Chapter 19

791 37 111
                                    

Treat

My heart raced against my chest as I ran to my brother's room. Kakaibang takot ang naramdaman ko sa mga oras na iyon. Kung hindi pa ako nakakakapit sa pinto ay baka bumagsak ako sa sahig dahil sa biglaang panghihina ng tuhod.

"Miss Arquia," bati ng doktor ni Kuya nang makapasok ako. Hindi ko siya pinansin at dumiretso sa kapatid ko. My world stilled as I saw his eyes blinking slowly with confusion. He's awake.

"Kuya?" I called for him; his eyes landed on mine.

"He's fine. I've checked his vitals, and everything's good. But we still need to keep him here to monitor his recovery."

Tumango ako sa doctor. Hinatid ko lang siya ng tingin hanggang sa makalabas. Sa pinto nga ay naroon si Dion na sumunod pala sa akin pero hindi siya pumasok at hinayaan lang ang nurse na kasama ng doktor na isarado ang pinto.

"Trish?" Kuya called in an almost inaudible whisper.

"K-Kuya..." my lips trembled as I began to cry. "Ano'ng nangyari? Paano ka naaksidente? Bakit mo tinakbuhan ang mga pulis?" I wanted answers for everything so that I could prove Dion I was right. But I knew I was selfish to ask that immediately. Umiling ako at pinalis ang luha. "You don't need to answer now. It's fine. Ang mahalaga ngayon ay gising ka na. Nag-aalala ako sa 'yo, K-Kuya... I thought you'd l-leave me, too."

His arms moved. Masyado pang mahina ang katawan para makagalaw nang maayos pero naunawaan ko ang gusto niyang mangyari kaya ako na ang umabot sa kanyang kamay. My heart melted as he squeezed my hand with the little strength he had.

We stayed silent the entire time. I was crying in silence, trying so hard not to make him worry about me. Kita ko sa kanyang mga mata na marami siyang gustong sabihin pero dahil sa kalagayan ay hindi iyon maisatinig. In his eyes, I could see his guilt and disappointment. He was sorry for everything, but I could just shake my head, not really wanting to blame anyone at this point.

Hindi pa rin naman ako sigurado kung ano nga ang kinalaman dito ni Dion Mandera. If he's indeed behind all of this, my brother and I also did our part. We decide on things we thought could help us, which only leads us to even bigger problems. Perhaps that's what desperation could do to anyone. We're no exception.

I thought I was willing not to blame anyone. I thought I'd be fine as long as I don't see Dion Mandera. Kapag labas ni Kuya ay handa na akong sabihin sa kanya na paalisin na sa bahay si Dion. That was my plan on his first day in the hospital.

Considering all the unexpected things happening to us all at once, I should have known it would change.

I was busy checking my brother's medicine when someone knocked from outside the door. I watched it and waited for the nurse to come in but it remained shut. Umahon ang kaba nang sandaling pumasok sa isipan ko si Dion Mandera pero mabilis iyong naglaho.

I stood, and my throat ran dry. "Rannie..."

Nag-aalangan siyang pumasok habang diretso ang tingin sa akin. When he slowly closed the door behind him, I realized I should be mad at him for being here.

"Why are you here?" I asked and put down Kuya's medicine on the table. Kaiinom lang ng gamot ni Kuya kaya nakatulog. Ayaw kong makita niyang narito ang lalaking ito kahit pa ayon sa kanya ay nagkausap na sila.

"I heard about what happened. Gusto kong kamustahin si Kuya Tyron at... ikaw."

"Don't call him Kuya." I gritted my teeth and glared at him. Kahit gusto kong sumigaw ay hindi ko ginawa. "And you have no right to check on me. We've cut connections long ago, remember?"

Nawala ang pag-aalangan sa kanyang mukha, bumuntong-hininga at mapan-amon ang mukha akong titigan. Nabakasan ko rin ang tila pagod sa kanyang mukha. Kung para saan at bakit ay hindi ako interesadong malaman.

Reckless Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon