyang sagot at bumalik ulit sa pagbabasa

Hindi na ako nagtanong muli at hinayaan na lang siyang magbasa. Nagbihis na din ako at umalis na kami ng bahay.

"Kuya, saan po ba ang library niyo dito?" Tanong agad ni Mavie ng makapasok na kami sa main entrance ng Academy.

"Over there!" Tugon ko at tinuro ang kinatatayuan ng gusali ng library.

"Good morning Prince Thunder!"
"Good morning Prince Thunder!"

Sabay na bati ng dalawang babaeng nakasalubong namin.

"Wow! Kapatid mo?" Tanong ng isa sa kanila. Napahinto sila pareho ng mapansin si Mavie.

"Oo." Tipid kong tugon at awkward na ngumiti.

"Ang cute naman. Nagmana sayo!" Sulsol pa nung isa.

Napangisi na lang ulit ako bilang pag appreciate sa kanilang papuri.

"Bye cutie baby boy, bye Prince Thunder!" Pagpapaalam nila at umalis na nga.

"Ako? Baby boy? Hindi na ako baby noh!" Natawa nalang ako sa inasta ni Mavie dahil talagang itinaas pa niya ang kanyang isang kilay dahil sa pagsalungat sa sinabi nila. Halata sa kanyang expression ang pagkainis. Hindi ko akalain na maooffend siya sa sinabi nung dalawang yun.

Inakbayan ko siya at binulungan"Wag mo nang pansinin yun. At isa pa, ikaw naman talaga ang baby boy namin sa bahay e." Pangsusulsol ko na lalong nagpainis sa kanya. Dahil dun, tinanggal niya ang pagkakaakbay ko sa kanya at padabog na naglakad palayo. Napatawa na lang ulit ako dahil sa kinilos niya. Itong bata talaga oh.

"Saan ka pupunta?" Pasigaw na tanong ko dahil medjo napapalayo na siya.

"Library!" Tugon naman niya ngunit halata pa din sa tono niya ang pagkainis.

Mukhang kaya naman na niya kaya hinayaan ko na lang siyang gawin ang gusto niya. At isa pa, kailangan ko nang pumasok dahil ilang minuto na lang magsisimula na ang first period namin.
.
.
.
.
.
.
"Hanep tol! Viral ngayon ang video niyo ni Dawn kahapon a." Natatawang sambit ni Storm kay Vin at inakbayan niya ito.

Katatapos lang ng huling period namin sa umaga at saktong nakasalubong namin sa hallway si Vin habang naglalakad kami pabalik sa HQ namin upang mag lunch.

"I don't know what comes into my mind and nagawa ko yun sa kanya. I was also surprised." Saad ni Vin at huminto siya sa paglalakad kaya napahinto na din kami.

"But you know what bro? Yung feeling na gusto kong ulit-ulitin yun."

"Nakaka adik din pala ang humalik e, no?" Dagdag pa niya at napailing-iling pa ng kanyang ulo.

The Return of the Wimpy kids that turned into Hottest TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon