Bedspace
"Hina-hunting ka? What do you mean, Kuya? Sino talagang may gawa n'yan sa'yo?" sunod-sunod na tanong ko nang daluhan siya sa sofa at ilang beses na sinubukang hawakan ang duguan niyang mukha.
"You heard me, Trish. It's for the money I owe them," paliwanag niya na nagngingitngit ang mga ngipin. Matalim ang tinging nakadungaw sa akin habang nakaluhod ako sa harapan niya. Natigil ang panunuri ko sa sugat niya at nagsalubong ang kilay.
Mariing pumikit ang mga mata niya nang matanaw ang pagtataka ko. He groaned and opened his eyes again.
"Para saan ang utang, Kuya? Magkano ba ang halaga para bugbugin ka nang ganito? Marami ba sila? Pumunta tayo ng barangay." There's no way my brother would go home bleeding fighting against two or three people. Hindi basagulero si Kuya Tyron kahit pa mukhang mayabang ang datingan pero alam kong kaya niyang ipagtanggol ang sarili kung kailangan.
Now if it's definitely more than three people, that's unfair. Tumayo ako at ako naman ang dumungaw sa paghihirap niya. It wasn't merely the pain from his wounds. Lukot ang mukha niya na animo ay binagsakan ng maraming problema. Hindi ko iyon maunawaan. Hindi kami mayaman ngunit hindi rin naman mahirap. Our hotel is currently under renovation, malaki na ang nagagastos ngunit kahit ganoo'y may kinikita pa rin naman. And I am also doing my freelance job as interior designer habang tumutulong din sa pag-aasikaso sa hotel.
My brother rolled his eyes and rose from the sofa to dismiss me. I rested my hands on my waist but instantly put down to follow him to the kitchen.
"Ano, Kuya? Harapin natin yung gumawa niyan sa'yo," pagsunod ko. Pumasok siya sa common comfort room doon at nagtungo sa lababo para sa sugat. Sumunod ako kaya hindi niya naisara ang pinto.
"Hindi mo sila kailangang harapin, Trish. Delikado ang mga 'yon. Ako na lang ang bahala rito."
"Delikado? Then why would you be related to them? Ano ba'ng pinasok mo at na-involve ka sa mga ganung tao? Sa maliit na halaga ay binugbog ka—"
"Maliit ba ang bente mil, Trish?" iritable niyang putol.
"Oo naman! Kung twenty thousand..." I trailed off when I met his grimace in the mirror. Parang nanuyo ang lalamunan ko. "Twenty million?" I asked breathlessly, halos lutang pa. "No way, Kuya. Hindi naman milyon, 'di ba?"
Malalim siyang bumuntong-hininga nang mahigpit na kumapit sa sink at titigan ang sarili bago inilipat ang tingin sa repleksyon ko. "Twenty million, Trish." He hardly nodded. Para akong tinawaan ng galaw niyang iyon diretso sa mukha.
I attempted to laugh but it came out shakily when his hardened expression didn't change. Seryoso ang lukot doon. Kumabog ang dibdib ko. "K-Kuya... bakit naman...? Paano ka naman magkakaroon ng ganoong kalaking utang? Nababaliw ka na ba?"
"Right!" he exclaimed and drastically combed his hair with his fingers. "I must be insane to have that much debt! Sana nga ay panaginip lang, Trish. Mababaliw na 'ko!" Halos mamula ang mga mata niya nang magmulat sa matinding pagkakapikit. I was in utter shock and didn't notice him walked past him until he was out of the comfort room. Sinundan ko siya sa kusina kung saan kumuha siya ng pitsel sa ref at nagsalin ng malamig na tubig sa baso. Inisang lagok niya lang iyon at kumuha pa uli.
"Kuya!" sigaw ko nang lubusan nang maunawaan ang lahat. My body visibly trembled. "Ano naman ang nangyari? Paano n-nangyari? Sigurado ka ba? O baka niloloko ka lang ng mga inutangan mo?"
"Twenty million, Trish. Iyon lahat ang utang ko kasama na ang interest."
"Ha? P-Paano? Hindi ko nakita ang pera, Kuya. Hindi ko rin alam kung saan mo gagastusin ang ganoong—"
BINABASA MO ANG
Reckless Revenge (Completed)
RomanceTrisha Arquia, a 21-year-old fresh out of college, brims with dreams for herself, her brother, and the memories their parents left behind. But when the vengeful Dion Mandera enters their lives, those dreams threaten to crumble into a haunting nightm...