Carl's POV
1 week na mula nung nag outing kami sa Tagaytay and everything has been back to normal again. Regular na ang klase meaning back to acads life na naman.
Friday na ulit ngayon.
I'm here at the library with Sunshine kasi vacant namin. Alam niyo naman na studious siya kasi may mini'maintain siyang grade. You know, candidate for valedictorian siya.
Tinititigan ko lang siya ngayon habang nakatukod ang mga kamay ko sa mukha ko. Nagbabasa siya at pilit ko siyang dini'distract sa pagpapacute ko and I think success naman kasi huminto siya at tiningnan ako.
"What?" Nang aakit kong tanong sabay kindat.
Hindi siya sumagot at bumalik na lang siya ulit sa pagbabasa. Napansin kong umangat kunti yung labi niya. Sa tingin ko nagpipigil siya ng ngiti.
"Alam mo bang masama pag pinipigil ang kilig?" Banat ko pa at napahinto siya uli. Sa ngayon hindi siya tumingin sakin at nanatili lang siya nakafocus sa libro.
"Sino nagsabing kinikilig ako?" Tugon niya at binilisan niya ang pag flip ng mga pages ng libro.
"Kung hindi pala ba't namumula pisngi mo Shine?" Dagdag ko pa at pilit nanaman siyang inaakit.
Tumayo siya at tumungo sa mga bookshelves upang isauli yung librong binabasa niya.
Napangiti na lang ako dahil sa inasal niya. Tumayo din ako agad at sinundan siya sa mga bookshelves. Nasa kabila ako at ngayon ginagaya ko naman kung ano ang kinikilos niya. Maya-maya ay hindi niya na napigilan at natawa na siya.
"Carl!" Naiirita niyang sabi pero nakangisi.
"What?"
"You know what? Balikan mo na lang kaya ako mamaya." Sabi niya nang nakangiti pa din.
"Nope! Sasa..."
"Sige na, please? hindi ako maka'focus dahil sa ginagawa mong pagpapacute. Alam ko naman dati pa na cute ka, hindi mo na kailangang patunayan." Hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla siyang sumingit.
"Okay, ibibili muna kita ng snacks." Sabi ko at tumalikod na nga. Narinig ko pa siyang nag chuckle.
"Wait!" Sabi ko at lumingon ulit.
"What do you like for snacks?" Tanong ko sa kanya at nag shrug lang siya.
Well, alam ko nga naman kung ano mga favorite niya. Napakamot na lang ako sa ulo ko at tumalikod na ulit.
Agad na akong nagtungo sa cafeteria at nag order ng sandwich at milk tea wintermelon. Nakasabayan ko pang bumili si Dhiena at nag hi siya. Nag bow nalang ako as my response para hindi na humaba conversation namin.
Nang malapit na ako sa library, biglang tumunog phone ko. Agad kong kinuha sa bulsa ko at binasa kung saan galing ang nareceive kong message.
Keith:
~Care to spare me your time? I need your help!
Me:
~Where you at? I'll be there!
Keith:
~I'll send you my location.
"Carl!"
Nagulat ako ng biglang may tumawag sakin.
"Yeah bro." Tugon ko nang mapagtanto kong si Thunder pala. Naglalakad siya sa direction ka habang nakapamulsa.
BINABASA MO ANG
The Return of the Wimpy kids that turned into Hottest Teens
RandomThis is a story of cousins who used to be wimpy kids and turned into hottest teens. They promised to their childhood friends that they won't leave Philippines but still they did. After 5 years studying High School in the US, They will now return to...