Hello Again (Update 2.4.)

80.9K 4.6K 4.4K
                                    

SINO ANG NASA LIKURAN KO? TAO BA TALAGA ITO?


Hindi na bago sa akin ang mga naririnig kong napupunit na balat, humihiwalay na laman, o ang matindiking pagkalam ng sikmura. Lahat ito ay narinig ko na sa panaginip ko. Nakaharap ko na rin ang pinakanakatatakot na nilalang na nakita ko sa buong buhay ko—ang baliw na si Lolo Rogelio. Nasa isip ko pa rin ang nabubulok at halos inuuod niyang likod, maitim niyang gilagid, at nabubulok na mga ngipin na tila inaamag na. Maging ang nakasusulasok na amoy ng matandang lalaki at ng mismong kuwartong ito. Pero ganito pa rin ang nararamdaman ko. Natatakot pa rin ako.


Halos maiyak pa rin ako sa takot.


I have to think, anong gagawin ko?! I have to scream dahil kung hindi ay papatayin ako nito. Tinakpan ko ang aking tainga at pumikit ako nang mariin. Umupo ako sa sahig at saka ako humiyaw nang malakas.


Napapitlag ako nang may biglang humawak sa balikat ko. "Ember, hija?"


Napamulagat ako nang mapagsino ang nasa likuran ko. "L-Lolo Saul?"


"Are you okay? Pawis na pawis ka."


Napatayo ako sa pagkakaupo. Hinihingal ako.


"May nangyari ba?" Sabay lingap niya sa paligid. "Bakit ka tumitili?"


"I-iyong kabaong po, walang laman." Itinuro ko yung kabaong. Sinilip ko pa ito para makasigurong wala nga itong laman.


Napailing ang matanda. "Inilabas na naman yata ni Corazon ang asawa niya."


Napatanga ako. "I-inilabas po?"


Napatitig siya sa akin na para bang tinitimbang kung sasabihin sa akin ang nangyayari. "Ang mabuti pa, hija, sumunod ka sa akin." Nagpatiuna siyang naglakad kaya sinundan ko siya.


Lilingap-lingap pa ako sa paligid dahil narito pa rin sa akin ang takot.


Bumaba kami ng hagdan at pumunta sa kanilang banyo. Binuksan namin ang pinto niyon at sinilip si Corazon na nasa loob. "Look at them."


Nakisilip na rin ako.


Nakaupo at nakaharap si Corazon sa bathtub, nakatalikod sa amin. Abala siya na para bang mayroon siyang pinapaliguan. Natutop ko ang aking bibig nang madiskubreng ang bangkay ni Rogelio ang pinapaliguan niya.


Humuhuni pa ang matandang babae na para bang nagpapaligo lang ng bata. Nagtayuan ang mga balahibo ko.


"Pasensiya ka na, hija, kung natakot ka kanina. Akala mo siguro ay bumangon ang bangkay ni Rogelio nang makita mong wala ito sa kabaong, ano?"


Napayuko ako. "O-opo."


Napabuntong-hininga siya habang pinagmamasdan namin si Corazon. "Hindi niya matanggap na pumanaw na ang asawa niya." Gumuhit sa mga labi niya ang lungkot. "Iyon ang dahilan kung bakit hindi pa rin namin ipinalilibing ang mga labi ni Rogelio."

Casa Inferno (The heart's home)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon