Chapter 15

669 36 46
                                    

Lunch

"Where is it?" tanong ko kay Ynnah nang sumunod siya sa pagpasok ko sa office. Nagmadali siya at nilampasan ako para makuha ang letter sa mesa at inabot iyon sa akin. I put my bag down the table and sat on my chair to read the letter. And it was the longest letter I received for a while.

Mabilis kong natapos basahin ang liham nang kunot ang noo. Nag-angat ako ng tingin kay Ynnah pero tulala lang ako. Tila naman naghihintay siya tungkol doon. But I frowned and read it again.

...to inform you that the Central Bank of the Philippines has initiated a review of the longstanding loan arrangement made by your parents, Mr. and Mrs. David F. Arquia, ten years ago.

With the awareness of your family, Mr. and Mrs. David F. Arquia secured the loan against the property holdings of Archangel Hotel and Fernandez Residence Mansion, which served as collateral.

... the accrued interest has now reached a point where the original amount borrowed has been exceeded.

Effective September 4, 202x, we are left with no choice but to request either the full repayment of the outstanding loan amount along with accumulated interest or the transfer of ownership of either the property mentioned to the bank.

I stared at that piece of paper na mukha magbabago nang lubusan sa buhay namin ni Kuya. But I could not see a light of hope from that change. Dahil habang paulit-ulit ko iyong binabasa ay tila lalong bumibigat ang kung anong pasanin sa aking balikat.

May nabanggit din na kailangang mapag-usapan kung kailan pwedeng mag-set ng appraisal para malaman ang value ng parehong property in today's market.

"They're inviting me over to the bank," wala sa sarili kong sinabi kay Ynnah. Iyon kase ang nasa huli ng sulat para sa maaari pang maging resolution. Nabanggit nga rin na ilang letter na ang ipinadala nila at warning na rin ito na ito na ang huli bago sila magsimula ng legal actions.

It was a long-ten-years of accumulated interest. A plan was included in their loan terms indicating that my parents could delay the payment for the interest for a while. But after ten years, the delayed interest accumulated over time at ngayon nga ay kailangan na ring bayaran. Interest palang iyon. At ayon na rin sa sulat, nalampasan na ng interes ang principal amount na inutang nina mommy.

And it's honestly understandable that the bank is now planning the next step of their loan agreement.

Pero hindi ako aware na dumating sa ganoong punto ang mga magulang namin. Hirap na ngang paniwalain na nangutang sila dahil sa kagipitan, mas mahirap pang tanggapin na nasa agreement nila na i-delay muna ang interest at ngayon ay kami na ni Kuya ang papasan noon. Hindi marahil nila nakita nina daddy na mangyayari ito.

I was shocked to hear about the 20 million debt of my brother. Iba naman kase ang 20 million asset at sa totoo lang, buong buhay ko, akala ko ay may ganoong halaga kami sa bangko. I was sure we used to. Pero iba ang sariling pera sa bangko at iba rin naman ang 20 million na utang. Lalo pa nang magsimula akong mamahala ng hotel ay saka ko rin nalaman na hindi na pala kami ganoong kayaman.

We lost our parents in a sudden accident. But they were not the only thing we lost. We lost half of the wealth I thought we had.

"Miss Trisha?" may pag-aalala sa tono ni Ynnah. I blinked and stared at her worried face. Hindi ko puna na tumatawa na pala ako nang mag-isa. I sighed and shook my head, and dropped my face to my palms.

"You can return at your desk," nagawa ko pang sabihin nang maayos.

Muli akong napatulala nang maiwang mag-isa. Ilang minuto ay muling natawa habang nakatitig sa sulat. I lost hope at the 20 million debt. Kung hindi pa dahil kay Dion Mandera ay hindi ko talaga alam kung paano iyon malulusutan.

Reckless Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon