His Place
Malakas ang kalabog ng aking dibdib habang sakay kami ng kanyang Bentley. Sinulyapan ko ang portfolio at bag ko sa backseat kung saan inilagay ni Dion pero bumalik din ang atensyon ko sa kanya nang marahan niyang pisilin ang kamay sa hita ko.
Ang sabi ko ay kasama na sa magiging desisyon ko si Dalia. Hindi dapat ako nagpadala sa emosyon at inisip na lang ang anak pero palagi na lang... pagdating kay Dion... parang ang hina-hina ko. Matalino man ako para iba pero pagdating sa kanya, parang lahat ng gawin ko ay hindi pinag-isipan. Pinatakbo lang ng emosyon at puso at hindi ng utak.
Kaya nga yata natawag niya ako noong stupid. Ang hindi niya alam, sa kanya lang naman ako nagkakaganito.
But the fear of what my brother would say and whether I was doing the right thing was gone when he brought my hand to his lips for a kiss. Lumundag ang puso na animo'y tuwang-tuwa sa naging desisyon kong sumama kay Dion.
"If you're still worried, imagine staying with a client tonight. To discuss your artworks," suhestiyon niya.
Marahan akong umiling. Hindi naman na kailangan. Desidido na talaga ako. May takot lang pero desidido ako. Hindi naman niya ako pinilit at gusto ko rin naman ito.
"But you're not allowed to do this with other client, Trish," dagdag naman niya. "Kahit sa ganoong pribadong kwarto ng restaurant ay hindi pwede. Lalo kung lalaki at mag-isa ang kliyente."
Kumalat ang init sa sikmura ko sa sinabi niyang iyon. Tipid akong ngumti. Hindi ako sanay na ganito siya kahinahon at kalambing sa akin. But it was definitely a great feeling.
"Like you? Mag-isa ka lang kanina at lalaki rin."
Nanatili namang seryoso ang mukha niya. Nang huminto para sa traffic light ay nagsalubong ang kilay sa ngiti ko. "Sa akin lang, Trish."
Tumango ako at ngumuso para itago ang ngiti ngunit nanliit ang mga mata niya. Pagkatapos ay malalim na bumuntong-hininga.
"I already sound too territorial, am I?" He sounded disappointed in himself.
He took his hand off me for the gear and started driving again. Bago ko pa mapigilan ay nakalapat na sa hita niya ang palad ko. I felt his skin jump under my touch and wondered if it would distract him from driving.
"I like you better this way," nahihiya kong sinabi. Nakita ko ang kagustuhan niyang tingnan ako nang matagal pero dahil nagmamaneho ay nakuntento na lang sa ilang beses na pagsulyap. Nahuli ko pa ang lihim niyang pagngiti na sinubukang itago. Ipinatong niya sa akin ang kamay at muli ay marahan iyong pinisil.
"Welcome to my place," aniya nang buksan ang pinto ng kanyang suite.
Except for his office, it was my first time at his place. Honestly, I thought he would just bring me to some random hotel until I saw personal stuff inside the suit, particularly picture frames on the shelves.
Mataman kong tinitigan ang maamong mukha ni Tara at ng batang lalaking nakatayo sa upuan habang siya at si Dion ay nasa magkabilang gilid. There were other several photos of the kid and if he had not told me his real relationship with Tara, I would assume they were family and that the boy was their child.
"That's my cousin and nephew," he whispered behind me. Hawak niya kanina ang bag at portfolio ko at dinala iyon sa coffee table. Nang bumalik ay may hawak ng dalawang glass ng wine. Inabot niya sa akin ang isa at muling binalingan ang pictures na tinitingnan ko.
I mimicked him as he gently sipped on the sweet wine. Ngayon malinaw na sa akin na pinsan nga niya si Tara. Pero paano si Camille? Sino pala siya sa buhay niya kung hindi girlfriend? Isa sa mga babae niya noon? Bakit hanggang ngayon may connection siya sa kanya? Gusto ko sanang itanong pero may kung anong pumipigil sa akin.
BINABASA MO ANG
Reckless Revenge (Completed)
RomansaTrisha Arquia, a 21-year-old fresh out of college, brims with dreams for herself, her brother, and the memories their parents left behind. But when the vengeful Dion Mandera enters their lives, those dreams threaten to crumble into a haunting nightm...