Chapter 14

709 34 62
                                    

Wrong

Kung inaakala niya na susundin ko ang sinabi niya matapos niyang magsalita nang ganoon sa mga magulang namin ay nagkakamali siya. Nagpupuyos ako sa galit at inis nang marating ang hotel. Hindi ako dumiretso sa parking at huminto sa harapan ng building para sana harapin siya at pagsabihan pero masyadong akong nanginginig sa galit para gawin iyon. I didn't want to face him in public like that.

I spent more minutes inside the car trying to calm myself but all my efforts went to nothing when I spotted his car on the opposite road. Kadarating lang at mukhang may dinaanan pa bago dumiretso rito. If he thought for a second I was waiting for him, he was wrong.

Umirap ako kahit hindi naman niya ako nakikita bago lumabas ng sasakyan dala ang bag. I made sure to glance at him so he would know I knew he was there before slamming the car door closed. Nang humarap ako sa building ay nagsalubong ang kilay ng guard na mukhang naghihintay lang sa akin.

I pressed my lips and slightly nodded at him to acknowledge his presence since I couldn't bring myself to smile.

"Pwede bang pa-park na lang nito?" I asked and offered the key to him. Tinanggap naman niya iyon kaya nagpasalamat ako. Paakyat na ako sa hagdan at pinagbuksan na rin ng isa pang guard ng pinto ngunit natigilan. Una kong natanaw ang guard na kaharap na lumingon sa lumapit bago ko nalanghap ang pamilyar na pabango ni Dion Mandera. Then his voice completely halted me.

"Miss Arquia."

I refused to look at him. Pero dahil umaahon ang galit ko ay sa kanya ko na iyon tinuon kaysa mapuna pa ng mga tauhan sa hotel. Tila wala naman sa kanya kung anuman ang naging reaksyon. If anything, he narrowed his eyes silently reminding me of what he had told me over the phone.

Frustrated, I shot him a glare and resolved to tune him out. I took another step but he just couldn't resist speaking once more.

"I won't be rescheduling today's appointment."

I looked back at him in disbelief. Nagtaas lang siya ng kilay at marahang iminuwestra ang braso sa kung saan naka-park ang sasakyan niya. Hindi ko napigilan ang guard nang bumalik siya sa pwesto niya para mabigyan kami ng privacy. I sighed and took another step but this time, I halted on my own. Padabog akong lumapit sa kanya pero bigla rin naman siyang tumalikod at tila inaasahan talagang susunod ako.

Hindi ko tuloy nasabi ang gustong sabihin at minabuti na lang na sundan siya sa pagtawid hanggang sa marating namin ang sasakyan niya. I grimaced when he headed to the driver's door. Hindi ko naman inaasahan na pagbubuksan pa niya ako ng pinto pero hindi pa rin ako makapaniwala sa pagiging antipatiko niya.

Bukas na ang pinto pero hindi siya pumasok nang makitang nasa harapan niya lang ako.

"I am not coming with you," pagdidiin ko. "Gusto lang sabihin na hindi ka dapat nagsasalita nang ganoon sa mga magulang namin. I have no idea where you're coming from. Obviously, sa akin ka lang naman openly naglalabas ng ganyang pag-uugali mo, and I don't expect much from you now, pero pwede ba na—"

"If you're that offended, you shouldn't use your phone while driving."

"You called me and you knew I was driving," I pointed out. Damn! Kasasabi ko lang na hindi siya haharapin nang ganito sa public pero ngayong nakikita ko na hindi naman yata siya nag-alala sa sinabi ay mas lalo akong nainis. "Besides, I didn't expect that from you. Alam ko naman na nasa kontrata natin ang contact number ko pero hindi ko naman alam na payag ka palang bumisita sa doktor—"

"So you're really expecting your ex to call you?"

"What? Hindi! Kung hindi sinabi ni Kuya, hindi ko 'yon iisipin—saka ano ba ang paki mo? Ang sa akin lang naman, hindi ka dapat nagsasalita nang ganoon sa mga magulang ko. You have no idea what happened or how that tragedy affected my brother and I. Be sensitive—iyon lang ang gusto ko na gawin mo!"

Reckless Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon