Chapter 27

21 1 0
                                    

Celina's POV

Di padin nag sisink in sakin na ganun na sila Gladys at JK ngayon. So all those time like yung random confession ni jk sakin, yung sinabi nya ginawa nya yun para sa isang purpose at yun nga is yung real feelings pala niya kay Glads na late niyang na recognize and di pala lahat yun sakin. Para pala lahat yun kay glads .
Hays nakakatuwa naman.
Wala na bang mas sasaya sa araw na to?

Ako yung huling bumaba sa bus dahil medyo mas may kalayuan yung bahay ko sa kanila. I messaged them na nakababa nako. Agad nakong tumakbo papunta sa bahay dahil sobrang namimiss ko na si nanay. Di ko sinabi sa kanya na uuwi ako.

" NANAAAAAY!!! namiss kitaaaa!! " Sigaw ko matapos na buksan yung pinto at saka inilapag yung di gaanong kalakihan kong bag.

Napahinto ako ng makita si Zee na masayang kausap si nanay habang umiinom ng tsaa. Nakita ako ni nanay at agad na tumayo at lumapit sakin sabay na niyakap ako na nagpagulat sakin.

"Celina?! Anak nandito ka!"

Agad ko siyang niyakap pabalik.

"Nay?! Nakakatayo kana ulit?!" Masaya at di ko makapaniwalang sabi ng magkaharap na kami. Kita ko yung sigla sa mukha niya at di na sya sobrang putla di gaya nung huling bisita ko sa kanya.

"Ou anak. Surprise! Isusurprise dapat kita kaso mukhang ako yung nasurprise mo" natatawa niyang sabi habang hinahaplos yung buhok ko.

" Mas nasurprise ako nay! Aaahhh salamat at umookay ka na! " sabay yakap ko ulit sa kanya.

" Salamat sa organic tea at mga vitamins at natural na pagkain na ibinibigay ni Run Ze sakin kaya mabilis akong nakaka recover. " Masaya niyang sabi sabay lingon kay Zee na nakangiti ngayon at sabay na kumaway. Kinawayan ko din siya at nangiti. Napaka buti talaga niya.

"Ay oo nga pala sakto may nakasalang akong pagkain maupo kana anak at maghahain nako"

"Tulungan ko na kayo--" nagkatinginan kami ni Zee ng sabay pa kaming nag offer kay nanay na natawa naman.

"Aigoo ang mga anak ko, okay lang ako magpahinga na kayo dyan mabilis lang to! " masaya at masiglang sabi niya saby punta sa kusina.

Nagkatinginan nalang kami ni zee at sabay na naupo sa sala.

" Wala rin kayong pasok till monday next week no? Kaya ka umuwi? " Tanong nya, tumango naman ako. So sila din.

"Hindi kita nakita kahapon sa congratulatory ceremony, umuwi ka pala agad? "

Tanong ko sa kanya habang nakatingin derekta sa kanya. Tumango lang siya at nangiti.

"Ah oo, after na mag kayayaan kela Rocky, umuwi nako dito. Mas refreshing kasi dito. "

Tumango naman ako bilang pag sang ayon sa kanya.

"Salamat nga pla Zee sa pag aalaga kay nanay habang wala ako dito. "

Sincere kong sabi sa kanya, nangiti naman siya at umiling.

" I told you, pangalawang nanay ko na din si tita kaya di ko siya pababayaan, kahit wala ka pa. "
Ngisi nya sakin, napa pout naman ako sa sinabi nya.

"Panget mo magtigil ka nga" sabay iwas niya ng tingin, tumawa naman ako at natawa narin siya..

Nagsalin nalang ako ng tsaa sa baso at ininom ito ng bigla siyang nagsalita ulit.

"Saya saya mo porket may boyfriend kana, so how's it going between you and that president?

Nanlaki at aksidenteng naibuga ko yung iniinom kong tsaa dahil sa sinabi nya, agad naman siyang nakailag at natawa ng malakas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PurposeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon