Sunshine's POV
Matapos ang mga revelation ng sabwatan ni Dhiena at Bryan, nagsiuwian na din kami.
Bakas pa din kay Dawn ang pagkagulat sa mga isiniwalat ni Bryan, gayung hindi niya lubos na naisip na magagawa niya iyon sa kanya. Well, kahit naman kami gulat na gulat din. Subalit gayunpaman, batid niyang naging biktima lang din si Bryan ng mga maling desisyon ni Dhiena. At alam niyang mabuting tao ito kung kaya't pinatawad niya ito agad.
Humanda si Dhiena sapagkat hindi ito palalagpasin ni Rain.
By the way, nasa byahe pa kami pauwi sakay ng kotse ni Rain.
Mula sa kalayuan, natanaw namin ang dalawang unfamiliar na sasakyan sa labas ng mansion nila Rain. And one of it looks like brand new.
"Do we have visitors? What's with the cars?" Rain asked in surprise.
Well, same question came up to my mind. I'm also curious about it. Who might it be?
Like in this hour?
Bumusina si manong at ilang saglit lang bumukas na ang gate.
Pagkababa namin ng kotse, mistulang mall ang sala sapagkat nakabukas lahat ang ilaw.
"We're home!" Masayang sambit ni Rain.
Sumunod na rin ako sa kanya subalit ang kasunod na nangyari ay nagpalambot ng aking mga tuhod. Parang biglang dinaganan ng isang sakong bigas ang aking dibdib sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. Ito'y gawa ng nakikita ko ngayon sa aking harapan.
Nasa couch ang aking ina kausap si tita Gayle and tito Marlon.
"Anak." Sambit niya agad ng makita ako at tumayo para lumapit sa akin. Bago pa man siya makalapit ay hindi ko napansin ang aking pag atras. Namalayan ko na lamang na patakbo na akong umaakyat sa hagdan patungo sa kwarto.
"Tita Gracian?" Dinig ko pang tanong ni Rain bago ako tuluyang makapasok sa kwarto.
"What is she doing here?" Naguguluhan kong tanong sa aking sarili.
"Matapos niya akong pabayaan at tiisin ng mahigit isang dekada, ngayon bigla siyang magpaparamdam at babalik sa buhay ko, para ano? Para magpaka-ina? Hindi ko pa siya kayang patawarin sa ngayon. At diko alam kung kakayanin ko." Habang sinasabi ko ang mga ito, umupo ako sa desk ko at tumingin sa salamin na naroon.
"Ngayon ka pa ba magiging marupok, girl? nasanay ka ng wala siya. Lumaki kang wala siya. Nung mga panahon na kailangang kailangan mo siya, wala siya. Andami mong luha na sinayang sa pangungulila sa kanya. Gabi-gabi mo ipinagdarasal na balikan niya kayo ng ama mo subalit namatay nalang ang iyong ama hindi niya ginawa. Wag mong kalimutang ipinagpalit niya kayo sa pera at kayamanan. Kaya hindi ka magiging marupok for tonight! Brace yourself, pull yourself. Nakaya mong wala siya, kakayanin mong wala siya."
Habang kinakausap ko ang sarili ko, biglang bumukas ang pinto at pumasok si Rain.
"Umalis na siya." Aniya and she pouted.
Hindi ako sumagot at bumalik ang tingin sa salamin. I carefully stared at myself while thinking how far I've gone through.
"She gave this to me and wanted to give it to you." Tiningnan ko kung ano ang tinutukoy niya.
It's a car key.
Wala akong gana masurprise and matuwa. Ni hindi ko alam kung tatanggapin ko ito.
Diko kailangan ng kotse lalo na kung galing lang sa pera ng asawa niya. No way! Parang tinatraydor ko ang aking ama.
"I'll just put it here." Wika ni Rain at inilapag ang susi sa maliit na cabinet sa ilalim ng tv then lumapit siya sakin. Umupo siya sa kama kung kaya't humarap ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Return of the Wimpy kids that turned into Hottest Teens
RandomThis is a story of cousins who used to be wimpy kids and turned into hottest teens. They promised to their childhood friends that they won't leave Philippines but still they did. After 5 years studying High School in the US, They will now return to...