Vin's POV
Napatigil kami saglit ni kuya at nagtinginan... Maya maya pa'y lumabas ang isang babae mula sa loob ng Tree House.
Tinitigan namin siya at ganun din siya samin, pansin kong pilit niyang nirerecognize kung sino kami...
"Yaya?" basag ni kuya sa katahimikan?
nakita kong medyo na confuse si yaya at ilang saglit pa.....
"Eu-- Eugene, Ralph? kayo na ba yan?!"
utal utal na banggit ni yaya sa pangalan namin tsaka tumili at nagmamadaling bumaba ng hagdan.
Pinisil pisil niya mukha namin tsaka niyakap niya kami pareho.
"Grabe, kayo na ba talaga to?" di makapaniwalang tanong niya ulit samin.
Tumitig siya ulit samin tsaka sabay yakap nanaman... Alam kong miss na miss na kami sobra ng yaya naming ito dahil siya talaga halos nag alaga samin at nakaramay na rin namin.
"Yaya, oo naman. Kami lang 'to!"
Sagot naman ni kuya ng bumitiw na si yaya sa pagkakayakap samin...
"Grabe talaga, laki ng pinagbago niyo... Mas matangkad na kayo sakin ng ilang pulgada at ang popogi niyo... Mas naging pogi pa kayo ngayon at infairness, ang angas na ng dating niyo ngayon...He he he."
"Yaya naman eh. Alam ko namang maangas na dating namin ngayon pero bakit kailangan mo pa talagang sabihin yun... May naalala ka noh? ha ha ha..."
Sabi ko naman sa kanya ng mapagtanto kong naalala ata niya na dati kaming mga lampa... Nakita ko namang tumawa lang siya pati na rin si kuya.
" Hindi naman sa ganun, sinabi ko lang kasi ang ha-hot niyo talaga ngayon----------- teka, kelan pa pala kayo dumating?" tanong niya na may pagka curious.
"Nung isang araw lang po, eh bat nandito po kayo? wala kayo sa bahay."
Nakita kong naging malungkot ekspresyon niya.
"Eh kasi, simula namang nagpunta kayo ng amerika wala na akong ginagawa dun sa bahay kaya dito na lang ako tumira sa mansion. Para na rin kasi may bantay diyan, eh alam niyo namang sa bahay talaga naglalagi lola't lolo niyo kaya kami nalang ni Drew ang naging caretaker sa mansion na yan."
Pagkwekwento niya samin at nakita kong bumaba rin si Kuya Drew sa tree house at niyakap rin kami pareho ni kuya.
Nagkwentuhan at nagkamustahan lang kami ng mga oras na yun.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Andito kami ngayon sa loob ng tree house, kumakain ng nilagang itlog, bagong mga pitas na prutas, mais at gatas ng kalabaw, habang pinag uusapan namin kung ano ang mga nangyari sa mga kababata namin.
"Yun, lahat sila, dun nag aral sa Academy niyo sa Maynila... Eni-expect kasi nila na dun rin kayo mag aaral, kaya nga nang malaman nilang pumunta kayo ng Amerika, yan si Sunshine... Grabe ang iyak niyan, galit na galit sa inyong dalawa lalong lalo na sayo Carl. Ganun rin naman si Dessy sayo Vin. mga kababata niyong lalaki, sina Storm at Thunder? ok lang naman sa kanila kasi medjo naiintindihan nila pero yung mga babae, sobra ang inis at galit nila sa inyo."
Pagkwekwento samin ni kuya Drew.
"Eh nasan naman po sila ngayon eh Bakasyon naman? Di pa ba sila nagpunta dito?" tanong ko sa kanya.
"Si Dessy, dipa nagbabakasyon dito simula nang mag high school yun. Alam niyo namang nasa Manila talaga parents niya. Si Storm naman ay nagbakasyon sa Singapore kasama mama at papa niya, nagkasundo na kasi parents niya mula dun sa issue nilang dalawa. Si Rain naman, lumipat na sila ng parents niya sa manila. Na re-assign kasi dun mama niya eh, alam niyo naman, magaling na Doctor yun. Kaya dun na rin nakitira sa kanila pansamantala ang pamangkin ko, si Sunshine."
BINABASA MO ANG
The Return of the Wimpy kids that turned into Hottest Teens
RandomThis is a story of cousins who used to be wimpy kids and turned into hottest teens. They promised to their childhood friends that they won't leave Philippines but still they did. After 5 years studying High School in the US, They will now return to...