Chapter 13

8 1 0
                                    


Celina's POV

2nd day na nang pag sstay namin dito sa bahay. Masaya akong bumangon, ewan ko ba pero ang saya saya ko.
Nang mapatingin ulit ako sa cp kong nasa pasimano.
Hhmm titignan ko lang naman.

"@K.joon mesaaged you 30 mins ago "

Lalo naman akong napamgiti nang makita yung notif na to. Di nako nagdalawang isip at inopen na yung mesaage.

@K.joon: Goodmorning princess, rise and shine. Dont waste your time and spend this day with your mom. Have a great day 😊

Kung pwede lang sumigaw sa sobrang kilig e ginawa ko na! Argh! Bakit ba ganito sya? Napaka thoughtful nya! Masyado na syang pa fall sobra na hays.

Agad nakong bumangon gaya nang sabi nya, fix myself, nagsuot ng comfortable na damit saka lumabas nang kwarto . Biglang bumgad ni nanay na kakatapos lang mag luto.

Nanay: Sakto anak, kain na ..
Celina: Goodmorning naaaayy.

Sabay lapit ko kay nanay at niyakap sya nang pagkahigpit na ikinagulat naman nya

Nanay: aigoo bakit ang sweet bigla nang anak ko ha?
Celina: hmm eh sweet naman talaga ko ii saka gusto ko lang ispend yung araw na ito na kasama kita.

Napangiti naman si nanay at hinalikan yung bumbunan ko.

Zee: Di parin talaga kayo nag babago ni Tita ang sweet sweet nyo parin sa isat isa

Biglang sulpot naman ni Zee sa loob nang sala namin, natawa naman kami ni mama

Celina: at ikaw din di ka pa din nagbabago zee na uhuging bigla bigla at ang agang mangapitbahay.
Zee: aish hahaha
Nanay: nako haha awat na yan at kumain na tayo.

Naupo na kami palibot sa table. Naalala ko tuloy dati nung mga bata pa kami ni zee ganito kami nuon, nung nawala si papa parang zee na yung pumalit sa kanya.

Nanay: Run Ze iho, may FT din ba kayo bukas gaya nila Yna?
Zee: aah wala po tita, o baka tapos na ho ata di ko naabutan. Kahit naman meron po di ako sasama.

Haygoo di parin talaga nagbabago to si Zee masyadong KJ at di mahilig sa mga ganun occassion.

Zee: So bukas pala kayo cel? Saan?
Celina: Yea, sa jeju. First time ko palang pumunta dun kaya naeexcite ako.

Ngiti ko habang kumakain.

Nanay: hmm excited sa lugar o sa makakasama mo?

Biglang pang aasar ni nanay na ikinagulat ko, muntik ko nang maibuga yung kinakain ko.

Celina: aish nanay naman ee
Zee: bakit? May boyfriend kana cel?

Biglang tanong naman ni Zee na mas lalong ikinagulantang ko. Pero mas mukhang gulat na gulat pa si Zee sakin.

Celina: Wala hahaa bilis mo talaga mapaniwala dyan kay nanay.
Nanay: haha bakit gulat na gulat ka iho?

Napabuntong hininga naman si Zee na ikinatawa namin.

Zee: Nagulat lang po tita  , kala ko naunahan nako e.

Napahinto nanaman ako sa sinabi nya . Napatingin ako sa kanya at saktong nakatingin sya sakin with that serious straight face. Seryoso sya?

Celina: S-Seryoso k--

Naputol yung sasabihin ko nang biglang tumawa si Zee,pareho kami ni nanay na nakatingin sa kanya nang weird ngayon

Zee: Hahaha kahit na kailan ang bilis mo parin talaga mauto cel
Celina: Hahahaha loko ka talaga no?
Nanay: aigoo hahaha tigilan nyo na yang pag aasaran na  yan at baka maging totoo.

PurposeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon