Family Tree
It was the first time I cursed out at my brother.
I don't want to believe I did it because of the money, but with our current situation, I knew that's precisely why. And I'm utterly annoyed at his unreasonable decisions. Hindi naman ako santa para maging kalmado lang sa bagay na iyon. That's fucking six million. I earned it overnight and my brother gave it away just like that.
And he knew what he did wrong so he couldn't look into my eyes.
"T-That's six million, Kuya!" Nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luha. Mabilis ko iyong pinalis dahil sa galit at iritasyon. I was already standing on the other side of the room and away from him. "How could you throw it like that as if... hindi mo naman iyon pinaghirapan." Nanliit ang boses ko sa huling sinabi, halos mapahikbi. Nang nagtataka niya akong nilingon ay umiwas na lang ko para takpan ang hikbi at punasan muli ang luha.
"B-Babayaran natin," aniya na may pag-aalangan. "Ako ang kakausap kay Dion kapag pumunta siya rito."
"H-Hindi mo naiintindihan, Kuya. You could've just left your friends. Bakit kailangang ibigay mo sa kanila ang pera nang ganoon lang? Bakit kailangan mong magpasikat gamit ang sasakyan ni Dion?!"
"Hindi lang ako basta nagpapasikat, Trish!" balik sigaw niya. "Ginawa ko iyon para makahiram ng pera! Para maisalba ang hotel at ang mansyon!"
"There could be other means!"
"Like what?"
Frustrated akong umiling, disappointed. Imbis na sumigaw ay kinalma ko na lang ang sarili. "Ikaw na rin ang nagsabi, you fixed problems with another problem. You always wanted the easiest way out. Ni hindi mo iniisip kung ano ang pwedeng maging consequences ng mga desisyon mo."
"Don't lecture me now, Trish-"
"You could've walked out and never see them again if you were that offended. But no, Kuya. You want to save your ego. K-Kinuha mo ang pera nang walang paalam. Naaksidente ka dahil sa kagagawan ng mga kaibigan mo. Sana nga talaga ibinigay mo na lang do'n kina Omer ang pera, K-Kuya. Nabawasan pa ang utang mo. Sana sa kanila mo na lang ibinigay-"
"Hindi pa naman sila naniningil, Trish."
"You don't wait for them to come back to us and ask for payment, Kuya! Kaya nga nabaon ka sa utang dahil sa ganyan, e. Ni hindi mo naisip ang patong-patong na interest. Paano pala kung nag-iipon lang ulit sila ng interest? K-Kuya naman!"
Hindi na siya nakasagot nang napaupo na lang ako. Nanlambot ang mga tuhod ko at isang tingin lang ang nagawa ko sa sofa sa gilid. Hindi na ako nakalapit doon at naupo na lang sa kinatatayuan bago pa tuluyang bumigay ang mga tuhod ko.
Kumuyom ang panga niya nang umiwas ng tingin para itago ang namumula niyang mga mata.
"Baka puwede pa nating mabawi?" I asked in a hopeful tone. "Kahit ako na ang kumausap sa kanila. Puwede kong sabihin na misunderstading lang 'yon. I'm sure they'd be confused about it. That's six million. Baka hindi pa nila nagagastos?"
Hindi pa man sumasagot ay kita na sa mukha ni Kuya na imposibleng mangyari ang bagay na iyon. "I don't know. I'm not sure... And you cannot meet them." His eyes narrowed for a warning. "Hindi ako papayag na pati ikaw ay maliitin nila."
"Why would they do that? Hindi nila ako kilala. You may be friends with them, but I don't. They don't know me to insult me."
Mariin siyang napapikit at umiling. "You're not going to meet them, Trish. Kapag umayos ang lagay ko ay ako na lang ang makikipagkita. Isa pa, imposible talaga na nasa kanila pa ang pera. Ilang araw na ang lumipas. You don't know how much they spend in a night."
BINABASA MO ANG
Reckless Revenge (Completed)
RomanceTrisha Arquia, a 21-year-old fresh out of college, brims with dreams for herself, her brother, and the memories their parents left behind. But when the vengeful Dion Mandera enters their lives, those dreams threaten to crumble into a haunting nightm...