Chapter 31

800 42 209
                                    


Girlfriend

Nang sumapit ang hapon kinabukasan ay pumunta ako sa store para tulungan si Ynnah. Naging abala kase si Kuya sa pag-de-deliver ng ibang orders at dahil ang Starex naman ang dala ay sinama niya si Dalia.

"Trisha, pasagot naman ng phone ko. Tumatawag yata ang Kuya mo," si Ynnah habang inaasikaso niya ang order ng isang customer at ako naman ay inaayos ang magulong buhok sa harapan ng malaking salamin sa gilid ng counter.

Kinuha ko ang cellphone niya at si Kuya nga iyon pero namatay ang tawag bago ko pa masagot. Hindi ko na tinawagan pa dahil umilaw ang cellphone ko sa gilid ng mesa at siya rin nag tumatawag doon.

Kumunot pa ang noo ko na ilang missed calls na pala niya ang naroon.

"Trisha! Bakit hindi kayo sumasagot?!"

"Kuya. Marami kaseng customers. Tapos na ba ang delivery mo?"

"Trish, si Dannie!" he exclaimed and there was fear in his voice. Natigilan ako at nagkatinginan kami ni Ynnah nang matapos siya sa customer.

"What happened? Nasaan na kayo—"

"Nag-deliver kami ng supply sa malapit sa Archangel ngayon lang. Sa tabing coffee shop. Natatandaan niya ang lugar kaya dinala ko muna saglit para mamasyal dahil hinihintay ko pa ang bayad sa orders pero..."

"Pero?" naiinip kong tanong dahil hindi ako mapanatag sa panik sa boses niya. "Ano'ng nangyari Kuya? Nasa'n si Dalia? At bakit mo s'ya dinala riyan? Alam mo naman na si Dion na ang—"

"Wala siya rito. Nakausap ko ang ibang tauhan at wala siya ngayon dito... Iniwan ko lang naman saglit si Dannie para balikan na ang bayad sa coffee shop kaso pagbalik ko... Trish, sorry. Baka nasa paligid lang—"

"Nawawala si Dalia?!" I exclaimed loudly. Napatingin sa akin ang mga tao sa store at si Ynnah ay namilog ang mga mata. I had to excuse myself to leave the store to better talk to my brother. "Kuya!"

"Tiyak na nandito lang sa paligid, Trish. Hindi napansin ng mga gwardya kung may nakapasok na bata pero hanggang sa lobby lang ako ng lumang hotel. Ayaw rin naman ipakita ang CCTV. Trish, call Dion now and ask for his help."

"Kuya naman!" sigaw ko nang mapagtanto na seryoso nga talaga siya. Umahon ang kaba sa dibdib ko sa pag-aalala kung saan mapupunta si Dalia. Hindi naman siya malikot at marunong namang makinig. "Tatawagan ko si Dion. Please, don't stop looking for her. Baka mapalayo na 'y-yon!"

I ended our call to contact Dion. Lumabas si Ynnah para store at kagaya ko ay bakas din ng pag-aalala ang mukha habang hawak ang cellphone niya.

"What happened? Nawawala raw si Dannie?"

I bit my lower lip and nodded, pacing back and forth as I waited for Dion to answer the call. "Si Kuya naman kase e," bulong-bulong ko habang naghihintay.

"Trish?"

"Dion!" I gasped, nearly tearing up at the sound of his voice. "Oh, my God, Dion, help me!"

"Wait. Hold on," mabilis niyang sinabi at narinig ko ang paggalaw niya sa background. "Proceed with the presentation without me..." There were footsteps and shutting of the door before I heard his voice again. "What is it? May nangyari ba?"

Maluluha akong tumango kahit hindi naman niya nakikita. "Where are you now? Nasa hotel ka ba?"

"I'm at the winery at Makati. What's wrong? What hotel?"

"Kase naman si Kuya... at si Dalia... Nawawala raw siya kase—"

Ynnah firmly grabbed my arm and I stared at the relief in her eyes. Kausap yata niya sa cellphone si Kuya at tumango-tango siya sa akin habang itinuturo ang cellphone. Ibinaba ko ang cellphone at tinakpan ang speaker noon.

Reckless Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon