Chapter 25

12 1 0
                                    


3rd Person's POV

10 years ago

Isang taon na ang lumipas simula ng maging mag isa si Mae sa buhay niya. Isang taon na ang lumipas simula ng mawala lahat sa kanya.

"She's finally yours, legally.  Congratulations and sorry for your loss."

Sabay tayo ng social welfare associate at abot ng kamay nito para makipag kamay sa mag asawang Kim.

"Thank you so much sa pag aayos nito. " Marahang pagpapasalamat ni Mrs. Kim.

"Kami dapat ang magpasalamat dahil bibigyan niyo ulit ng isang pagkakataon si Mae Anne na magkaron ng pamilya,  and I'm sure she's in good hands. " assured ng associate matapos na isakbit yung bag sa balikat niya at handa ng umalis.

Matapos ang kagimbal gimbal na insidente na yun, konsensiya at awa ang namayani sa mag asawa. Naging malapit ang dalawa nilang kasambahay na namayapa na.  Tinuring nila itong tunay na kaibigan at pamilya na rin. 
Masakit para sa kanila ang nangyari.
Lalo na ngayon na ang kaisa isang anak ng namahinga nilang mga kasambahay ngayon ay mag isa nalang sa buhay. Kung kaya't buong puso at isip nilang napagdesisyunan na kupkupin ang bata na ngayon ay matagumpay at legal na prosesong naisaayos na.

"Ako na po ang maghahtid sa kanya sa labas. "

Biglang mahinang salita ni Mae sa gilid nila, sabay namah na napatingin ang tatlo sa kanya.

"Ay mae di na kailangan iha" assure ng associate sa kanya.

"Ayos lang po. " marahang ngiti ni Mae.  Nais pa siyang pigilan ni Mrs.  Kim.  She should stop acting like a servant now lalo na ngayon na member na siya ng family,  but she keeps on insisting.

Naihatid na ni Mae sa labas ang associate.  Binuksan niya ang gate.

"Salamat iha.  Wag ka mag alala magiging maayos na ang lahat,  mahal ka nila..  " pag comfort nito kay mae sabay pat sa uluhan niya.

Nangiti naman si Mae at natango. tuluyan ng nakaalis ang associate habang nakasakay sa kanyang van.

Nawala yung ngiti ni mae habang nakatitig lang sa labas ng kalsada,  still nakatyo pa din kung san siya iniwan ng associate .

Di niya lubos maisip na nangyayari to ngayon. Pilit niyang kinikombinsi ang sarili na baka panginip lang talaga lahat dahil,  di niya matanggap.  Ngunit huli na lahat. Wala na siya magagawa.  Di na niya sila makikita pa.

Di na napigilan ni mae na ilabas yung naipong luha sa mga mata niya na kanina pa pinipigilan.  Hikbi at hagulgol na ang nagawa niya para mailabas yung sakit at matinding lungkot na nadadama niya.

Pag naiisip niya na di na niya magagawa yung dati niyang ginagawa kasama sila,  parang pinupunit ng paulit ulit yung puso niya,  pakiramdam na nasusuka siya,  nahihilo at halo halong emosyon,  na naillabas nalang niya sa matinding pag hikbi na maski ang mga binti niya ay sumuko narin dahilan para mapaupo siya sa rough na sahig ng kalsada.

Napansin nalang niya ng may dalawang braso ang yumakap sa kanya.

"Sige lang,  iiyak mo lang lahat. Andito ako,  di kita iiwan."

Lalo siyang naiyak ng marinig ang boses ng kababatang kaibigan na si Yoongi.  Marahang tinatapik nito ang likuran niya habang inaalo siya. Niyakap niya ito ng mahigpit pabalik habang nakasubsob ang basang mukha niya dahil sa luha niya sa balikat nito.

Yoongi.  Mag 2 taon na niya itong kaibigan bago pa mamaalam ang mga magulang niya.  Maliban kay Namjoon, si yoongi ang nag iisa niyang kaibigan. 
Simula ng mawala ang mga magulang niya sa loob ng isang taon,  di sya nito iniiwan.

PurposeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon