Chapter 22. Sabwatan

10 3 0
                                    

Dawn's Pov

Ang daming mga nangyayari saming magtrotropa ngayon. Kamakailan lang napag alaman naming magkababata pala si kuys Carl at ate. Tas naging busy sila ni Vin sa workshop nila for modeling sa Sunshine Entertainment and Film Production Co. na partner ng company ng Daddy niya. At nitong nakaraan nga lang ay napag-alaman naming mommy pala ni Sunshine ang CEO and owner ng SEFPCo. Ang mommy niya na ayaw niyang pinag uusapan simula pa man nung mga bata pa kami. Malaki ang galit niya dun.

Anyway, tapos nang mag workshop si Carl at Vin kaya this week papasok na ulit sila ng school.

Boring itong nakaraang linggo kasi madalas ako lang mag isa. Busy sa lovelife nila si Rain at Storm. Samantalang palagi namang nakabuntot si Thunder kay Sunshine. Minsan nga napapaisip na ako dito kay Thunder na baka more than friend na ang nararamdaman niya kay Sunshine. Pero halata namang si kuys Carl lang ang laman ng puso ni Sunshine.

Gayunpaman, madalas naman akong pinupuntahan ni Bryan tuwing dismissal at maggagala kami. Minsan nagtatambay kami sa rooftop. Dahil nga sa kanya unti-unti ko nang nawawaksi sa isip ko si Vin. Masasabi kong napapasaya niya ako sa mga sandaling magkasama kami. Hayst! Ewan ko na lang kung ano masesay ng heart ko.

Dumiretso na ako sa room dahil around 7:15 na ng makarating kami ni ate dito sa school gawa ng traffic. Halos andito na din lahat mga kaklase ko at sa katunayan nga ay ang iingay nila ngayon. Napabuklat na lang ako sa hindi ko matapos tapos na pocket book at nagbasa.

Hindi ko pa natatapos ang isang page ay napansin kong tumahimik ang buong paligid.

Nagtaka ako kaya napahinto ako sa pagbabasa at inalam kung ano ang nangyari.

Nagulat na lang ako kasi nasa harap ko na si Vin at may dalang bouquet. Pinagtititinginan na kami ngayon ng mga kaklase namin at lahat sila kilig na kilig sa amin. Ang hindi nila alam hindi pa rin kami okay hanggang ngayon.

Gosh! Diko alam kung ano magiging reaksyon ko. Shemay! Ang pogi pogi niya ngayon. Alam kong dati na siyang pogi pero mas pumogi siya ngayon. Nananaginip ba ako?

Kinagat kagat ko pa ang dila ko para lang maconfirm ko kung panaginip lang ito o hindi! Sh*t totoo nga. Nasa harap ko talaga siya ngayon, ang sakit e.

Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa at napapalunok na lang ako ng malagkit na laway. Shocks! Umayos ka girl. Baka masamid ka ng sarili mong laway nakakahiya.

Namalayan ko na lang na inaabot ko na yung bulaklak.

"Thanks!" Sabi ko na lang. Diko na alam sunod kong sasabihin. Mabuti na lang dumating na ang instructor namin.

Hayst, salamat naman dahil gusto ko na lang magpakain sa lupa dahil sa nararamdaman kong kilig ngayon.

Umupo na siya sa upuan niya na nasa dulong row at nagsimula na ding mag discuss teacher namin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Katatapos lang ng last period namin this morning at naglalakad na kami ngayon ni Vin sa hallway. Dala-dala ko yung bouquet na bigay niya. Pareho kaming di nagsasalita, ni hindi nga namin alam kung bati na ba kami o ano. Ang alam ko lang, super duper awkward ang tagpong ito. Hayst... Do something self.

Ano kaya, aayain ko ba siyang kumain sa cafeteria? Sasabihin ko ba sa kanya na ang pogipogi niya ngayon? Kukumustahin ko ba siya tungkol sa modeling career nila ni Carl? Gosh! I don't know what to say!

Oh em ji! Naririnig ko ang paglunok niya ng laway! Ganon na ba talaga kami katahimik na kahit ang paglunok niya ng laway dinig na dinig ko na din? Hayst! O baka naman may sasabihin din siya sakin? Luh! Assuming ka girl? Tss.

Hindi ko alam kung nangusap ang mga utak namin dahil pareho kaming napahinto sa paglalakad.

"Cafeteria tayo?" Tanong niya pero nananatili pa din kaming nakatingin lang sa hallway.

The Return of the Wimpy kids that turned into Hottest TeensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon